Chapter VIII#kulitanblues!

2.4K 99 3
                                    

"Grabe inaantok ako...hon saan ba yung kwarto mo dito?"Walang tigil sa pangungulit ang binata.

"Ano ba talaga tawagan natin ang dami mong endearment terms baka naman hindi naman talaga ako ang tinatawag mo nyan lumulusot ka lang?"tila pagdududa ng dalaga.

"Dahil tayo na talaga gusto ko honey tawagan natin para sweet diba?"

"Sus!may kaartehan ka ring lalake ka noh?" Pang-aasar ng dalaga.

"Sige na wag ka ng kokontra kase,asan na yung kwarto mo inaantok na ko"

Nangungulit na pinaturo nito sa kanya ang kwarto nya.

"Aano ka ba kasi sa kwarto ko bakit di ka na lang umuwi sa inyo kase!"Tila pagtanggi ng dalaga.

"Ikaw kamo ang damot-damot mo pag ikaw pumupunta sa kwarto ko di naman kita tinataboy ah!"tila napalakas ang boses ng binata kaya tinakpan nya ang bibig nito.

"Wag ka ngang maingay baka marinig ka nila papa jan"pagsaway nya sa binata.

"Aha hindi pala alam nila papa na pumupunta ka saken ha?...papa...."Tila nang-aasar pang lalo nitong tinawag ang papa ni Liezel mabilis naman natakpan nito ang bibig nya ng halik.

"Nagulat ang binata sa ginawa ni Liezel.

"At ikaw pa talaga ang nanghahalik ngayon?..papa itong anak nyo po oh may binabalak na masama saken."Parang batang lalo nyang ininis si Liezel.Tawa ng tawa ang dalaga habang pinapalo sya ng unan.

"Ang kulit mo talaga!"Para silang batang nag kulitang dalawa.

Maya-maya'y sumeryoso ang dalaga.

"Oh ba't natahimik ka?"tanong ng binata na inumpog pa ang tuhod sa tuhod ng katabing dalaga.

"Hon may sasabihin kasi ako sa'yo sana?"Tila tinatantya pa ng dalaga kung paano sisimulan ang sasabihin sa nobyo.

"Ano ba yun?"nagseryosong tanong ng binata.

"Nag-apply kasi ako sa isang coffee shop...""annnd???"Tila naiinip ang binata sa bagal ng bagsak ng mga salita ng dalaga kaya sinapo nya agad ang sasabihin nito.

"Natanggap ako!"nalulungkot na wika ng dalaga.

"Eh Bakit malungkot ka eh natanggap ka naman pala!"Parang di naman nagalit o nalungkot ang binata sa sinabi nya.

"Ok lang sa'yo...hindi ka galit?"Tila paniniguro ng dalaga.

"Hindi!as long as hindi ka didikit sa mga lalake dun....bawal kang makipag-usap...bawal makipagtitigan at higit sa lahat bawal ka nilang lapitan!
"Nilakihan pa sya ng mata nito.

"Pero hon...hindi naman pwede yun...syempre may mga guys akong kasamahan dun at may mga customer din na lalake kaya imposible yung rules mo hon..!"tila naiinis na paliwanag nya.

"Kung ganun eh di saken ka na lang pala mag-apply!"tila nagyayabang pang banat ng binata.

"Eh ano naman magiging posisyon ko sa inyo?"tila naaasar nyang sagot.

"Eh di MISIS ko!"Nakangiting sagot nya sabay kindat sa dalaga.

"Sira ka talaga!"tila nakuha na nyang iniinis na lang sya ng binata.Hinilig nya ang kanyang ulo sa balikat nito.

"Hindi ako nagbibiro... sa opis ka na lang...sige ka baka maagaw ako sayo ni misty patay na patay pa naman saken yun."seryosong pagbibida nya.

"Subukan mo lang patay ka saken!"Sabay kurot sa tagiliran ng binata.

"aray ko naman!hon naman!ang sakit mong maglambing eh...nasisira na tuloy kutis ko nyan oh...sinusugatan mo ko!"reklamo ng makulit na binata.

"hmp!yabang!"irap nya rito.

"Hahaha!Para silang mga batang naghabulan sa kwarto.

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon