Chapter Eighteen

640 53 1
                                    

Its been 3 hours since nag start ang operation ni gabb at wala paring lumalabas sa mga doctors na nasa loob. Siguro ay hindi parin sila tapos sa operasyon.

Sinundo naman ng daddy ni coleen ang panganay na si ellie. Alam nya ang nangyari sa dada nya kaya naman gusto nyang pumunta ng hospital. Dinalhan nila ng Extrang damit si max para makapag palit ito.

Nang makarating si ellie ay agad nyang ni yakap ang mommy nya ay si max. matapos ang tatlong oras at kalahati ng operasyon ay may lumabas ng doctor mula sa OR.

Doc, how's my wife? Agad nyang tanong

The operation went well pero she's not out of the woods yet. She needs to survive the 48 hrs period. I could say na critical ang 48 hrs window... Kaylangan din mag improve ng vital signs nya during the time being.. Paliwanag ng doctor.

By the way ililipat na namin sya ng ICU. You can visit her during visiting hours, If still have questions feel free to ask me. Excuse me. Umalis naman ang doctor.

Nang hina ang tuhod ni coleen sa narinig nya. Kailangan na maka survive ang asawa sya sa loob ng 48 hours.

Ellie ang dada mo... Feeling ni coleen ay matutumba sya pero dahil yakap sya ni ellie ay nakayanan nya parin.

Mommy she will make it.. Diba sinabi nya na hindi naman nya tayo iiwan.. Let's trust her mom babalik din sya sa atin. Sabi ni ellie habang naka alalay parin sa mommy nya.

Sana nga anak, hindi ko kakayanin pag nawala sya sakin. Mababaliw ako anak pag nangyari iyon. Sagot ni coleen at muling tumulo ang luha nya.

Naramdaman naman ni coleen ang isang pares ng kamay na yumakap sakanya. It was max. Tinaggal nya ito.

Let's go ellie sa chapel. Mag dasal tayo uli. Aya ni coleen sa panganay. Akma na lalakad na sana sila ng mag salita si max

Mommy please.. Wag ka po magalit sakin.. Hindi ko po gusto na mang yari kay dada iyon. Nangingilid luhang sabi ni max. Napalingon naman si coleen sakanya at tinignan sya na punong puno ng galit sa mga mata nito.

Hindi mo ginusto? Hindi mo sinasadya? HOW CAN I BELIEVE YOU?! You treat her like she's nothing to you! This what you want diba?! Ang mawala sya sa atin?? How can i believe that you care when you don't consider her as you parent?! I blame you max! This is all you fault! Sigaw ni coleen sa anak at tuluyan ng umiyak si max sa mga narinig nya.

Coleen! Tama na yan! Hindi tamang sisihin mo ang bata sa nangyari. Hindi nya ito ginusto. Pag awat ng ama ni coleen.

Wag ka naman ganyan sa anak mo coleen... Dagdag ng ina ni coleen.

Mom... Wala akong anak na ungrateful! Walang ginawa si gabb kundi mahalin ka at ibigay lahat ng gusto mo! Tapos sasabihin mo you didn't ask for those?! Yun na nga eh, you didn't ask pero binibigay nya sayo! Nagagalit ka sakanya dahil sinasabi mong hindi ka nya anak?! Well now listen max! Gabrielle is your biological mother! Ako lang nag dala sayo pero dugo't laman mo si gabb. Lagi ka nyang kinakampihan sa lahat ng bagay. Lagi ka nyang sinusuportahan sa gusto mo. Max ilang beses ako nakiusap sayo dati diba? Pero nakinig kaba sakin?? Ni minsan ba nakinig ka? Hindi!! Mas inuuna mo yang galit na hindi ko alam san nang gagaling!! I told you i l-love her so much.. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang dada nyo... Napaupo si coleen sa sobrang sakit ng nararamdaman nya. Hinihiling nya na sana hindi na ito nangyari sakanila.

Yakap yakap naman sya ni ellie. Awang awa sya sa mommy nya at sa kapatid nya. Hindi ito ang gustong makita ng dada nya. Alam nya iyon..

Nang makarecover si coleen ng kaunti ay dinala uli sya ni ellie sa chapel habang si max naman ay nasa lolo at lola nya.

Muli ay mataimtim silang nag dasal sa mabilis na pag recover ni gabb. Alam nilang hindi ganun kadali ang hinihiling nila pero umaasa sila sa milagro.

________________________________

Dumating ang oras na hinihintay nila. Ang mailipat si gabb sa ICU para malapitan na nila.

Agad na pumunta si coleen at ellie sa kwarto kung nasaan si gabb. Pag pasok ni coleen ay tila na statwa sya nang makita nya si gabb. May bandage ito sa ulo at may tubo pa bibig upang makatulong sa pag breath. Si ellie ang unang lumapit kay gabb.

Hi dada.. You did it great... Sabi ko kay mommy you'll make it eh. You're our super hero kaya i know you'll find your way back to us. Diba you won't leave us.. Mahal na mahal kita dada.. Hinawakan naman ni ellie ang isang kamay ni gabb.

Hindi naman naka tiis si coleen at lumapkt din sya kay gabb.

Baby... You're so brave.. Please lumaban ko para sa akin at sa mga bata. Alam mo naman hindi ko kakayanin na wala ka sa tabi ko. Please... Umiiyak na sabi ni coleen.

______________________

Its been 1 month pero hindi parin gumigising si gabrielle. The doctors already declared na comatose na si gabb after the 48 hrs window period. Wala na silang magagawa kundi mag hintay kung kaylan ito magigising o kung magigising pa nga ba ito.. Araw araw pinupuntahan parin ng mga bata si gabb. Si coleen naman once lang umuuwi sa bahay nila.

Nag iba rin ang pakikitungo nya kay max dahil sa nangyari kay gabb. Ramdam ni ellie ang pag babago sa pamilya nila.

Ibang iba narin si coleen. Parang nawalan na sya ng gana sa buhay, parang hindi iyon ang mommy nila. Maaaring napaka laking epekto ng nang yari kay gabb sa mommy nila.

Nag punta si coleen sa ospital upang bisitahin si gabb. Agad nyan inilapag ang bag nya sa upuan at umupo sa tabi ni gabb.

Hi baby.. It's been month simula nung nangyari sayo to.. I just want to say sorry sa mga bagay na nagawa ni max sayo.... Baby sobrang miss na kita.. Tumulo naman ang luha sa mga mata ni coleen. Gumising kana dyan please... Hindi ko na alam gagawin ko sa pamilya natin... Hindi ko na kaya gabrielle... Kaylangan kita... Please... Pag mamaka awa ni coleen

Sabi mo hindi mo ako iiwan diba? Kaya please gising na dyan. day by day nawawalan ng pag asa si coleen sa muling pag gising ni gabb. Nauubos narin ang ipon ni gabb. Nagamit narin nila yung ibang emergency fund nila.

Never pina apak ni coleen si max sa kwarto kung saan naka ratay si gabb. Ayaw nya itong makita na nanduon sya dahil iniisip ni coleen na sya ang dahilan bakit nag ka ganon ang asawa nya.

Pilit man syang kausapin ng kahit na sino ay hindi sya nakikinig. Kahit sa mga magulang nya ay di nya pinapakinggan. Galit ang nararamdaman nya kay max.

______________________________

Us against the world COMPLETED (Our Fight book 2)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon