chapter 44

451 27 0
                                    

Alina pov:

Napa-ungot ako dahil sa sinag ng araw na dumaplis sa mukha ko at marahang inimulat ang mata. Nag-tatakang isinuri ko ang buong paligid, isa itong maliit na silid o bahay kubo. Bumangon ako mula sa pag-kakahiga at hinanap ng tingin si Jelly.

"Jelly?" Patanong na tawag ko pa sa kanya nang may masilayan na maliit na higaan sa itaas ng kama ko. Napangiti ako nang lumabas si Jelly mula sa maliit na kamang yun at dumapo sa hita ko, marahang niyakap ko naman din siya sabay hinalikan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya sabay tinignan ang buong paligid. Nabigla naman ako nang lumipad siya at lumapit sa pinto, nakangiting sumunod naman din ako sa kanya at binuksan ang pinto. Gaya kanina ay isinuri ko ang buong paligid, isa lamang itong maliit na sala. May tatlong pinto na sa tingin ko ay mga silid, ang tanging laman ng sala ay apat na upuan na may lamesa sa gitna. Nasa giliran naman din ng bawat pader ang limang basket na kahapon ay dala namin.

"Tulog pa sila?" Naitanong ko sa sarili at nilapitan ang basket na may lamang Bukara't pumulot ng dalawa. Umupo ako sa upuan at pinakain si Jelly ng Bukara.

"Nasaan na kaya kami?" Dugtong ko pa at kumagat ng Bukara. Hindi ko pa nakakalahati ang Bukara nang bigla nalang bumukas ang isang pinto at iniluwa nito si Kramiya.

"Magandang umaga" nakangiting pag-bati ko sa kanya, nginitian niya naman din ako at binati pabalik. Kumuha pa siya ng prutas sa basket bago umupo sa harapan ko.

"Nasaan na nga pala tayo?" Tanong ko sa kanya sabay inabutan si Jelly nang Bukara. Natutuwang pinagmamasdan ko si Jelly na masaganang kumakain ng Bukara.

"Ewan ko basta bayan to" nakangiwing nilingon ko siya na ngayon ay walang reaksiyon ang mukha habang kumakain ng prutas.

Anong problema nito?

"May problema kaba?" Komento ko na ikinangiti niya ng mapait.

"Alina ako na ulit si Impostora" sagot niya na naka-sanhi sakin ng pagkalito. Gusto ko pa sanang tanongin siya ngunit mukha namang babagsak na ang mga luha na nais niyang pigilan kaya naman tinahimik ko na lang ang bibig ko.

"Kramiya baka gusto mong gumala?" Pag-papasaya ko pa sa kanya, nakangiting tinangoan niya naman din ako. Mabilis naming inubos ang prutas na kinain namin at paalis na sana kami nang bigla nalang bumukas ang pintoan at iniluwa nito si Karex at Radik.

"Saan kayo pupunta?" Tanong samin ni Aso na nakakunot ang noo.

"Gagal-" naputol ang pananalita ko nang may biglang nag-sisigawan at nagsisitilian sa likuran nila. Nakataas kilay ko naman ding sinilip ang likuran nila Aso at lumantad sa paningin ko ang mga babaeng malanding nag-sisigawan.

Ang aga-aga nag-lalandian na!

"Cali! Gusto na kita!" Kumunot ang noo ko sa sinigaw ng isang babae.

Cali? Sino yun?

Kunot-noo kong tinignan sila Radik at Aso na hinihingian ng sagot para sa pag-kakalito ko. Imbes na sagotin ako ni Aso ay hinila niya ako papasok at pwersahang pinaupo sa upuan, sumunod naman din sila Radik at Kramiya samin sabay sara sa pinto.

"Sagotin niyo nga ako, sinong Cali?" Naguguluhang tanong ko sa kanila, nakakasiguro ako na sila Aso at Radik ang pinagtitilian ng mga babae sapagkat sila lang naman ang  sikat sa mga babae pero sino ba yung Cali?

"Ako" nanliliit na ang mga mata ko sa sobrang pagkalito.

Cali? Bakit naman iniba niya ang pangalan niya?

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now