chapter 42

452 34 8
                                    


Karex pov:

"Nakakainis bakit ko ba nakita yun?!" Kanina pa ako naiirita sa bulateng napadpad sa kaharian ko. Nang maihatid ko na si Pusa sa kaharian nila ay pumalit naman sa kanya si Radik na ngayon ay nag-rereklamo sa kung ano man ang nakita niya kaninang hapon. Hindi ko naman din siya pinapansin at nakatanaw lang sa mga bituin sa kalangitan at buwan.

"Karex! Ayoko na! Nakainis pagod na ako!" Seryosong usal nito na hindi ko pinansin bagkos ay napangiti ako habang inaalala ang pangyayari samin kanina ni Pusa habang nasa kalangitan ang paningin ko.

Hinalikan niya ako pabalik.

"Hoy!" Napaangat ako ng balikat sa gulat nang bigla nalang tumaas ang boses ni Radik, sa inis ay malakas ko siyang sinipa at napalipad naman din ito at malakas na bumagsak sa sahig. Namimilipit pa siya sa sobrang sakit sabay dura ng dugo, sininghalan ko naman din siya at sumandal sa halige.

"Lintek ka bakit moko sinipa?" Pilit nitong salita habang pinipilit ang sarili na bumangon at wala sa plano kong tulungan siyang tumayo, kasalanan niya kung bakit nasipa ko siya.

"Bakit moko ginulat?" Inis na tanong ko pabalik sa kanya, nanlaki naman din ang butas sa ilong niya.

"Hoy! Tinawag lang kita malay ko ba na magugulat ka" inis na sagot nito sakin sabay tumayo, napatingin naman din ako ulit sa kalangitan. Nilapitan niya naman din ako at tinanaw rin ang kalangitan.

"Sabihin mo nga, kailan ka pa nahilig pagmasdan ang buwan?" Kuryusong tanong niya sakin, Bumuntong hininga pa naman din ako bago siya sinagot.

"Simula sa una" sagot ko na ikinalingon niya sakin.

"Baliw ka ba?" Nanlalaking ilong tanong niya sakin, sininghalan ko lang naman din siya at hindi na pinansin ang pinagkukuwento niya.

"Karex paano ba mawala ang nararamdaman mo para sa mahal mo?" Tuluyan ng nakuha ni Radik ang atensyon ko sa tanong niya sakin, seryoso lang ang mga mata niya na nakatanaw sa kalangitan.

"Ewan ko, anong alam ko diyan? Hindi naman ako katulad mo nag-dadalawang babae" sagot ko sa kanya na ikinangiwi niya. Tarantado naman pala siya, e kung si Kramiya nga ang mahal niya bakit niya pinili si Klara? Kung sa bagay, siya naman din pala ang dahilan kung bakit nagka-ganoong sitwasyon ang kaharian nila Klara pero kung ako pa doon matagal ko nang idinigma ang Ethew na yun.

"Sa bagay ngayon ka pa nga lang namang umibig" nainis ako sa biglang pag-sagot ni Radik sakin ewan ko ba parang may dalang pangangasar ang sinabi niya sakin.

"Kamahalan, may sulat po kayo" sabay kaming napalingon ni Radik sa pintuan ng silid ko nang biglang may nagsalita doon, sinagot ko naman din siya at pumasok sa silid ko. Marahan niyang inabot ang sulat sakin at nang mahawakan ko na ang sulat ay agad ko siyang sinenyasan na lumisan na, ayoko kasing may ibang babae ang nakakapasok sa silid ko kahit na katulong pa sila.

"Kaninong sulat yan?" Tanong pa ni Radik, kinibitan balikat ko naman din siya at tsaka binuksan ang sulat, tumambad agad sa paningin namin ang pangalan ni Proxy.

"Aba! Huwag mong sabihin na pati kuya ni Alina ay nililigawan mo?" Napayuko at napahawak si Radik sa kanya ulo nang batukan ko siya ng malakas, nag-reklamo pa naman din siya ngunit hindi ko na iyon pinansin at binasa ang sulat.

"Ano bang nakasulat diyan?" Tulala pa rin ako na nakatitig sa sulat ni Proxy habang nagsisiputukan naman ang dibdib ko sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko, sa sobrang pagkatulala ay hindi ko na namalayan na inagaw na pala ni Radik sakin ang sulat.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now