Chapter 13 : Surprises (Part 3)

63 0 0
                                    

Okey, Update ulit. Grabe napakabusy ng week na ito so sorry for the slow UDs.

Ano nga pala nangyari last chapter? Ayun! Nagpakilala na si JAMES! Sino siya? Kapatid DAW siya ni Mitchelle. Is this true?

At kung totoo nga, ano na kaya ang mangyayari sa kanilang buhay?

Well, find out~!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabi ko. Lumapit siya sa akin at sinabing, "OO. Ako ito."

"ANO KA HILO? WALA AKONG KAPATID!" Sinampal ko siya ng malakas at kumaripas ng takbo papaloob. Pagkagalabog ng pinto, napaluhod ako. Ewan ko ba, biglang nanghihina ang loob ko.

"Ako ang kuya mo."

Hah? Ano daw? Nabibingi ba ako?

Ako? May kuya? Nagrorole play lang ba tayo dito?

Yan ang sabi niya. Kuya ko daw siya..... Hindi, hindi pwede.

Wala na akong pamilya. Matagal ko nang tinanggap yung katotohanang y'on. Matagal na. Nasanay ako na walang ibang kinakailangan kundi ang tatag ng sarili ko at gabay mula sa Itaas. Yun lang. Araw araw, ako lang ang nag aalaga sa sarili ko. Ako ang nagpapakain, nagpapagod para sa sarili ko. Ako lang at wala ng iba.

Ako may kapatid?

Ano siya hilo?

Only child ako. Only Child.

Kung kapatid ko man siya....Bakit hindi sinabi sa akin nila mama at papa? Only child lang ako diba? Only child.

At kung.....kung kapatid ko nga siya.....Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit hindi niya kaagad ako hinanap? Bakit niya pinabayaang mamuhay ako nang mag isa for the past two damn years?

Pagiging mag isa? Hindi yun madali! Sarili mo ang mamomroblema sa perang gagamitin mo para kumain, para makatira sa isang bahay, para makapag aral....para mabuhay! Ikaw lang rin ang magdadala ng mga pasanin mo....Walang makakatulong sayo kasi mag isa ka lang. Shoulders to cry on? Andyan ang kama, para maiyakan.

Ganyan ako nabuhay....hindi siya madali......

"Mitchelle! Anong ginagawa mo dyan"

"Mitchelle anong nangyari?"

Halo halong muka ang nakita ko. Kay Trinna, Alicia, Drew, Andrei, Lea at Bea, Nick, Kevin, Len, Sandra, at Paris.

Nagbabaan silang lahat. Lahat din sila, nagsasalita pero ngayon.....para akong walang naririnig....walang nakikita....walang nararamdaman.....

Manhid.

Manhid sa lahat....

Pero hindi sa sakit na nararamdaman ko.

"Oh, Mark, anong meron at pinalabas mo pa ako sa ganitong oras? Gabi na kaya...alam mo namang kelangan kong magpahinga diba at may laban ako ng cheerdance bukas?"

Ang tahimik ni Mark ah. "Ay nga pala, nagpasundo ako kayla Papa ah. Gabi na kasi eh."

"Mitchelle, mahal mo ba ako?"

Anong klaseng tanong ito? Haha, nakakatawa naman....

"Nako, ilang beses ko na yan sinabi diba? Mahal na mahal kita Mark! Sobra."

Love FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon