Chapter VII #punishmentkiss!

2.5K 87 2
                                    

Nagising si Liezel sa mga tawanan sa salas.Tila may kung sinung bisita na bumibida sa labas.Ngayon lang nya narinig ang ganong tawa ng mga magulang.

Naghilamos lang sya at bahagyang sumilip sa ibaba.Nakatalikod ang lalaking bumibida pero parang familyar sa kanya ang tikas nito

"Anong ginagawa ng mokong na 'to dito" nag-iisip tuloy sya kung anong sinabi nito sa mga magulang nya.Napansin sya ni Mang Dado kaya tinawag sya nito.

"Halika anak nandito ang boyfriend mo"Nagtataka si Liezel kung bakit sa halip na magalit ang ama dahil pumatol sya sa gangster ay bagkus tuwang-tuwa pa ito.

Naisip nyang mukhang nakalimutan na siguro ng tatay nya ang hitsura ng taong gumulpi at dumukot sa kanya noon.

"Tay hindi po kayo galit?"Nag-aalangang tanong nya ng makalapit sa ama.Lumapit naman si Aithan at humalik sa pisngi nya.

"Aba'y bakit naman ako magagalit eh napakabuti ng nakuha mong boyfriend anak"Tila hindi narinig ng dalaga ang sinabi ng ama."po?" Kunot-noong tanong nya.

"Anak si Aithan ang sinasabi namin sayo ng nanay mo na tumulong sa aking makaligtas sa sindikato...sya rin ang nagbigay ng pera satin para makalayo sa lugar na yun..."paliwanag ng ama.

Nagulat si Liezel sa nalaman tila nakaramdam sya ng pagkapahiya sa binata.Yun kasi ang bagay na pumipigil sa kanyang mahalin ito ...ang pagiging gangster nito.

Natatakot syang baka tanggihan ito ng kanyang mga magulang.Pero tila nabunutan ng tinik ang dalaga.Tama lang palang minahal nya si Aithan dahil mabuting tao naman pala talaga ito.

Mukhang kailangan nya munang mag-exit ngayon sa harapan ng mga magulang dahil ramdam nyang kanina pa nakatitig sa kanya si Aithan.Sinulyapan nya ito saglit at tama ang hinala nya tahimik na nakatingin ang binata sa kanya na tila nagtatanong ang mga kilay.Pasimpleng nagpaalam sya at tumungo sa kusina.Agad namang sumunod si Aithan sa kanya.Mabilis na umupo sa table na malapit sa kanya.

"ehem!coffee nga please!"Tila pagpaparamdam nito sa kanya.Tahimik lang syang nag timpla ng kape at tahimik na inilapag sa harap ng binata.

"Oh ikaw hindi ka ba magkakape? "Tila pagpansin nito na isa lang ang tinimpla nya.Nagtimpla na din sya ng kanya at umupo malayo sa binata.

"Oh bakit lumalayo ka yata saken bhabe?"Tila may ibig sabihin ang bawat hirit nito.Hindi nya ito pinansin at tahimik na uminom ng kape.

"abah...mukhang nalunok mo yata ang dila mo ngayon mahal ko!

"Dun biglang naibuga ng dalaga ang hinigop na kame.Nasamid pa ito sa huling sinabi ng binata.Mabilis na lumapit ang binata at mahinang kunwari'y kinabog kabog ang likod nya.

"ok ka lang ba ha?"tila nang-aasar pa itong umupo sa gilid nya.

"Ganyan kasi talaga pag may kasalanan noh?"Tila pang-aasar parin ng binata.

"Kaya pala hirap na hirap kang mag ILOVEU saken kasi nga iniisip mong hangang ngayon gangster parin ako...tama ba ko?"Natatawang yumakap ang dalaga sa binata.

"Sorry!!!"Tila naglalambing na sabi nya.

"Dahil jan kailangan mong maparusahan"Tila naka-isip na naman ng kalohan ang binata.

"Anu naman ang parusang nararapat saken aber?"Kiss mo ko ng 100 times"sabay turo pa nito sa sariling labi.

"Oh kiss-kisin mo mukha mo"sabay takip nya ng palad sa mukha nito.

"ah ganun ayaw mo ha...."kiniliti nya ito hangang sa mahulog sa bangko.Medyo bahagyang nasaktan ang dalaga.Kaya masama ang tingin sa knyang tumayo ito na tila napikon.

"Sige ako na lang parusahan mo"!suhestyon nito sa kanya.

"Eh anu naman kaya bagay na parusa sayo"pagsusungit ng dalaga.Lumapit ito sa kanya at mabilis na humalik sa labi nya.

"Ano yun!"naiiritang tanong sa ginawa ng binata.

"parusa!...ayaw mo ba?"Tila batang nangungulit si Aithan.

"Sige bawiin ko nalang pala"At mabilis na hinalikan ulit sya ng binata.Nasapak nya ito sa balikat.

"Aray ko naman!parang ikaw yung dating gangster nyan eh."Natatawang himas-himas nito ang braso.

"Kulit mo kasi!"natatawa sya sa kakulitan ng binata.

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon