Chapter IV #feelingLQ

2.5K 98 3
                                    

Panatag ng bumalik sa opisina si Aithan.Ramdam nyang kahit paano may nararamdaman narin sa kanya ang dalaga.At ang bagong strategy nya ay

"OPERATION MISS!"

Isang linggo syang hindi magpapakita sa dalaga upang mamiss sya nito at marealize ang totoong value nya.Kapag nagalit ito sa pagbabalik nya ibig sabihin lang na miss sya nito.

Medyo risky ang bagong plano nya pero kailangan nya ng harapin ang katotohanan.Napapabayaan nya na kase ang mga negosyo nya.Kailangan nya munang asikasuhin ngayon ang negosyo kaya focus muna sya ngayon dito.

Samantala paglabas ng gate ni Liezel ay tila kusang naghahanap ang mga mata nya ng pamilyar na tanawin sa kalsada.Isang magarang kotseng itim na nakaparada sa tabing daan at doon lageng nakasandal ang binata.Pero ni anino ni Aithan ay wala.Wala din ang alalay nito.Nakaramdam ng lungkot ang dalaga sanay na kasi syang lageng inaabangan ng binata.Maging ang mga kaklase nya ay nanibago na wala ang kotseng itim ni Aithan.

"Wala yata ang boyfriend mo Liezel?"tanong ng isang kaklase nya na umaming may crush sa nobyo nya.

"ha..ehhh...may inaayos lang sa opisina!"maikling sagot nya at nagmamadali na syang lumakad papalayo upang maiwasan ang anu pa mang itatanong ng mga kaklase.

Tumatakbong hinabol sya ni jane

"Liezel hintay!"sigaw nito.Sandaling tumigil sya upang hintayin ang kaibigan.

"Bakit?"maikling tanong nya.

"Nasan na ang boyfriend mo?"nakangiting tanung ng kaibigan.

"Sus!akala ko naman ano ang itatanong mo saken...pati ba naman ikaw??"naiiling na nagpatuloy sya sa paglalakad.

"Di nga nasan sya?Diba lage kang inaabangan nun?"seryosong tanung ng kaibigan.

"Hayaan mo na nga yun baka nauntog nah!"tila lumabas ang pagkadismaya nya sa huling sinabi.

"Namimiss mo din noh?"pang-aasar ng kaibigan.

"Tse! Dyan ka na nga!"patakbong lumayo na sya sa kaibigan.

Kinaumagahan maagang pumasok si Liezel sa pagaakalang maabutan nya pang nakapark ang kotse ng binata.Madalas kasi nauuna pa ito sa kanya sa school.Pero wala talaga kahit ang asungot na buntot ng buntot sa kanya nuon.Naisip nya tuloy ang huling pagkikita nila ng binata.Kaya pala nangahas ng humalik at mag-abot ng bulaklak sa kanya ang binata yun na pala ang huli nilang pagkikita.

Nalungkot sya ng maunawaan ang lahat.Ganun talaga siguro malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang tao kapag nawala na ito sa tabi mo.At yun ang nararamdaman nya ngayon.

Naging matamlay si Liezel mag-iisang linggo na nya kaseng hindi nakikita si Aithan wala man lang balita sa kung anung nangyari dito.Naiinis syang hindi man lang kinuha nito ang number nya.

"Sabi nya gusto nya ko pero kung kailan gusto ko na rin sya dun naman sya nawala...nakakainis talaga sya!"pabulong nya sa sarili.

Malakas ang ulan ng hapong yun nag-aantay ng tricycle pauwi ang dalaga ng isang pamilyar na kotseng itim ang tumigil sa harap nya.

Patakbong lumabas doon ang binata pandong ang coat na hinubad nito at tumungo sa kanya.Hindi sya nakapag salita ng ipandong nito sa ulo nya ang coat at binuksan ang passenger seat.

"Bhabe sakay na!"halos basang basa na ang long sleeve nito sa lakas ng ulan.patakbong pumasok sya sa kotse upang hindi na lalong mabasa ang binatang nagaantay sa pagsakay nya.

Sumunod narin ang basang-basang binata.

"wooww ginaw!"napapasigaw sa lamig na wika ng binata.

"Bakit ka kasi nagbasa sa ulan" Nag-aalalang tanong nya sa binata.

"Ikaw bakit wala kang dalang payong ha?"tila panenermon pa nito sa kanya.

Walang kibong pinunasan nya ng towel ang basang basang ulo ng binata.Napatitig lang sa kanya ang binata.Higit pa kasi ito sa inaasahan nyang magiging reaksyon ng dalaga.Hinuli nya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan.

"Anong ibig sabihin nyan?"nakangiting tanong nya sa dalaga.

"Wala! basang-basa ka kasi baka magkasakit ka!"nagsusungit na iniwan nya sa ulo nito ang towel.

"Yan ikaw na lang magpunas sa sarili mo !"kunwari'y nainis sya pero ang totoo nag-aalala sya sa binata.

Ibinalik sa kanya ni Aithan ang towel.

"Wag mo na akong alalahanin sanay akong walang nag-aalaga saken"seryoso ang mukhang wika ng binata.

Tila nakonsensya naman ang dalaga sa narinig.ipinunas nya naman ang towel sa likod ng binata.

"Wag ka ng mag-abala ayos lang ako!"Ihahatid lang kita sa inyo tapos uuwi na rin ako

"Halatang nanginginig na sa lamig ang boses ng binata.Tumigil ito saglit sa pagmamaneho at inioff ang aircon.

"Ok lang ba tumigil muna tayo wala na kasi akong makita sa daan masyadong malakas ang ulan.Itatabi ko na lang muna ang sasakyan."

tumango lang sya sa binata.Ang totoo nag-aalala na sya rito.

"Wala ka bang extra shirt dito sa kotse mo?"luminga-linga sya baka sakaling may makita syang pamalit sa basang long sleeve ng binata.

"wala eh".maikling sagot ng binata.

Nakita nyang parang namumula na ang mata nito.Hinipo nya ang noo ng binata at tama nga ang hinala nya inaapoy na nga ito ng lagnat.Naalala nyang may TShirt nga pala sya sa bag.Kinuha nya ito at sya na rin ang naghubad sa long sleeve ng binata.

"Feeling mo kasi ikaw si superman yan tuloy nilalagnat ka na!"panenermon sa kanya ng dalaga.

"San ka ba kasi galing ha?bakit ang tagal mong nawala?"di napigilan ng dalaga ang sariling mag tanong.

Nakangiti lang si Aithan na nakatingin sa kanya.

"Oh ba't ganyan ka makatingin?"sita nya sa pagkakatitig nito sa kanya.Sa halip na samagot ay kinabig nya ang dalaga at niyakap ng mahigpit.

"Ngayon mo sabihing hindi mo ko mahal?"panunukso nya sa dalaga.

Pilit kumakawala ito sa yakap nya kaya bumitiw na sya sa pagkakayakap dito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya!

"Hindi kita mahal ok?"namumula ang pisnging wika ng dalaga.

"Ok fine!hindi na kung hindi!"napipikong wika ng binata.

Sinimulan na nyang paandarin ang sasakyang tumila na ng bahagya ang ulan.

Walang imikan ang dalawa sa byahe hanggang sa marating ang bahay ng dalaga.Mabilis na bumaba si Liezel at agad na pinasibad ni Aithan ang kotse.Kung titingnan daig pa nila ang mag boyfriend na may LQ!

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon