Nakita ni Crix na umiiyak si Jia sa kwarto ng dalaga.
"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong nito kay Jia.
"Miss ko na sina mama Crix, gustong gusto ko na silang makita" iyak na sabi ni Jia.
"Makikita mo rin sila"
"Kailan Crix? Lagi mong sinasabi yan pero hindi ko sila nakikita! Ang sabi mo hahanapin natin sila pero hanggang ngayon hindi pa rin natin sila hinahanap,ano ba Crix hanggang kailan mo ba ako papaasahin?!" Galit na tanong ni Jia kay Crix.
"Jia mag hintay ka lang kukuha lang tayo ng tiyempo para mahanap natin sila,tsaka mahirap hanapin ang ayaw magpakita" mahinahong sabi ni Crix.
"Tiyempo? Crix it's been a year,ang tagal na yang tiyempong hinihintay natin tsaka walang mahirap kung gugustuhin lang talaga natin silang mahanap!"
"Jia huwag mo akong pupunuin hahanapin natin sila huwag lang ngayon,nag iipon pa ako para mahanap natin ang mga magulang mo."
"Ang tanging gusto ko lang Crix ay mahanap ko ang mga magulang ko yun lang,hayaan mo nalang kasi akong lumabas para ako nalang ang mag hahanap sakanila."
"Jia naman! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ipinagbilin sayo ng mga magulang mo na hindi kita hahayaang lumabas?!" Malakas na sabi ni Crix.
Nabigla naman si Jia dahil ngayon pala siya nito napag taasan ng boses.Padabog na umalis si Jia sa kwarto niya saka dumiretso papuntang cr.
Napailing nalang si Crix dahil hanggang ngayon ay nababaliw pa rin ang dalaga kakahanap sa mga magulang niya.
Dinner na nung napagpasyahan ni Jia na lumabas ng kwarto niya,nagpalipas lang kasi ng ilang minuto si Jia kaninang umaga sa cr saka na ito bumalik sa kwarto niya buti nalang at wala na doon si Crix.
Nang lumabas si Jia mula sa kwarto niya ay naka hain na ang pagkain nila.
"Oh buti naman at lumabas kana? Nagutom ka no?" Pabirong sabi ni Crix.
Hindi siya kinibuan ni Jia,napansin ni Crix na mabilis itong kumain.
"Jia baka mabulunan k-" hindi pa natatapos ang pag sasalita ni Crix ay nabulunan na nga si Jia.
"Yan na nga ang sinasabi ko" sabi ni Crix saka niya ito inabutan ng inumin.
Inabot ito ni Jia saka uminom at umalis.Mabilis naman na hinabol siya ng binata.
"Jia,huwag ka ng mag tampo intindihin mo naman ako please?" Mahinahon na sabi ng binata.
"Ako ba inintindi mo?"
"Oo Jia,maraming beses na ngayon ako naman please? Nag iipon pa ako pang gastos sa pag papahanap sa mga magulang mo"
Napayuko naman si Jia,tama si Crix hindi biro ang gagastusin nila sa pagpapahanap sa mga magulang niya.
"Okay fine pero Crix sana mapahanap na natin ang mga magulang ko" mahinahong sabi ni Jia.
Niyakap naman siya ni Crix kaya niyakap siya pabalik ni Jia.
Pambibeez.
BINABASA MO ANG
This Can't Be. (On Going)
JugendliteraturA girl who has an innocent face but has a tragedy life,a very traumatic life that Jia will never imagine that she experienced that life.She trusted a man but he broke that trust,can Jia accept what life she has? Can she escape from her dark world...