Chapter 7 : When we start talking . . .

70 3 0
  • Dedicated kay Katrina Baroy
                                    

Eto nanaman tayo. Detention nanaman. Kanis naman kasing teacher 'yan. makagawa lang ng rason para parusahan ang estudyante. Di man lang naawa? Di ba siya naging estudyante?

Oy, mamaya lagyan niyo ng meaning ah. Labs ko ang mga teacher pwera lang sa kanya. 651 words. Jusko, isang word lang naexceed detention kaagad. Tas ung isa pang teacher na makagawa ng epic na love story na hindi naman existing. Jusko.

Umupo ulit ako sa tabi ng pintuan. Kainis. Imbis na kasama ko na sila Trinna at Felicia, andito ako, stuck sa boring na detention room kasama si Ano. Well, sino pa ba? Edi si Drew. . .first kiss ko nga pala. Hmp, ayoko ko na ngang isipin.

"Good afternoon."

Tumingala ako at tumingin sa kanya. 'Ba, first time niya yata akong binati matapos ang tatlong monday ng detention. Himala?

"Good...afternoon, din." Sabi ko, tapos dinagdagan ko, "May sakit ka?"

Tumawa ang wala.

"Ako may sakit? Edi sana hindi ako pumasok."

"Gagi. . . "

Umupo na siya sa tabi ng upuan ko. As usual, kaming dalawa lang ang laman ng detention room. Parang pinagkasunduan yata ng mga teacher na kami lang ang idedetention ngaung semester. Kainis.

"Ano tatahimik ka nanaman?" Tanong ko sa kanya. Ayoko nga kasi ng tahimik. 'Di ko macarry, bibigay  ang powers ko. Madaldal pa naman ako, siyempre lalo na pag kasama ko sina Trinna at Felicia.

"Anong gusto mong sabihin ko?" Pabalik niyang tanong.

Inirapan ko nga.

"Mag tatanong, tapos iirap. Yan ang hirap sa mga babae eh, ang gulo." Napakamot siya sa ulo niya.

"Kami pa nga ang magulo, mas lalo kaya kayong mga lalaki. Minsan magpaparamdam tapos bigla na lang magseserious mode. Nagkalimutan, dre?" sabi ko.

"HUH?"

"Wala." Kinuha ko na lang ang earphones ko at nagpatugtog ng Call me Maybe. Trip ko eh.

Parang masyado yata akong mataray. . . binati niya na nga ako eh. Tignan ko nga. Nakapangalumbaba siya. Tinatamad? Galit?

Tinanggal ko ang isang earphone.

"Galit ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Hala."

"De, joke lang."

Wew. "Pramis?"

"OO."

"As in?"

Tinitigan niya nanaman ako. Etong hirap sa kin eh, palagi akong natutunaw sa mata niya. Ang blue naman kasi. Kainis.

"Kuwentuhan nga tayo." Sabi niya.

ANO TO?   "Wow ah."

"Bakit naman?"

"Himala yatang ang lalaki pa ang gustong makipagkuwentuhan. Himala talaga."

"Haha, ganyan kasi. Hindi mo naman kagad makikita ang tunay na pagkatao ng isang lalaki sa labas."

"San ka humuhugot ng mga yan? Nakainom ka, Drew?"

"Ganyan yata pag may sipon eh."

"Ah. So, anong pagkukwentuhan natin?"

"Tungkol sayo na lang. Marami ka namang alam tungkol sa akin diba? Kaya ikaw naman."

Tumahimik kami saglit. Anong ikukwento ko sa kanya?

Love FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon