Warning: SPG
Matured content
Not suitable for 18 yrs old belowChapter 4
Lumipas ang isang linggo na normal lang,nagpapasalamat si Crix na walang nangyayaring masama kay Jia o sumasakit ang ulo nito at hindi na ito nangungulit tungkol sa pamilya ni Jia dahil nalilibang ito sa pag aaral, mukhang tama nga ang disisyon niyang papag aralin niya si Jia upang makalimutan niya muna ang kanyang mga magulang.
Naglalakad papuntang coffee shop si Crix ng mapansin na niya sa loob ang kikitain nito.Ngumiti ito ng magkatinginan na sila saka niya ito nilapitan.
"Pa,ano bilib kana ba sakin?" nakangiting sabi ng binata ng makalapit na ito sa kanyang ama.
Ngayon na lamang naka usap muli ni Crix ang kanyang ama matapos mangyari ang marahas na insidente isang taon na ang nakakalipas.
Isa sa mayayamang pamilya ang pamilya ni Crix ngunit itinago ito ng binata kay Jia itinago niya ito upang maprotektahan ang dalaga.
"At bakit naman ako mabibilib sayo?" nagtatakang tanong ng kanyang ama.
"Eh Pa naman isang taon na ang nakakalipas matapos ng karumaldumal na nangyari kay Jia e hanggang ngayon wala pa rin siyang naaalala" pagmamalaki ng binata.
"At paano mo naman nagawa iyon? Imposible namang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naaalala"
"Pa matagal na ng muling makalabas si Jia, iniiwas ko din siya sa mga bagay na maaaring makabalik ng memorya niya." sabi ng binata sa kanyang ama.
"Pero ito ang tandaan mo anak hindi magtatagal ay babalik din ang kanyang memorya, hinayaan at kinunsinti kita jan sa gusto mo dahil alam kong dati pa ay mahal mo na si Jia, pero anak ito ang sasabihin ko saiyo tanggapin mo kung ano ang magiging disisyon ni Jia once na bumalik na ang memorya niya." nag aalalang sabi ng kanyang ama.
"Pa alam ko namang kapag bumalik na ang memorya ni Jia e mawala siya sakin pero Pa tiwala lang kilala ko si Jia mabait siyang tao mapapatawad niya ako at kung hindi niya man ako mapapatawad gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan makuha at mapatawad niya lang ako."
Huminga na lamang ng malalim ang kanyang ama saka tumango tango,hindi niya talaga mapipigilan ang kanyang anak pagdating kay Jia.
Simula ng mangyari ang marahas na insidente na nangyari sa pamilya ni Jia ay kinupkop na ng pamilya Reyes si Jia.Kaya't napagkasunduan nila na tumira magkasama si Jia at Crix sa iisang bahay para din hindi maalala ni Jia ang karahasang nangyari sa pamilya niya.
"Sige na anak aalis na ako" akmang tatayo ng biglang umupo ulit ang kanyang ama "Oo nga pala muntikan ko ng maalala nag deposit ako ng 350 thousand sa bank account mo pang gastos niyo sa pang araw araw."
"Salamat pa,mag iingat ka."
Tango na lamang ang tugon ng kanyang ama saka na ito umalis.
Nasiyahan naman si Crix ng malaman nitong nag deposit muli ang kanyang ama sa bank account niya,malaki laki din ang binigay ng ama niya ngayon di tulad nung isang buwan ay 150 thousand lamang ang binigay sakanyang pera kaya hindi ito masyadong nagpupunta sa bar dahil tinipid niya ang ibinigay ng kanyang ama.
Masaya din si Crix na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natutunugan ng dalaga dahil may pera siya kahit wala naman itong trabaho, ang alam kasi ni Jia ay may online business ito kaya't hindi na gaanong nag tatanong si Jia tungkol sa trabaho nito.
Naisipan ni Crix na pumunta sa paborito niyang bar. Doon niya ginagasta ang ilan sa pera niya para mag libang at makuha ang gusto niyang init sa katawan.Hindi naman ito nahihirapan makakuha ng magagandang babae dahil may itsura ang binata minsan nga ay sa sobrang gwapo niya dalawang babae pa ang kanyang naka sex, at gustong gusto naman niya iyon.
BINABASA MO ANG
This Can't Be. (On Going)
Ficção AdolescenteA girl who has an innocent face but has a tragedy life,a very traumatic life that Jia will never imagine that she experienced that life.She trusted a man but he broke that trust,can Jia accept what life she has? Can she escape from her dark world...