chapter 17

858 49 0
                                    

Alina pov:




Huhu parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon , masama ang tingin sakin ni Ama habang si Ina naman ay para ng namatayan dahil sa kakaiyak.


What is going on?!


Nagbigay pugay sa kanila sila Aso na ikinatango naman din nila Ama. Tinitigan ng matagal ni Ama si na siya ring ikinagulat nito.


"Ikaw ba ang bunsong Prinsepe ng Kahariang Hanazed?" tanong pa ni Ama sa kanya, nagulat naman kaming lahat sa itinanong ni Ama.


Ba't siya nagtatanong?


"O-opo" maikling sagot ni Aso na mukhang kinakabahan, tumingin naman din ako kay Ina na nasa likuran ni Ama at yakap-yakap si Ate!?


Bakit sila nandito? Akala ko ba ay limang araw silang hindi uuwi dito? Scammer si Aling Mesia may scammer rin pala sa mundong to!


Nakita ko rin si Kuya Proxy na nasa tagiliran ni Ina.

"Maari ba kitang makausap kasama ang Ausejo ng kaharian namin?" Gulat na napalingon ulit ako kay Ama sa isinambit nito at gaya ko rin ay bakas rin sa mukha ni Aso ang sobrang pagkagulat.


Ang Ausejo ay ang mga minestro sa kaharian. Sila ang utak ni Ama at tinaguriang batas sa palasyo, kung may gagawin man si Ama ng kung ano-ano dapat ang lahat ng mga yun ay sang-ayon ang mga Ausejo.


Pero nakakapagtaka bakit niya nais makausap si Aso? At sa harap pa talaga mismo ng mga Ausejo?


"A-ama may-" hindi ko na naipatuloy ang pagsasalita ko nang tinignan ako ni Ama na namumuo ang luha sa kanyang mga mata.


Ano ba ang ginawa ko sa kanila!?


Napansin naman iyon ni Aso kaya agad siyang tumango sa kanya at tumalikod sakin.


"Te-teka" tawag ko pa kay Aso. Nilingon niya naman din ako at kinindatan sabay ngumiti sakin, nanlaki naman ang mata ko dahil doon.


Tinignan ko pa sila Radik na nagtataka pa rin hanggang ngayon ang pagmumukha at mukhang hindi nila napansin ang ginawa sakin ni Aso.


Ano kaya ang nakain ng taong yun , wait speaking of kain hindi nga pa pala kami nag-aalmusal!


Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang pumasok ang limang katulong sa silid ko at binigyan kami ng agahan at doon lang din nabawi nila Radik ang kanilang mga sarili nang makita ang pagkain sa harapan nila.


Automatic talaga!


Nagsimula na kaming kumain at ang daming tanong nila sakin at min-isa wala akong nasagot, ano ba ang alam ko eh wala naman akong ginawa ngayon kung hindi kain at tulog tse!


Nang matapos kami sa pagkakain ay agad na silang nagpaalam sakin kasi uuwi pa daw sila bago pumunta sa paaralan.


Naiwan na naman akong magisa.


Nakakabagot talaga ang mag-isa pero gumabagab pa rin sa isipan ko ang ginawa sakin ni Aso at lalong-lalo na kila Ama.


Ang daming kakaiba ngayon.


Hindi ko na lang iyon pinansin at tinignan ang paa ko na nagmamaga, pinilit ko naman din ang sarili na hawakan iyon.


Gumaling kana pakiusap!


I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now