Chapter 17 : Photoshoot

72 0 0
                                    

So eto na yung mismong storya ng photoshoot! Enjoy! :D

====================================================================

"Tingala! Give me a fierce look!"

CLICK! CLICK!

Nakakadalawang oras na kaming ganito. Make up, ayos ng buhok, suot ng damit. Punta sa studio, pose pose pose and then palit damit ulit. Repeat all over again.

Masaya naman, nakakapagod lang. (-______-)

"Ok. Break time muna!" Sabi ng manager.

Wew! Kapagod! Nakakamiss nga ang photoshoots but it doesn't change the fact na nakakapagod. Okey... I said it for three times already. NAKAKAPAGOD....

"Kanina ka pa tulala diyan ah..."

"Huh?" Napatingala ako. Ah, si Chris pala. "Ah." Ngumiti ako. "Wala 'to... pagod lang. Stressed..."

"Haha. Gusto mo ng tubig?" Sabi ni Chris habang nakangiti.

"Sure." Tumalikod si Chris at kumuha ng tubig. Pagkaalis niya, nilapitan ako ni Trinna. Umupo siya sa right side ko.

"Pogi niya, ano?" Sabi ni Trinna habang nakatingin sa direksyon ni Chris.

"Hmm-mm." Sabi ko.

"Sana ganyan na lang si Drew..."

"Huh?"

"Yung tipong mabait sayo. . . maalagain . . .  Diba?"

Tsk. tsk.tsk. Akala ko naman kung ano. My ghad....Sus..."Ah...haha . . . Wala nanaman akong.... kung ano kay Drew eh..."

"Yeah right....Keep talking..." Sabi ni Alicia na umupo sa tabi ni Trinna. Nakasabit sa leeg niya ang camera. Good may chance na akong ibahin ang usapan.

"Ui, yan ba yung cam na gamit nung photographer?"

"Yep. Wanna see your pictures?" Tanong ni Alicia. Yes yes, naiba na ang usapan!

"Of course!" Binigay sa akin ni Alicia ang cam at tinignan ko ang pictures. Wow hah, ang ganda ko.  Dark and sexy elegance ang aura nung pictures. Grabe peg ko na ang pagiging model. I'm starting to like this a lot!

"Ang ganda mo dyan Mitch!" Sabi ni Trinna. Ninext ko and then nashock ako sa sumunod na pictures.

NGANGA. Ang hot ni Chris. Grabe...

"Hey I'm back!" Sabi ni Chris, bitbit bitbit niya ang drinks naming dalawa. Nakangiti nanaman siya.

"Ah-uhm....Salamat!" Kinuha ko yung bottle. Umupo si Chris sa tabi ko.

"So ano yang tinitignan niyo? Picture ko? Pogi noh?" Sabi ni Chris, sabay ngiti sa akin. Sabay tawa. Nakitawa na rin ako. Nakakahawa eh. Hay ang sarap tumawa! Natapos kami ng kakatawa pero nakangiti parin kami sa isa't isa.

"Ehem...ehem..." Sabay pa si Trinna at Alicia. Napalingon ako sa kanila.

"Oo na lang, okei?" Sabi ko. Wala ma-say eh.

"Guys, breaktime's over! Come on back to work!" Sabi ni Bosing....Okey back to work!

.

.

.

.

.

.

.

Okei, JGH. Pagod talaga. Hinatid ako pauwi ni Alicia at Trinna. At surely, magpapahatid si Trinna pauwi. Yun pa, eh kahit onting lakaran, di kakayanin nung babaeng yun. May pagkatamad at mareklamo pero pwede na. Minsan nga lang, hindi na reasonable.

Asan na kaya si kuya?

"Mitchelle!" Okei, ayun si kuya.

"BAT NGAYON KA LANG?" Tsk tsk, galit galitan na.

"Nag enjoy sa photoshoot?" Sabi ko habang nakangiti. "Uhmm, kuya, pagod ako so, aakyat na ko ah. Good night!" Sabay akyat.

Sa totoo lang, dapat kanina pa kami nakuwi. Kumain kami ng aking dalawang bestriend at syempre kasama si Chris. To celebrate ba, kumbaga, ang success ng photoshoot. Ilalabas sa net ung pics sa official site nung clothing brand ng family ni Alicia.

Nag release sila ng clothes para sa Christmas season kaya sobrang honored ako na ako ang napili nilang model. Wew, kapressure nga lang syempre. Kailangan talaga na bigay na bigay sa bawat shot, bawat pose.... bawat ngiti. Syempre! Para worth it on both sides. Win-win scenario.

Speaking of, malapit na si Christmas...hmm, ano kayang magandang iproject ng student council? Hmmmmm.....Magpapameeting nga ako sa Monday para makapag isip na kami. Mukang kailangan naming mag fund raising para makapag community outreach program kami before holiday break.

So many things to do!

At dahil marami akong gagawin, tama nga ang naisip ko.

I have to sort out my priorities.

NO LOVELIFE MUNA!

================================================================

Okei, updated na after a long long time! Keep reading!

XOXO

Love FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon