Okey, masakit mang sabihin, bigla kong nadelete ung english version nito. =___= T__T Boohoo. So eto na , nirewrite ko siya. =)
Hopes up guys!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tic toc, tic toc.
Ang tagal naman mag bell para sa lunch. Hay nako, pero andito pa rin ako sa computer class namin. Ang professor namin na si Prof. Thopkins ay nagbibigay ng details about sa upcoming naming project.
Ung sa project namin, gagawa kami ng video. Pwedeng Music video, or mini movie....well, whatever goes ika nga. Kami na ang bahala basta lahat may exposure kahit direktor ka pa o script writer. Tapos minimum of 5 minutes din.
Hay, gusto ko ng masimulan tong project na ito. Wala lang, naeexcite na ako eh.
"Miss Pierce, ikaw ang leader ng group 4, okey? Eto ang list ng groupmates mo."
Binigay niya sa akin ang isang papel na maraming pangalan : Bea, Lea, Sandra, Nick, Len, Drew, Kevin at... Yes! Si Alicia at Trinna!
"Trinna...." Bulong ko. Katabi ko lang kasi siya. "Kagrupo ko kayo ni Alicia...."
"Oh? Sarap buhay!" Sabi ni Trinna.
"Yes, Sarap buhay!" Bulong ko.
"Okay, class. Pwede na kayong magpunta sa respective groupmates niyo to have a meeting about sa upcoming project niyo." sabi ni Prof.
Hay nako, tamang tama. Excited na ako sa project na ito. Nangangati na nga ang kamay ko eh. Gusto ko ng makapagsimulang makapag film.
"Okay guys, so ang plano ko is mag music video tayo." Sabi ko sa kanila, "Uhm...okay lang ba iyon? Or may iba kayong suggestions?"
"Okay na rin yun. At least hindi tayo mahihirapan na gumawa ng script. Puro acting lang, diba? So better siya." Sabi ni Sandra.
"Yep, so okey na yun?" Tanong ko. Nagtanguhan sila so that means na okey nga. Ang next problem ay-
"Song....Anong magiging background music?" Tanong ni Kevin.
"Taylor Swift songs na lang para madaling lagyan ng kwento." Sabi ni Lea.
"At, madali pang gawan ng costume dahil nga sa magaganda ang concept nung song." Dugtong ni Bea.
Twins nga pala si Bea at Lea. Share ko lang.
"Okey, so Taylor Swift songs. I'm thinking...love story and You Belong With Me? Okey ba yun?" Tanong ko.
"Sige, sige pwede na yun." sabi ni Trinna.
"Okay. Alicia, ikaw ang gaganap na bida sa music video. Tapos....sinong pwedeng maging leading man?" Sabi ko.
"Uhm, kung si Nick kaya?" Sabi ni Sandra.
Nagtawanan kaming lahat. Bakit? Hahaha, teka, natatawa talaga ako. Eto na nga, ikukwento ko na.
Gwapo si Nick. Blue eyes, blonde, sweet pero napaka hot ng dating niya. Napakagaling niya ding actor, expert siya promise! Nag training nga siya dati for acting pero nagquit siya dahil mas magaling pa siya kaysa sa instructor nila.
Last year, si Nick ang gumanap na Romeo sa Shakespeare play namin. Grabe nga eh, standing ovation. Pano ba naman eh? Nakakaiyak yung pag acting ni Nick...lalo na yung part na nagpakamatay siya sa pag aakalang patay na ang kanyang Juliet. Hay, tragedy nga naman.
Militar nga pala ang tatay ni Nick. Ang balita ko'y mataas ang pwesto nito. Ung mga tipong 5star general? Ganon. Yung nanay ni Nick, accountant. Topnotcher sa exam....well, yun nga, sa lahat ng board passers. So technically, medyo mayaman at sikat ang pamilya nila Nick.
Ay may nakalimutan pala akong sabihin. Bading si Nick. Oo, bading siya. At nahihirapan din nga pala siya sa lagay ng buhay niya. Ikaw ba naman ang may tatay na militar? Mahirap yun, doble pa nga lalo na pag bading ka.
"Sure kayo? Kaya mo ba Nick?" tanong ko.
"O, sure, girl. Ay wait....pano yan andyan si Papa Andrew?" Sabi ng bading.
