Chapter III #Indenialqueen

2.8K 105 6
                                    

Naging instant celebrity si Liezel.Nakita kasi ng mga klasmayt nya ang gwapong boyfriend nya raw na naka kotse pa.Kinainggitan sya ng mga babae sa campus panu ba naman big time ang boyfriend nya.Ang katulad kasi ni Aithan ang tinitilian ng mga kabataan sa ngayon.Kahit anung tanggi nya na hindi nya boyfriend ang binata ay di naniniwala ang mga klasmayt nya.Di nya tuloy maiwasang isipin paano kung sila na nga?kung pagbigyan nya nga ang binata!

"ah hindi maari !" laking tanggi ng isip nya.

Hindi maitatangging nagugustuhan nya ang kakaibang kasikatan na dulot ng binata sa kanya.Paglabas ng campus nakaabang na ang kotse ng binata sa labas.Nakahalukipkip ito na nakasandal sa kotse.Nagtilian ang mga klasmayt nya ng makita ang magarang kotse ng boyfriend nya raw.

Pinagkaguluhan nito si Aithan at nagpa picture pa ang iba.Parang nakaramdam sya ng selos na tila marami ang may gusto sa binata.Nakasimangot na nilampasan nya ang nagkakagulong mga klasmayt nya.Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Aithan

"Ah sige ha?maiwan ko na kayo?iniwan na ko ng girlfriend ko eh!"pagsakay ng binata sa ideya ng mga kaklase ng dalaga.Mabilis na pinaandar nya ang kotse at dahang-dahang binuntutan nya ang naglalakad na dalaga.

"Nakatingin ang mga kaklase mo iniisip nilang nagselos ka kaya mo ko iniwan..come on!get in!"utos ng binata ng tumigil sa tapat nya.Wala siyang nagawa kundi sumakay narin dahil pinagtitinginan na sila.

"Selos ka ba?"Tila nang-iinis pang tanong ng binata.

"Hindi kaya...bakit kasi sinakyan mo ang ideya nila?saka bakit ba ang kulit mo?Tigilan mo na kasi pagbuntot mo saken"naiinis na wika ng dalaga.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ang binata at tumingin sa daan habang tahimik na nagdrive.Natutuwa sya na umaayon ang pagkakataon sa kanya.

Pagdating sa bahay ng dalaga ay mabilis na naman itong bumaba at di na sya nilingon pa.

"Bye bhabe!Pasigaw na habol nya.

Diretso ang lakad papasok sa bahay si Liezel hindi na nya nilingon pa ang binata dahil baka makita pa nitong umeepekto na sa kanya ang bawat hirit nito.

Natatakot na sya sa nararamdaman nya tila nahuhulog na ang loob nya kay Aithan.Naabutan nya sa bahay ang ama.Nilapitan nya ito at nagmano sya.

"Anak nobyo mo ba yung naghatid sayo?eh bakit hindi mo man lang pinag kape?tanong ni mang Dado.

"Eh nagmamadali po kasi sya papa!"Nagtataka syang hindi man lang nya itinama ang maling akala ng ama.

"Ah ganun ba?sa susunod papasukin mo ng makilala naman namin ng mama mo".

" Opo!"maikling sagot nya at dumiretso sa kwarto.

Hindi nya maintindihan ang sarili.May kakaibang saya na naidudulot sa kanya ang isiping kasintahan nya si Aithan.

"Oh my God!mahal ko na yata sya!"

Tila di nya ibig paniwalaan ang nararamdaman nya!Siguro'y nadadala lang sya sa mga kantyaw at tukso ng mga klasmayt nya.

Halos di nakatulog ang dalaga buong gabi inookopa na kasi ng binata ang isip nya.

Samantala sa mansion ni Aithan.

"Boss panay tawag na ni Missy.Nakaline -up na daw mga meetings mo kailan ka daw ba babalik sa opis? Tanong ni Dougs habang kumakain sila ng agahan.

"Sabihin mo mamaya magpapakita ko sa opisina"sagot ng binata.

"Eh boss paano yung operation Liezel?"natatawang tanong ni Dougs.

"Ah ok na tayo dun mukhang tinamaan na saken eh!"buong kompiyansang sagot nya.

"Naku boss!baka ikaw ang tamaan kay Liezel nyan ingat ka masakit manapak yan!"natatawang kantyaw ng kaibigan.

"Kaw talaga bilisan mo ngang kumain at pupunta pa tayo sa school at magpapaalam pa ako sa girlfriend ko!"nakangising kumindat pa ito sa kaibigan.

"ewan ko sayo boss lakas ng tama mo!"naiiling na binilisan nito ang pagkain.

Pagbaba ng tricycle tila may hinahanap pa ang mga mata ng dalaga bago pumasok sa gate.Maya-maya pa'y may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

"Wait lang bhabe!"Napalingon sya...isang nakangiting Aithan ang lumapit at nag-abot ng bulaklak sa kanya sabay halik sa pisngi nya.

"Sorry hindi kita nasundo may kinailangan lang akong ayusin sa opisina!"wika ng binata ng makitang nakatingin ang lahat sa kanila.

Kinikilig ang mga estudyante sa kanila.

"I'll go ahead bhabe! bye!"

Kinailangan ng umalis ni Aithan naiwan si Liezel na di makapaniwalang hindi sya pumalag sa ginawa ng binata.

Masayang pinasapo ni Aithan ang susi kay Dougs hudyat na sya ang pinagdadrive ng binata.

"Ayos!"natutuwa rin si Dougs sa kasiyahan ng amo.

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon