Tahimik lamang kaming dalawa habang binabagtas ang daan pabalik sa condo ko. Kita ko ang panaka-nakang tingin nito sa rear-view mirror ng sasakyan niya kaya napapaiwas ako ng tingin at itinutok na lamang sa labas ang gawi.
Pagkaraan ng ilang minuto ay narating na rin namin ang tinitirhan ko. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod naman siya.
"H-hey! Why so rush? Wala man lang thank you?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
"Sinabi ko naman sayong huwag mo na akong ihatid 'di ba? Pero nagpumilit ka pa rin. Thank you, ha." May bahid ng sarkasyong ani ko.
"You're welcome even though it's not sincere," aniya at nagbago ang timpla ng mukha.
Eh totoo naman ang sinabi ko ah. Ang sabihin niya, ang tigas lang talaga ng ulo niya't siya ang nasusunod palagi kahit na labag sa kalooban ko. Naiinis din ako sa sarili ko palagi dahil sa tuwing nagbabangayan kaming dalawa ay siya ang palaging nananalo.
Hahakbang na sana ako papalayo sa kaniya nang tinawag na naman ako nito. Naiinis ko siyang binalingan ng tingin. "Ano na naman ba?!"
Bahagya lamang itong umirap lang ito. "May gagawin ka ba ngayong araw?"
"At bakit naman?" Kuryoso kong tanong.
"I just thought if you're free later, maybe you could accompany me sa mall. May bibilhin lang." Kibit balikat nitong paliwanag.
"Sa iba nalang. Busy akong tao." Seryosong saad ko ngunit hindi pa rin siya nagpatinag.
"No, ikaw lang ang gusto ko-" Gulat akong napatingin sa kaniya habang siya ay napahinto at parang pinoproseso ang sinabi. "I-I mean I want you to accompany me personally dahil g-gusto ko."
"I have something to do later," Malamig na ani ko. Kita ko namang lumungkot ang mukha niya at bahagyang yumuko.
"Umuwi kana nga sa inyo. Iniistorbo mo nalang ako palagi." Pinal na saad ko bago siya tuluyang tinalikuran. Rinig ko pa ang malalim niyang paghinga at pabalang na pagsara ng pinto ng sasakyan niya. Kita ko pa sa peripheral vision ko na umalis na nga ito.
Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang maramdamang wala na siya. Pagkarating sa condo ay agad na akong nag cool down exercise bago naligo. I did my usual routine in the morning. Napagdesisyunan ko ring linisin ang mga kalat sa kwarto ko.
Balak ko sanang mag advance study para sa nalalapit na pagtatapos ng 1st quarter ng 1st semester. Tiyaka kailangan ko ring tapusin ang mga plates na nirerequire ng subject adviser namin sa Contemporary Arts na ipapasa sa lunes. Kahit ilang beses ko ng sinabi na hindi na ako magpopocrastinate ay ginagawa ko pa rin kaya hangga't maaari ay nilalabanan ko na mismo ang sarili kong katamaran.
I'm in the middle making an iced coffee nang sumagi muli sa isip ko ang pagmumukha ng lalaking iyon. Napapikit ako sa inis nang magpakita ang imahe niyang malunkot ang mukha sa kawalan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ang katiting na konsensiya. Tangina naman oh. Bakit ba ako naaapektuhan?
Nag-iisip lang ako ng mga masasamang bagay patungkol sa kaniya hanggang sa natagpuan ko na lang sarili ko na hawak hawak ang cellphone ko't hinahanap ang number niya sa mga contacts ko.
Nagdalawang isip pa ako kung gagawin ko ba iyon pero tinuloy ko pa rin. I clicked his name na sinet ko at nagtipa ng mensahe.
< KSP 💩- Saturday, July 15 -
:Anong oras ba 'yang lakad mo?
Sent.
YOU ARE READING
IKIGAI Series #1: Estranghero
Romance-BL Story- Elio Maze Inoue is a bubbly and optimistic, with an infectious energy that draws people to him. He also have that bright, expressive eyes that sparkle with enthusiasm. While in a physical manner, he has this curly or wavy hair that's alwa...