It's 6:40 am when I decided to leave and heading my way to school. 7:30 pa naman ang start ng klase kaya medyo maaga pa. Buti nga ay nakatulog pa ako ng maayos matapos ang lahat ng nangyari kagabi.
Nang makarating, I parked my bicycle sa parking area. I scan my I.D first sa entrance ng school as identification na student ka sa school na 'to and an attendance checker na rin sa lahat ng mga student na nag-aaral dito.
Pagkapasok ay sinalubong kaagad ako ni Ivelle at Joshua na ikinairap ko. Sinabihan ko na sila na huli na 'yong kahapong ginawa nila 'to dahil hindi ako komportable lalo na't ang ingay ng boses nitong si Ivelle at tila napipilitan lang si Joshua na samahan siya.
"Ang pogi today, Eli." Saad ni Ivelle na ikinangisi ko.
"Diyan ka magaling, tss. Halina nga kayo, baka ma late pa tayo." Ivelle just giggled at sumunod na sila sa akin dalawa na tumungo sa classroom namin. Medyo nahihiya lang ako dahil bawat madadaanan ko ay binabati ako and most of them are girls.
Well, not to brag but I'm the most popular guy here and I'm well aware that it's because of my looks. Actually, ako ang napili ng dean na maging model for the promotion of our school. Nasa labas yun eh, nakapaskil sa tarpaulin. Yung babae naman na kasama ko roon ay siyempre si Reize.
And speaking of her. Napaayos kaagad ako ng tayo at inayos ang polo uniform na suot ko.
"Mauna na muna kayo." Saad ko sa dalawa. Sumama naman ang tingin ni Ivelle sa akin habang si Joshua ay tipid lamang na tumango.
"H-hoy, huwag mong sabihing kami pa ang pabibitbitin mo ng bag mo?" histerikal na sagot niya. Inis akong napakamot sa kilay.
"Minsan lang naman 'to. Tsaka, I have something to give to Reize." But she just mocked me like she's not in front of me.
"Akin na nga 'yan. Itapon ko pa 'yan eh. Bastedin ka sana. Come on na, Joshua baby." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Kakalbuhin ko talaga yung babaeng 'yon eh. I watched them hanggang sa mawala na sa paningin ko. Buti pa si Joshua, nonchalant lang.
Right, they're my bestfriends. Joshua is actually the closest one kasi nauna ko siyang nakilala and we've known each other since Grade 7 while Ivelle is during our 10th Grade. Sila lang ata ang ka close ko sa school kahit na marami naman akong kakilala. Pero kakaiba talaga kapag nandiyan sila. Wala man si mommy sa tabi ko palagi but with them, I found my second home.
Kulitan, asaran, tawanan and even iyakan ay kasama ko sila. Isa sila sa mga kumukompleto ng araw ko bukod kay Reize.
"H-hey, gusto mo hatid na kita?" I saw she stopped from reading her book while walking at bumangga pa ang ulo sa dibdib ko. Napaangat siya ng tingin and saw how she flushed. Too cute!
"Elio? Oh gosh, I'm so sorry. Hindi ko nakita." Nataranta niyang saad. I just smiled at napailing assuring na okay lang iyon. Walang wala 'to sa kung paano niya tinamaan ang puso ko ng sobra.
"It's fine. Next time, don't do that again. Baka maaksidente ka."
"Umm, pasensiya kana. May long quiz kasi kami ngayong 1st period. Tinapos ko pa kasi yung project namin na hindi naman natapos kaga—"
"If you're fine with it, ako na ang tatapos so that you can get enough sleep." Pagputol ko sa sinabi niya habang binibigay ang aking suhestiyon. She bite her lower lip and shook her head.
"It's fine, Eli. Besides kaya ko naman, na short lang talaga sa time." Magsasalita pa sana ako ng hindi ko na natuloy dahil sa biglang tumunog ang warning bell hudyat na 7:15 am na.
Agad kong kinuha ang bag niya tsaka siya sinundan sa building niya. She's in a 12th Grade also under Humanities and Social Sciences strand. One thing I like her is that she's always maintaining her consistent higher academic awards na natatanggap every semester. Last year nga eh, first to second grading nakuha niya ang With Highest Honor. Marami nga ang nagtatanong even me kung bakit 'di siya nag STEM. Ngunit rason niya ay gusto niyang maging isang journalist which I'm really proud about kahit ngayon pa lang.
YOU ARE READING
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance-BL Story- Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy hair that's alwa...