chapter 50

459 30 0
                                    

Proxy pov:





"Anong nangyari?!" Halos lumundag na ang puso ko sa sobrang pagkakaba. Kasulukuyan na akong nandirito sa silid ni lola, nabalitaan ko kasi ang naganap rito kaya naman dali-dali akong nagtungo rito. Hindi pa rin nagigising si Amaya ngayon kung kaya't pinabayaan ko muna siya sa kanyang silid at sinamahan na lamang si Lola na ngayon ay galit na galit pa rin.

"Itanong mo sa magaling mong kambal!!" Para akong ipunukpok sa kinatatayuan ko sa sigaw ni Lola'ng yun, kahit kailan napakasungit at nakakatakot niya talaga! "Ah, opo" mahinahon kong sagot, nag-paalam na ako kaagad sa kanya dahil baka mapagalitan pa ako nito. "Nasaan si Alina?" Tanong ko sa isa sa mga katulong, nagbigay pugay pa ito sakin bago ako sagotin. "Nasa Resolim na po, kamahalan" tumango na lamang ako sa kanya at sabay na nag-lakad paalis.

Natagalan kasi akong makarating rito dahil pinauna ko pa sila ama at  ina baka kasi hindi ako payagang makapunta rito, tumakas lang naman kasi si Amaya sa kaharian kagabi at ngayon lang talaga namin nalaman na dito siya napadpad pero ang hindi makapani-paniwala ay yung nagawa niya. Napakahirap paniwalaan na si Amaya nga ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Lola, nagpaliwanag naman si lolo samin pero aaminin kong hindi ako kumbinsado sa kanilang paliwanag.

Kambal niya ako kaya alam kong may mali.

Sinilip ko pa si Amaya sa kanyang silid at gaya kanina ay tulog ito. Hindi ko na lamang siya pinakealaman pa at nagtungo sa karwahe. "Kamahalan!" Gulat akong napalingon sa pagmamay-ari ng boses na. "Yna?" Hindi makapaniwalang tugon ko pa, matamis siyang ngumiti sakin sabay nagbigay galang. "Paano ka nakarating dito?" Dugtong ko, itunuro niya naman sila Ama na ngayon ay pababa na ng karwahe na siya ring nagpakaba sakin. "Ahh, sige mauuna na muna ako paalam!" Maghahabol pa sana sakin si Yna nang makasakay na ako sa karwahe, hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at sinenyasan na ang kutsero na umalis.

"Muntikan na" bulong ko sa sarili habang nakapikit ang mga mata at nakasandal sa upuan. "Paki-bilisan" utos ko sa kutsero na siya ring ikinatango niya, nakatanaw lamang ako sa tanawin sa ibaba habang may malalim na iniisip. Hindi pa rin mawalay sa isipan ko si Amaya, hindi kasi siya yung tipo na sumasagot sa mas nakakatanda sa kanya lalo na ang manakit, e hindi nga niya kayang sumampal yun pa kayang sinipa? Pakiramdam ko hindi siya yung kapatid ko.

Aalamin ko ang katotohanan.

Napabuntong hininga ako sa kawalan, ayokong pag-isipan ng mali si Amaya, natatakot akong masaktan siya sa kung sakaling nagkakamali lamang ako. "Tsk! Bahala na nga!" Wala sa sariling naisigaw ko, napadungaw naman din sakin ang kutsero pero sinuklian ko na lamang siya ng ngiti.

Malungkot na malungkot ang pagmumukha ko nang marating ko ang Resolim at dahil sa kakaisip ng kung ano ay hindi ko na napapansin ang mga tilian ng kababaihan. Hindi makakapasok si Amaya ngayon at alam kong paparusahan siya ni ama mamaya, ngayon ko lang ulit nakita yung galit ni ama pero iba na ang galit niya kaysa sa galit niya kay Alina noong nakaraang araw at alam kong malupit ang kaparusahan niya. "Ano na ba kasi ang nangyayari sa pamilya ko?" Malungkot kong bulong sa sarili.

"May problema ka ba" nagulantang ako nang marinig ang boses ni Raya at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala siyang nakakapit sa braso ko. Nilingon ko pa ang likuran ko at lalo naman akong nagulat nang nandito rin sila Roi, hindi ko sila napansin! "Ayos ka lang ba Prox?" Bakas sa pagmumukha nilang lahat ang pag-aalala tanging pilit ngiti lamang ang ibinigay ko sa kanila, hindi kasi ako mahilig na magsabi sa iba ng problema gusto kong solohin iyon kung meron man.

"Wala" pagsisinungaling ko ngunit hindi iyon nakalusot sa kanila, kilalang-kilala na talaga nila ako. "Prox, baka may maitulong kami?" Napalaki ako ng mata nang bigla na lamang akong yakapin ni Halina dahilan para mabitawan ni Raya ang braso kong kanina niya pa hawak, napayakap ako sa kanya nang mag-simula na siyang humikbi. "P-proxy si Amaya" bulong niya na tanging kami lamang ang nakakarinig. Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan habang hinihimas-himasan ang kanyang likuran.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now