Okey, update :D Malapit na magpasukan so kailangan makapag update :D Enjoy!
=====================================================
Paggising ko pa lang, alam ko ng may something sa araw na to.
Anong something? I don't really know. Ang alam ko lang, iba ang feeling ko sa araw na to. Hmmm.... bakit kaya?
Pagkababa ko naman kay kuya, it looks like just another day pero... iba talaga eh.
"Good morning, my princess!" Cheerful na bati ni kuya.
"Morning!" Sabi ko. Sino ba namang hindi magogood mood sa ganyang bati diba? Ang sarap talaga ng feeling na may pamilya ka. Makalat nga lang siya sa gamit niya.
"Ang aga aga kuya, ang kalat kalat mo nanaman..." Sabi ko sa kanya bago ako kumuha ng hotdog.
"Eh, application papers ko yan..."
"Para makapag apply ako sa university... alam mo namang gusto kong lumipat sa second sem sa university mo para mas malapit diba?"
"hmm... Good luck!" Bantay sarado na ko. Lagot. Well, I just have to accept the fact na baka sa parehong university na kami mag aaral. At least, may instant tagapagtanggol na ko, diba?
.
.
.
.
.
.
After 30 minutes, nakaready na ko for another day in school. At pagkalabas ko ng pinto, nakaabang si Andrei.
"Oh, bat andito ka?" Tanong ko.
"Syempre, kailangan kasabay kong papasok ang bestfriend ko diba?" Sabi niya.
Yun nga ba ang dahilan...."O gusto mo ng tip para makascore sa puso ni Alicia?"Sabi ko.
Ayun, pumitol pitol lang siya. Nako, parang walang narinig. 'Kei.
Buti pa si Alicia, may mga lalakeng talagang nagcacare para sa kanya. Sana ganon din ako diba? Nkakalonely kaya ang single, noh!
"Hay, nakakamiss si Drew.
Uhm, Did I just say that?
"Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ni Andrei. "Totoo ba yung narinig ko?"
"Y-yeah, I guess," Sabi ko, "Antagal na naming hindi nag uusap eh. I think the last time was my birthday and that was days and days ago."
"O, eh ba't di mo kausapin?" Tanong ni Andrei
"Anong pag uusapan namin? Buhay ng kung sino sinong classical music composers? Creators ng atomic models?"
"Ah, wag yun. Baka mabore sayo si tropa. Di pwede yan."
Tumahimik kami saglit and then nag salita nanaman si Andrei.
"Mahal mo ba?"
At that moment, nakita ko nanaman si Drew.
Papasok siya ng gate ng Univ. Well, around the same time namin. Medyo mas nauna nga lang siya at syempre, kasama niya ang Ray. Ang three kings ay nasa unahan, dinudumog ng mga babae. Ghad, can't they be satisfied with just staring at them? Kailangan talagang lumapit at pagkaguluhan sila?
BINABASA MO ANG
Love Found
Novela Juvenil"The way my love feels for both of them is opposite. One makes me happy when he is around. One makes me sad knowing we can't be together. Who would be my prince? "I'm Mitchelle Pierce...and I want you all to know the story that happened to the Princ...