chapter 40

583 37 5
                                    

Karex pov:

"Karex!" Napalingon ako sa giliran ng Karwahe ko nang marinig ang boses ni Radik.

"Kanina kapa ba nandito?" Tanong niya sakin, tinangoan ko naman din siya.

"Ba't ang aga mo?" Tanong niya ulit sakin, hindi ko naman din siya sinagot at tumingala lang sa ere.

Habang nakatitig sa kalangitan ay biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi na ikinangiti ko nang todo.

Hinayaan niya lang ako na mahalikan siya.

"Hoy!" Nagulat at napaangat pa ako ng balikat nang bigla nalang akong sigawan ni Radik. Natawa naman din ito na ikinakunot ng noo ko.

"Gusto mo turuan kita kung paano matakot sakin?" Pikon na banta ko sa kanya na ikinatigil niya sa paghahagikhik.

"Eto naman, masaya lang yung tao, e" nakangusong sagot niya na isininghalan ko lang.

"Karex, alam mona ba ang tungkol sa pangyayari sa kaharian namin?" Napalingon ako ulit sa kanya nang biglang sumeryoso ang boses niya.

"Ang alin?" Kuryusong tanong ko.

"May nadakip ang mga taga-bayan na isang halimaw" nanlaki ang mata ko sa gulat sa ini-ulat niya sakin.

Halimaw?

"Ano ang hitsura niyon?" Kuryusong tanong ko sa kanya, napa-isip naman din siya.

"Ang sabi daw nila ay kulay berde ang balat nito na may kulay pula na mata" napakuyom ako ng kamao sa isinagot niya sakin.

Paano sila nakarating sa Kaharian ng Solamen?! Hindi kaya nandoon sila nagkukuta?

"Sabihin mo, may nakakita rin ba sa kung saan sila nag-kukuta?" Seryosong tanong ko ulit sa kanya

"Wala, ngunit ipinaghahanap na ito ni Ama, ang sabi ng mga Ausejo ay isa daw sila sa mga anak ng dilim" sagot niya, bakas sa tono ng pananalita niya ang takot na nararamdaman niya bahagya ring nanginginig ang kamay niya.

"Ang mga anak ng dilim, nag-babalik na sila Karex, nagbabalik sila upang maghiganti" takot na usal niya.

"Hindi, hindi pa sila tuluyang nakakabalik sa mundong to" seryosong sagot ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Yung halimaw na yun kasapi iyon sa Anak ng dilim" napabuntong hininga nalang ako sa isinagot niya at napasandal sa karwahe.

"May dapat pa silang gawin upang tuluyan na silang makabalik sa mundong to at hinding-hindi ko iyon hahayaang mangyari" sagot ko sa kanya at tumingala ulit sa kalangitan.

Si Pusa, siya ang magpapabalik sa mga Anak ng dilim.

Matapos ng huling sinabi ko ay pareho na kaming natahimik at nakatanaw sa kalangitan.

Ano kaya ang ginagawa ng mga Hunyangong yun sa kaharian ng Solamen? Ano na naman kaya ang pinaplano ng mga halimaw na yun?

Si Pusa, bakit siya? Bakit sa lahat ng pwedeng maging itinakda ay siya pa?

Natigilan lang ako sa kakaisip ng kung ano-ano nang masilayan na sa di-kalayuan ang karwahe nila Pusa. Mabilis akong napalapit sa kanilang karwahe nang lumapag na ito sa lupa.

"Magandang umaga" nakangiting bungad samin ni Proxy, binati naman din namin siya pabalik. Una siyang bumaba sa karwahe at inalalayan si Amaya at sunod si Pusa.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now