Chapter VI#itsofficial

2.4K 90 3
                                    

Kinabukasan hinatid na ni Aithan si Liezel sa bahay nila.

Gaya ng dati hindi sya nito hinayaang makapasok sa bahay ng dalaga.

"Hindi mo man lang ba ako aayaing magkape?"nakakunot-noong tanong ng binata.

"Ah next time na lang sige na umalis ka na!"pagtataboy nito sa kanya.

"Wala man lang ba kong kiss?"huling hirit ng binata?"

"sige na anjan na si papa alis na!"patulak pa sya nitong pinasakay sa kotse.Nagtataka man ay sumunod na lang sya sa dalaga.

Pag-uwi sa bahay ay di mapakali si Aithan binabagabag sya ng kakaibang pinapakita ng dalaga sa kanya.Tila pilit pinipigilan nito ang nararamdaman sa kanya.Nalilito na tuloy sya kung totoo o nadadala lang ng kantyaw ang dalaga sa mga kaibigan.

"Boss ok ka lang?lalim ng iniisip mo ah!"pansin ni Dougs sa kanya.

"Naguguluhan kasi ako kay Liezel para kasing may mali sa kanya...minsan ok naman kame pero parang may kakaiba sa kanya...sa tingin mo totoo na kaya ang feelings nya saken?!"seryosong tanong nya sa kaibigan.

"Boss ang hirap sagutin nyang tanong mo...pwde ba math na lang? dun kasi ako magaling eh!"pabirong sagot ng kaibigan.

"sira ka talaga!"sabay bato ng unan sa kaibigan."Sa tingin mo maikli ba masyado ang isang linggong pagkawala ko?seryoso na ulit itong nagtanong sa kaibigan.

"Seryoso boss?...sa tingin ko kailangan mo muna talaga syang bigyan ng time boss...at space..."seryosong payo ng kaibigan.

"i guess your right hindi muna ko magpapakita kay Liezel pero syempre sisilip-silipin ko parin sya...sa malayo nga lang"matamlay na wika nito.

"ayos yun boss hanggang sya naman ang maghanap sayo diba?"tila brilliant idea na naman ni dougs.

"my point ka jan!"sang-ayon nya.

Sinubukan ngang mag disappear ni Aithan sa paningin ng dalaga.Mabilis na lumipas ang mga araw.Ginugol nya ang lahat ng oras sa negosyo.Paminsan-minsan sinisilip ni Aithan si Liezel sa school.Di nya alam kung dahil malayo lang sya kaya mukhang malungkot ang tingin nya sa dalaga o talagang malungkot lang ito.

Isang buwan na ang lumipas na hindi sya nagpapakita o nagpaparamdam man lang kay Liezel.Palibhasa'y sabado naman kaya nagtulog ang binata.Kanina pa sya pinagmamasdan ni Liezel sa pagkakahimbing!

Gustong-gusto na nya itong balibagin ng unan o kaya'y gisingin sa sapak."Sarap ng tulog ng mokong na'to habang ako di makatulog sa kakaisip kung napanu na naman kaya sya!"pabulong nyang wika.

Di nakatiis ang dalaga kinuha nya ang unan at inihampas sa natutulog na binata.Nagulat si Aithan at biglang napaigtad.

"Ano ba!"pupungas-pungas na umupo ang binata.Biglang nanlaki ang mata nya ng makilala kung sino ang humampas sa kanya.

"Bhabe???!"tila di makapaniwalang tanong nito.

"Bhabe mong mukha mo!"sabay pinagsasapak naman sya nito sa dibdib.

"hey!"stop it!"hinuli nya ang mga kamay nito.At dun nya lang napansing umiiyak na pala ito...

"Bakit?"nag-aalalang tanong nya rito.

"Nag-aalala ako sayo kala mo ba...akala ko may sakit ka naman kaya sumugod ako dito...Ba't ganyan ka basta ka na lang nawawala ng walang paalam...."umiiyak na litanya nito.

"Hayss...sori na...wag ka ng umiyak!"pinunasan ng binata ang luha nya.

"Sige mula ngayon di na ko mawawala pero may kailangan muna pala akong marinig na tatlong salita mula sayo?"hirit ng binata.

"May dala akong pagkain tara kain tayo"pag-iiba ng topic ng dalaga.Humiga ulit sa kama si Aithan at tinalikuran ang dalaga.

"Ui kain na tayo cge na?pangungulit ng dalaga sa kanya habang niyuyugyug sya.

"Ayokong kumain!"madilim ang mukha nitong sagot.Ramdam ni Liezel na totoo ang tampo ng binata kaya tinabihan nya na lang ito at niyakap.

"Dyan ka magaling"pinalis nito ang kamay nya at tumalikod sa kanya.

"Oo na...Sige na talo na ko...I LOVE You nah!mahinang sabi nya.

Biglang humarap sa kanya ang binata

"Anong sabi mo?"nakangiti na itong humarap sa kanya.

"Ah..wala hindi mo narinig...sori ka..."pormang tatayo ang dalaga ng binatak nya ito pahiga.

Niyakap nya ito ng mahigpit at pinagkikiliti hanggang sa ulitin nito ang sinabi.

"Ou na..iloveyou nah!"pasigaw na sabi nya habang umiiwas sa pangingiliti ng binata.

"Haysss...sarap naman pakinggan...wala ng bawian yan ha?"paniniguro ng binata.

"Ou nah"nilapit pa ni Liezel ang mukha nya sa binata.Mabilis naman sya nitong hinalikan!Isang mapinong kirot ang inabot ng binata sa dalaga.

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon