Chapter IX #secretplan!

2.4K 86 3
                                    

Unang araw ni Liezel sa trabaho.Excited syang simulan ang summer vacation sa pagsubok mag summer job.Nakatayo ngayon sya sa harap ng coffee shop na may pangalang L&A coffee shop.Dito sya magtatrabaho bilang service crew. "Kaya mo yan Liezel"Pampalakas loob na sabi nya sa sarili.Pagkapasok sa loob ay ngayon nya lamang napansin ang buong pangalan ng coffee shop ito pala ay Liezel & Aithan coffee shop.Natawa sya sa naisip."Tingnan mo nga naman coffee shop pala namin ng honey ko 'to. Napapangiti pa sya ng makitang kapangalan nila ni Aithan ang may-ari.

Bumungad ang manager sa kanya "Welcome to L&A coffee shop Ms.Liezel Lee!""Thank you po sir!"maikling sagot nya.Sabay-sabay din bumati sa kanya ang lahat!Nagulat si Liezel sa init ng pagtanggap sa kanya ng mga taga coffee shop para kasing hindi ganon ang usual na first day of work na alam nya."Kakaiba pala dito daig ko pa ang may-ari kung i-welcome!"isip-isip nya.Meron pang banner na winewelcome sya!Nagtataka man ay hindi na pinansin ni Liezel naisip nyang baka ganun lang talaga ang nakagawian ng coffee shop.Mabait ito sa mga tao nito at mukhang masaya ang lahat.Matiyagang tinuruan sya ng manager kung anu ang mga dapat gawin kasama na ang mga rules.Bahagya pa syang natawa ng banggitin nito na bawal dumikit ang babae sa mga lalaki.Meron silang Male:Male at Female:Female policy daw.Naalala nya tuloy ang rules na sinabi ng nobyo sa kanya.Parang coincidence na ganun din ang rules ng coffee shop na yun.

Hindi namamalayan ni Liezel na may pares ng matang nanonood sa loob.Natatawa pa ito sa paminsang -minsang kumukunot ang noo nya sa kakaibang rules ng coffee shop."Boss sigurado ka bang hindi makakahalata si Liezel nyan?"Singit ni Dougs sa sinisilipan nyang bintana."Ikaw talaga kokontra ka na naman eh!"sabay binatak nya papasok ang sumilip na si Dougs."Eh kasi naman boss bakit may special treatment pa kasi sa kanya?tapos bawal pang lumapit sa guys eh paano mo ngayon sya sisilipin dito nyan boss?Di mabubuking ka kung ikaw pwedeng lapitan tapos ang iba hindi?"Tila napaisip na tanong ni Dougs."Ou nga noh?"Napaisip narin si Aithan.Pano nya nga kaya malulusutan 'tong kalokohang pinasok nya.Ang totoo kasi ayaw nya lang madisappoint ang dalaga kaya naisipan nyang tanggapin ito ng palihim sa coffee shop.Marami na kasing na-aplayan si Liezel pero hindi ito matanggap-tanggap kaya naisipan nyang tulungan itong ipasok sa isa sa maraming negosyong naipundar nya.Naisip nyang parang training na lang ni Liezel ito sa sandaling makasal sila.Dahil sa huli ito narin ang mag mamanage ng lahat ng negosyo nya.

Masayang umuwi ng bahay nung araw na yun si Liezel .Maganda ang simula ng unang araw nya sa trabaho.Di na sya makapag-antay na ibalita ito kay Aithan.Pero asan nga ba si Aithan?buong araw itong hindi nagpakita at hindi nagparamdam sa kanya.Namiss nya na tuloy ito ng sobra.Ayaw nya naman mauna syang magtx baka kasi lumaki pa ang ulo ng binata kaya hihintayin nya na lang na mauna itong tumawag sa kanya.Hindi namalayan ni Liezel na naidlip na pala sya sa paghihintay ng tawag ng binata.Maya-maya'y tumunog ang cp nya tumatawag na ang binata.Mabilis nya itong sinagot"Hello hon!"masigla nyang bungad."Abah mukhang masayang-masaya ka ngayon ah!Wag kang matutulog pupunta ko jan ngayon!"mabilis na sabi ng binata at binaba na ang celphone.Matiyagang naghintay si Liezel.Lumabas sya at nagpahangin sa balcony sa kwarto nya upang matanaw ang pagdating ng binata.Maya-maya pa'y natanaw na nya ang itim na kotse nito.Bumaba ito sa kotse at kumaway sa kanya.Sinenyasan nya naman itong umakyat.Niyakap sya nito patalikod sabay halik sa pisngi ng dalaga."Miss you hon!"naglalambing na niyakap sya nito ng mahigpit."Grabe hon kakaiba yung napasukan kong coffee shop...parang sobra naman masydo pag welcome nila saken...parang O.A. na..."Panimulang kwento ng dalaga."Ow..talaga?ayaw mo ba nun parang espesyal ka?"sinasakyan ng binata ang mga kwento ng dalaga kahit paminsa-minsa'y napapangiti sya."Eh panu naman hon pati yung rules nila parang kakaiba....katulad ng rules mo..."nakasimangot pa na humarap sa kanya ang dalaga."Ok naman pala yung napasukan mo hon pumapabor saken diba?..teka bakit parang disappointed ka na bawal dumikit sa lalake dun may balak ka pa bang ipagpalit ako sa iba huh?"wika ng binata na pinisil pa ang kanyang pisngi."At bakit ha?porket ba dumikit or nakipag-usap sa guy ang babae ibig sabihin nagfeflirt na?hindi ba pwedeng friendly lang."naiinis na namang sagot ng dalaga."Ok sige eh di hindi...Tulog na lang pala ko sa balikat mo saglit hon"Tila walang lakas makipagkulitan ang binata.Walang nagawa si Liezel ng naglalambing na inihilig nito ang ulo sa balikat nya.Kitang- kitang pagod ang binata sa trabaho.Madali itong nakatulog sa balikat nya."hayy...pagod na pagod siguro sya talaga pero nandito parin sya para makita ako."Tila naiiyak ang dalagang minanamasdan ang kasintahang nahihimbing sa knyang balikat."Iloveyou!"bulong nya dito.

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon