Chapter 37

574 36 2
                                    

Alina pov:

"Isang araw na lang ha!" Malakas na sigaw ko pa sa labas ng bintana ng Karwahe.

"Napano ka ba?!" Tanong pa sakin nina Ate at Kuya.

"Kainis e, hindi pa ako handa sa kantahan" reklamo ko pa at napakamot ng ulo. Tinawanan lang naman din nila ako.

"Kaya mo yan, Bunso" pangangasar sakin ni Kuya.

"Heh!" Mataray na singhal ko sa kanila at pina-ikotan ng mata.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Kuya at inaalala ang mga lirika ng Kanta.

Inalalayan naman ako ni Kuya makababa sa karwahe nang makarating na kami sa Resolim, sinalubong naman din kami nila Roi at Aso.

"Pusa!" Bungad na sigaw sakin ni Aso, inangatan ko naman din siya ng tingin.

"Tsh! Bakit? Angal ka?" Maangas na tanong ko sa kanya. Nagpakagat naman din siya ng labi.

"Uy! Ang aga-aga may nag-papainggit na" panunukso samin ni Roi sabay naman din kami ni Aso na lumingon sa kanya.

"Uod!" Sabay naming sigaw sa kanya, napatingin pa kami sa isa't isa at sabay ring umiwas ng tingin.

Kakairita!

"Hoi! Mga letse kayo anong uod?! Eh kung paguntugin ko kayo?" Matapang na usal niya pa sakin.

"Edi subukan mo!" Sabay ulit naming usal ni Aso. Nagsitawanan naman din silang lahat.

"Ayos ka ba lang kapatid ko?" Pangangasar sakin ni Kuya sabay tawa.

"Magiging ayos yan kasi nandiyan na yung ano niya" nakangising panunukso din sakin ni Ate.

"Psh! Manahimik nga kayo!" Pikon na sigaw ko sa kanila sabay talikod. Hinabol naman din ako nila Kuya pero hindi ko na sila pinansin pa at binilisan ang kilos.

Kakairita! Ayoko talaga yung tinutukso sa isang lalaki!

Nakakunot noo akong pumasok sa Resolim, binigyan pugay naman din ako ng mga kalalakihan na nakakasalubong ko, nginingitian ko lang naman din sila.

"Hoy!" Natigilan ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. Iritang lumingon naman din ako sa kanya ay bumungad sakin ang mukha ni Aso. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"May pupuntahan tayo" sambit niya pa, nagulat naman din kami nang biglang dumapo ai Jelly sa balikat ni Aso.

Nasundan ako ni Jelly dito?

"Letseng ibon to! Nang-gugulat!" Pikon na sambit ni Aso, natawa naman din ako sa kanya.

"Pwede ba! Huwag mo ngang murahin ang alaga ko!" Suway ko pa sa kanya, ngumuso naman din siya habang hinahaplos-haplos ang balahibo ni Jelly.

"Saan ba tayo pupunta?" Kuryusong tanong ko pa. Napangiti naman din siya.

"Halika" aya niya pa, bumaba naman din ang kamay niya mula sa braso ko pababa sa kamay ko. Kumunot naman din ang noo ko na nakatitig sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Hoi! Bitawa-" naputol ang pagsasalita ko nang siningitan niya ako.

"Pabayaan mo na! Yan ang utos ko sayo" utos niya pa sabay kindat sakin at hinila ako sa kung saan.

I Was Reincarnated As A Princess Season 1 (ROYALTY SERIES #1) Where stories live. Discover now