So, marami akong baong storya, maraming "nangyare" kaya eto na, update ulit! Enjoy!
============================================================================
December...december...december.....
And December means Christmas!
December means lalabas na ang photos ko nung shoot. Wew, kabado. Pero keri ko ito, professional yata ang mga kasama ko diba? Kaya for sure, hit na hit ito!
Well, nothing to do naman ngayon. Normal Saturday eh.
Si kuya nasa labas, nag grocery. Over the past few weeks nawiling magpakachef eh. Nung una, walang saysay ung mga niluluto niya eh. Nang makahalungkat ng cookbook, hindi na binitawan. Pati Food Channel pinanonood na kahit NBA playoffs na or something. After a few weeks, parang araw araw akong kumakain sa five star restaurants. Ang sasarap ng mga niluluto niya! Grabe, pwede na siyang mag business. Kung 'di lang talaga computer ang mas mahal niya, eh malamang may restaurant na siya ngayon. But no, nag aaral siya sa University kung saan ako nag aaral. 2nd Year college siya, IT ang course.
Makatayo nga...Stretching stretching....tingin tingin sa window...
HMM?! Si Drew ba 'yung naglalakad?
Ahh, Oo si Drew nga at.....kasama si.... kasama nanaman si Paris....Hay....pag minamalas ka nga naman. Hay nako, kaselos....sana ako na lang yung kasama niya...
Pero...while looking at them....I can't help but think....Bakit pag kasama ni Drew ibang tao, palagi siyang nakangiti at nakatawa? Carefree, super happy?
Ba't pag ako ang kasama niya, tahimik...serious and all that? Boring ba akong kasama? Iniisip niya ba si Paris palagi? Hmmm, teka, medyo sumasakit na ang puso ko. Parang may bato sa lalamunan ko. Bakit ang sakit? Alam kong parang bestfriends lang sila pero...minsan iba yung the way na tumitingin siya kay Paris...Alam mo yung tipong romance movies, mga chick flicks tapos pag my special moments ung couples...the way na nagtitingin sila sa isa't isa without uttering a word?
Ganon. Ganon ang nakikiti ko sa kanilang dalawa ngayon. Ano nga bang tawag doon? Hmmm...
Ah! SPARK! Tama, may spark sila.
Sana may ganoon din kami. Haaaaaaaaaaaay.
Nako, Mitchelle! Tama na muna. May mga bagay na mas kailangan mong intindihin ngayon. Layu-layo muna sa bintana, bact to my desk muna, right? Yes, right, papabayaan ko na muna sila.
At para, maiba naman, speaking of December, kailangan ko na ngang mag isip ng fund raising project ng Student Council. Hmmm...ano kayang maganda?
Okei, I'll make a list:
1) Marathon run for a cause
2) Concert for a cause
3) Talent Variety show
4) Ask for Solicits
5) . . . .
"Mitchelle, gising.... Mitchelle. Huy, tara na, maglalunch na tayo. Huy, Sige, uubusan kita ng pagkain."
"Hmmm...?"
Ay nakatulog pala ako sa table ko.... Oops.
"Bangon na ah, kakain na. Tsaka nga pala andyan yung kapatid ng tropa ko ah, okey lang? Makikilunch nadin sa 'tin." Sabi ni Kuya James
"Okie....."
Hay, makatayo na nga. Napahawak ako bigla sa tsan ko. Ooops, gutom na nga ako. Pinony ko ung buhok ko para matago yung pagkabuhaghag. Tinatamad ako mag suklay eh, tsaka gutom na gutom na talaga ako eh. Makababa na nga...
"Kuya, ano ulam?" Tanong ko pagkadaan ko ng sala, "Kuya- IKAW?"
"Hi, Mitchelle! "
What? Si- si Chris? Nandito sa bahay namin? What the?
"Chris! Anong ginagawa mo dito?"
"Makikilunch! Kuya mo pala si James? Tropa niya yung kapatid ko eh."
"Oh....sabi niya nga....Pero, I never expected na ikaw ung kapatid....Ah-uhm..."
"Let's eat lunch, Bon apatite!" sabi ni kuya na biglang lumabas sa kitchen. "Oh? Magkakilala kayo?"
"Hm-hmm. Kuya, siya ung kasama ko dun sa photoshoot ko late November."
"Ah, yung kinukuwento mo na pogi? Yun ba?" Sabi ni kuya. Aissssssssh (=____=)
"Pogi ba kamo?" Sabi ni Chris.
"Let's eat!" Sabi ko na lang para makaligtas at makalusot.
So while eating, ayan nagsimula ang conversation.
"So, kuya James, how did you met each other?" Tanong ko.
"Yung kapatid niyang babae...si Christen...tropa ko." Sabi niya. Mabilisang sagot nga eh pero mayy something alanganen kumabaga.
Hmm. I smell something fishy. "Tropaaaa....?" Sabi ko habang nakangiti.
Natawa bigla si Chris. Tas nag sssh sign siya sa akin. Napangiti tuloy ako.
"Mich, alam mo bang magtatransfer si Chris sa Univ niyo?"
"Oh? Totoo ba yun Chris? Nako, mag eenjoy ka sa school. Gandang facilities, super fun. Uhm...bale senior kita right?"
"Yep. "
"Uhm, bat ka nga pala magtatransfer?"
"Ah, uhm, namatay kasi yung lolo ko and for some weird reason, dad asked us to move here. Kaya kailangan ko lumipat ng school na mas malapit."
"Oooh, I'm sorry for your loss."
"Thank you. Well, you'll be my tour guide, I expect?"
"Sure ba! When will you start going to school?"
"Next week...sayang nga lang kasi two weeks na lang eh Christmas vacation na."
"Di bale, yang two weeks na yan magiging worth it yan." Sabi ko, with a smile.
"Yeah. It will give me time to get to know you more. Right?" Nginitian niya rin ako at biglang..ano to...ba't ...kinikilig yata ako?
"Ah--yeah. Yes." Sabi ko, pautal utal ang peg.
"Chris, nood tayo BB mamaya. Lakers game mamaya eh. Ano ba hometeam mo?" Singit bigla si kuya.
"Lakers din" Nakangiti na si Chris. HAAAAAY. Lalake nga naman. Sweet one moment, gone the next. Basta nakahanap ng tropa at basketball....boom...limot. Pagkatapos ngang kumain nung dalawa eh, iniwan na lang ako. Yan, ako tuloy nag linis. Nawiling manood yung dalawa. After kong maghugas, umakyat na ko at natulog.
Later, siguro medyo nagising yung diwa ko. Alam kong bumukas yung pinto eh. Tas may humawak sa muka ko. And then, nawala kaagad.
Panaginip lang yata yon.
BINABASA MO ANG
Love Found
Teen Fiction"The way my love feels for both of them is opposite. One makes me happy when he is around. One makes me sad knowing we can't be together. Who would be my prince? "I'm Mitchelle Pierce...and I want you all to know the story that happened to the Princ...