Ngumisi lang si Andrew sa sinabi ni Nick. Prince Andrew Adams nga pala ang pangalan ng isa pa naming kagrupo. Parte siya ng gruppong Ray, ang premier group ng hearthrobs and rich kids sa University naming ito.
"Hay nako, Nick. Sige na, alam mo namang ikaw ang pinakamagaling eh?" Sabi ni Alicia.
"Hmp, okie fine." Sabi ni Nick.
"Okey, so, that's fixed. Hah." sabi ko nang biglang nag ring ang bell.
Hay nako, time nanaman pero at least its LUNCH time na! Happiness!
"Okey, usap usap na lang tayo sa Facebook, guys."Sabi ko. BUmalik na kami sa mga upuan namin parra ligpitin yung mga gamit namin.
"Tara Mitch."sabi ni Trinna. Ayun, si Alicia, as usual, nakaready na kagad sa may pintuan. Twenty-five minutes kasi bago mag time, nakaready na ang gamit niyan. Kaya, ayun, instant.
"Eto na po." Sabi ko, habang inaayos yung gamit ko.
Ay, nako. Hindi ko pa pala napakikilala ang sarili ko noh? Napasabak kaagad ako sa pagkukwento pero ni hindi niyo pa kilala ang nagkukwento.
Ako nga pala si Mitchelle Pierce. Mag seseventeen years old na sa November. Medyo matagal pa naman.
Ako ay isang head cheerleader, at principal appointed student government president.
BAKIT?
Eh, well....this year hindi ako tumakbo for any position dahil plano kong magpakabusy sa cheerleading. Ang nanalo noong eleksyon ay isang mayamang nerd na may pagkajerk ng onti. So, ayun, after marelease ang results, "binully" kagad siya ng buong high school. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang mamitang nasa isang yate sa Caribbean Seas. Nagpalipat kagad ng school. Rich kid kasi, spoiled pa. So after noon, kinausap kaagad ako ng principal. Ako na lang daw ang maging presidente.
"Okey po." Yan ang sinagot ko kay Ms. Principal.
Anong magagawa natin? Mabait ako eh.
Ako nga pala ay isang....AY NAG-IISA na lamang sa buhay kong ito. Two years ago, may nangyaring napakasamang bagay....basta ang naging resulta, namatay ang parents ko. For the past two years, I've been trying to move on. Keri ito, keri.
Syempre hindi naman ako magiging matibay kung 'di dahil sa dalawa kong bestfriend. Si Trinna Marie Sanchez at si Alicia Pevensie.
Si Trinna Marie Sanchez ay isang Mexican native na lumipat dito sa California five years ago. Blonde si Trinna at medyo brown ang kanyang mga mata. Medyo mas matangkad ako sa kanya. Mahilig din siyang magsuot ng plain ng tshirt at pants. Bibihira mo lang siyang makitang mag dress o kaya skirt. Magaling din siyang kumanta at magplay ng guitar. Above all, musical si Trinna.
Broker nga pala ang tatay niya. Ang nanay niya naman ay.....MIA. Missing In Action. Ang alam lang nila, iniwan na sila nito para sa ibang lalake. Nasira ang buhay ng tatay ni Trinna noon, pero nagpatibay siya ng kanyang loob at ayun, medyo back to normal.
Black haired, kulot, matangkad, MAGANDA. Yan, yan si Alicia Pevensie, isang french na model pero pag kasama ko siya, siya ang down to earth kong bestfriend. Napakayaman ng pamilya nila. Ang tatay at nanay niya ay dalawa sa pinakamayamang tao sa business empire. Last summer nga, nagpunta kami sa Paris Mansion nila. Grabe, parang yung word na Mansion ay understatement pa nga eh. In actuality, para siyang sampung mansion sa sobrang laki. Super enjoy last summer.
Sila ang dalawa kong bestfriend at alam kong hindi makukumpleto si Mitchelle Pierce kung wala silang dalawa. Syempre, mahal na mahal ko yang dalawang yan! Bestfriends forever!
============================================================================
Here's Chapter 1 guys, tagalog version na yan! :D enjoy! :D
BINABASA MO ANG
Love Found
Ficção Adolescente"The way my love feels for both of them is opposite. One makes me happy when he is around. One makes me sad knowing we can't be together. Who would be my prince? "I'm Mitchelle Pierce...and I want you all to know the story that happened to the Princ...