Chapter 13

8 0 0
                                    

Chapter 13

Nagising si Jia ng may marinig siyang nag uusap mula sa sala.Napag disisyunan niyang lumabas ngunit ng pagkalabas niya sa kanyang kwarto hindi siya maka paniwala sa kanyang nakita.

Natulala lang siya sa nakita niya.

"Halika dito ija may ipapakilala kita sa kay attorney" Sabi ni Franco.

Dahan dahan lamang ang paglalakad si Jia habang naka titig pa din siya sa lalaki.

"So Jia this is Attorney Simon Carlo Sebastian,siya ang tutulong sa kaso mo"

Nagulat si Jia ng malaman niya ang pangalan ng Attorney ni Franco.

"Si-simon?" Nauutal na sabi ni Jia.

"Ahmm yes...I'm Attorney Simon Carlo Sebastian,why?" Nagtatakang tanong niya.

"Hi-hindi niyo po ako nakikilala?"

"You look familiar to me i thi-" naputol ang pagsasalita niya ng biglang may tumawag sa kanyang telepono.

"Ohh okay I'll be there in 20 minute's....I think i need to go Mr.Del Vaga i have something important to do." Pag papaalam niya kay Franco.

Ng umalis si Attorney Simon ay pawang hindi pa rin siya maka paniwala sa nakita niya.

Si Simon Carlo Sebastian ay ang kanyang ama,ngunit ang ipinagtataka nito ay bakit hindi siya nito nakikilala?

"Ija? Ayos ka lang ba,tulala ka e" tanong ni Franco.

"A-ah opo ayos lang po ako,may iniisip lang po ako."

"Baka si Kriston ang iniisip mo,uuwi na siya mamaya o bukas dahil medyo magaling na rin naman siya kailangan lang niya ng konting tests at maaari na siyang maka labas ng hospital."

"Mabuti naman po Tito,sana makauwi na po siyang agad namimiss ko na po kasi siya."

"Magkikita rin kayo ija." Nakangiting sabi ni Franco.

Pumunta si Jia sa kusina upang kumuha ng makakain niya,napansin niyang iba na ang kasambahay dito.Naisip niya ano na kaya ang nangyari sa mga kasambahay matapos ang insidenteng nangyari?

"Ija ayos ka lang ba? Mukhang nag tataka ka dahil iba na ang kasambahay dito.Ako pala si Jasmin Cruz,maaari mo akong tawaging Aling Mina yun kasi ang tawag nila sakin ." Nakangiting pag papakilala ng kasambahay sakanya.

May katandaan na rin ang kasambahay ngunit makikita mo pa din ang tanging ganda nito.

"Ako po si Ji-"

"Jia Samantha Sebastian,kilala kita ija kaya din ako nag trabaho dito dahil sayo." Pag putol sakanya ni Jasmin.

"Ho? Bakit po? Tsaka ahmm buti kilala niyo po ako?" Nagtatakang tanong ni Jia.

"Halika ija maupo ka."

Umupo silang dalawa sa maliit na lamesa sa kusina.

"Ija hindi mo ba ako nakikilala?" Nakangiti pa ding tanong ni Jasmin.

"Pasenya na po pero...hindi po e"

Nawala ang ngiti sa mukha ng kasambahay na pawang nadismaya.

"Oo nga pala nawalan ka ng memorya... Pero may ipapakita ako sayo baka sakaling may maalala ka ija"

"A-ano po iyon?"

Umalis ang kasambahay papunta sa kwarto nito at bumalik na may dalang kulay itim na wallet.

"Heto ija." Pinakita nito ang medyo luma at pawang muntikan ng masunog na litrato.

Litrato ito ng isang batang babae at karga siya nito ng isang magandang babae.Makikita ang saya nilang dalawa sa litrato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Can't Be. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon