ChapterXII #kabaliwang ending!

3.2K 110 9
                                    

Sinundan ni Aithan sa bahay ang dalaga.Subalit ayaw syang harapin nito.Pinaliwanag nya sa mga magulang ni Liezel ang nangyari at naintindihan naman ng mga ito."Hayaan mo na muna si Liezel anak lilipas din yan hayaan mo't papaliwanagan namin sya"Marahang paliwanag ni Mang Dado."Pero papa ayoko pong tumagal pa ang di namin pagkakaintindihan ni Liezel...kaya pakiusap po ipakausap nyo sya saken..."tila nagmamaka-awang hiling nya sa ama ng dalaga."Kung gano'y sige subukan mo kung kakausapin ka nya " Lumapit si Aithan sa pinto at sinubukang kausapin ang dalaga."Hon kausapin mo ko please....It's not what you think it is!"I can explain!"Please hon...kausapin mo ko"Pakiusap ng binata sa nobya."Umalis ka na!Ayaw kitang makita!"pasigaw na wika ng dalaga.Lumapit si Mang Dado at tinapik-tapik sa balikat ang binata."Sige na Aithan bumalik ka na lang sa ibang araw...magpahinga ka na muna...

Pinaharurot ni Aithan ang sasakyan palabas ng bahay nila Liezel.Narinig yun ng dalaga bahagya syang kinabahan baka madisgrasya ang nobyo."Aithan!!!..."Aithan!!!..."Nagtatatakbong hinabol nya ang papalayong kotse...Nakita naman sya sa side mirror ng binata at nagdahan-dahan ito hanggang maabutan sya ng dalaga.Tinigil nya ang kotse at walang imik na bumaba sya rito."Bakit ang bilis mong mag drive baka madisgrasya ka naman nya"naiiyak na wika ng dalaga."Bakit iiyak ka ba pag namatay ako?"seryosong tanong ng binata."Nakakainis kaahhh!"Patakbong yumakap ito sa kanya."Bakit mo ko hinabol?nakatitig na wika nito sa kanya."Dahil kinabahan ako ng sumibad ang kotse mo...natakot ako baka mamatay ka..."umiiyak na sagot ng dalaga."Ayaw mo naman palang mawala ako sayo eh...bakit ayaw mo kong pakinggan?"kunot-noong tanong nya."Dahil sinungaling ka!"tila naalala ng dalaga ang kaninang sama ng loob."Ah sinungaling pala ko!...sige sakay..."tila naggalit-galitan ang binata."Ayoko nga san mo ko dadalin?"tanggi ng dalaga."Gangster ako diba?pwes patutunayan ko sayo pagka gangster ko!"tila nananakot na sabi ng binata."Ayokong sumama sayo"patakbong lumayo ang dalaga hinabol nya ito at binuhat pasakay sa kotse.Sumensyas nalang sya sa mga magulang nito na kanina pa nakatanaw sa kanila."Saan mo ba ko dadalin ha?sa babae mo?"di mapigil sa pagsasalita ang dalaga."Oo kaya tumigil ka na jan at dadalin kita sa babae ko...sa nag-iisang babae ko....sa totoong mahal ko...tutal sinungaling naman tingin mo saken diba?"tila seryosong wika nito."Hindi mo na ko kailangang dalin sa babae mo...at hind ako papayag na maging kabit mo...I hate you!umiiyak na sigaw ng dalaga.Tila natauhan si Aithan sumobra yata ang galit-galitan nya mabuti na lang at nasa harap na sya ng coffee shop mahirap kasing bawiin nya lahat sinabi nya hindi na magiging surprise.Mabilis syang bumaba at binuhat ang nagwawalang si Liezel.Nagmamadaling binukas ni Dougs ang pinto kanina pa kasing umaga ito nandoon.Sabado kasi ngayon at pinag-day off ang lahat para sa sorpresa kay Liezel."Anong gagawin mo saken ha?anong ginagawa natin dito?ibaba mo nga ako!"Pinagsasapak na sya sa mukha ng dalaga!"Nakalimutan mo na ba na kidnapper din ako?kinidnap ko nga si papa mo diba?!"Tila nang-aasar na ang binata.Magsisigaw na sana ang dalaga ng marating nila ang kwartong sorpresa nito sa kanya.Natahimik si Liezel bumungad sa kanya ang mga litrato nya mula nag-aaral sya hanggang sa kasalukuyang litrato nila ni Aithan.Para itong photo studio na sila ang bida ni Aithan.Nakita nya rin ang unang selfie nila na pinakamalaki sa lahat...Hindi nya alam ang picture na yon at iba pang kuha sa kanya hindi nya yun alam.Tahimik na pinagmamasdan lang ni Aithan ang reaksyon nya habang himas-himas ang namumulang mukha..."Anong ibig sabihin nito."Nagtatakang tanong ng dalaga."Gusto kong makilala mo ang nag-iisang babaeng minahal ko at pag-aalayan ko ng buhay ko"Seryosong nakatingin ito sa dalaga."Ganyan ako kabaliw na nagmamahal sayo Liezel...Ikaw ang nagpabago sa buhay ko...ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng meron ako ngayon...Bali wala lahat ng paghihirap ko kung tatalikuran mo rin ako...PLEASE HON!WAG MO KONG IIWAN! ikaw na lang ang meron ako!"nakayukong pahayag nito.Tinamaan ng guilt si Liezel hindi sya makaalis sa kinauupuan nya.Nalulula sya mga nakikita nya...ramdam na ramdam nya ang pagmamahal sa kanya ng binata.Maya-maya'y may lumaylay na tarpulin na may picture nila ni Aithan at may nakalagay "Ms. Liezel Lee would you be my wife?!"Naiiyak na napatakip sya ng bibig."I hate you aithan!!!""Huh baket?!"natatawang niyakap sya ni Aithan."Nakakainis ka talaga!"suntok nito sa dibdib ng nobyo.Batid ng binata na lunod na lunod sa kasiyahan ngayon ang dalaga.Marahan nya itong hinalikan ng paulit-ulit....Nang may maalala ay tinulak sya ng dalaga papalayo..."Teka bakit tayo dito sa coffee shop...wag mong sabihin...."Tila natigilan ang dalaga sa naisip."Yes hon...It's Ours!"Akin ang coffee shop na 'to!...at nakapangalan sating dalawa...Hindi ka ba natouch?!"tila pabirong sabi pa nito sabay halik at yakap sa kanya."Mas maganda siguro kung unahin na muna natin ang honeymoon bago kasal hon!"biro ng binata na ayaw tumigil kakahalik sa kanya..."Teka hindi pa ko sumasagot sa proposal mo noh?!"pag-alala ng dalaga.""Ah ganon po...ayaw mo...tinatanggihan mo ko?sige dun nalang ako kay Misty patay na patay pa naman saken yun..."Tumalikod ito na tila lalabas ngkwarto."Isa...Aithan...subukan mong lumabas!"Tila pagbabanta nya sa binata.Pero dumiretso parin na kunwari'y lalabas si Aithan.Walang pagtutol na narinig si Aithan ng lingunin nya si Liezel ay tahimik itong umiiyak na nakatingin sa kanya.Mabilis nya itong nilapitan at niyakap."Hayy...honey ko...para ka talagang bata sarap mong alagaan..napakaiyakin pa!"Ganun mo ko kamahal tatahimik ka na lang at iiyak?!"nakangiting tanong nya sa dalaga.Tahimik lang ito na nakatingin sa kanya."Dapat pag nakita mong may ibang babeng dumidikit saken sabunutan mo agad...kalmutin mo din..sampalin mo din...hindi yung ako ang ginugulpi mo!"natatawang turo sa kanya ng binata.Natawa narin sya sa biro ni Aithan!"Nakakainis ka talaga!"natatawang sabi nya."Nakakainis o nakakainlove?pangungulit na tanong ng binata na popormang hahalikan na naman sya."Hoy!tumigil ka jan ha ?nakakamarami kana!"wika nito na tinakpan ang labi ng binata.Nagtatawa din Aithan sa ginawa ng nobya.

"ILOVEU HON!"seryosong wika binata."ILOVEU MORE!"as in sobra-sobra!MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA AITHAN PARK!!!pasigaw na wika ni Liezel!

"WOoohhh!Yes!sarap naman!"Tila baliw na binuhat pa sya ng binata at inikot-ikot!"Masayang nagkulitan na naman ang dalawa.Habang si Dougs ay nauna ng lumapang sa pagkaing pinadeliver nila!"hayss para silang mga bata!"wika ni Dougs na kinakausap ang sarili habang lumalapang."Hoy!narinig namin yun!"panggugulat sa kanya ng dalawa!"Ay nandyan na pala kayo boss!Mabuhay ang bagong kasal!"pabirong sinabuyan pa sila nito ng rose petal."Hahaha baliw ka din talaga noh?"Natatawang biro ni Aithan sa kaibigan."Mas baliw kayo saken boss!"natatawang hirit nito.Nagtawanan silang lahat na parang mga bata.

*****WAKAS*****

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon