Chapter 3

4 1 0
                                    

Chapter 3

30 minutes ng nag hihintay si Crix kay  Jia,nag aalala na ito sa dalaga dahil baka may nangyari ng masama dito, tinatawagan at tinetext na niya ito ngunit hindi pa rin ito sumasagot.

Hindi na nakatiis ang binata kaya pinuntahan na niya si Jia sa kanyang classroom.

Ng makarating si Crix sa classroom ni Jia ay iilan na lamang ang estudyante sa loob na mukhang kanina pa nag siuwian.

Lumapit si Crix sa lalaking estudyante na sa malamang ay kaklase ni Jia "ahm tol nakita mo ba si Jia? Kanina ko pa kasi siya hinihintay sa gate" tanong ni Crix

"Ahh si Jia ba kuya? Dinala siya sa clinic ano kasi biglang sumakit yung ulo niya kanina kaya ayun dinala muna ni Kriston sa clinic,para magamot ng nurse don." sagot ng binata.

Tumango lang si Crix saka na ito nag madaling pumunta sa clinic,hindi manlang ito nakapag pasalamat sa kaklase ni Jia sa pagmamadali nitong makapunta sa clinic.

"Walangya ito na ang iniisip ko e baka kung ano ng nangyari kay Jia hindi pa pwedeng mangyari to" sabi ni Crix sa kanyang sarili habang patuloy ang kanyang pag takbo patungo sa Clinic.

Hingal na narating ni Crix ang clinic ng makita niya sa loob ang dalaga na nakahiga sa hospital bed.

Biglang bumali ng kaunti ang leeg ni Crix dahil napansin niyang hawak hawak ni Kriston ang kamay ni Jia na mahimbing na natutulog.

Lumapit si Crix at napansin naman siya nito ni Kriston kaya napabitaw ito bigla sa kamay ni Jia.

"I'm Crixen Reyes." pagpapakilala naman agad ni Crix kay Kriston.

"Ahmmm,I-I'm Kriston Del Vaga, ahh ano ahmm sinugod ko si Jia dito sa clinic dahil biglang sumakit ng ulo niya sobrang sakit daw kasi e, nag alala lang kasi ako dahil naiiyak na siya kanina sa sobrang sakit" tugon ng binata.

"May nabanggit ba siya sayo bago sumakit ang ulo niya?" tanong ni Crix kay Kris.

"Noong unang sumakit ang ulo niya e wala siyang nabanggit,pero nung pangalawa na ay sinabi niyang para talagang pamilyar ako sakanya tas ayun bigla ng sumakit ang ulo niya." sagot ni Kris.

" So dalawang beses sumakit ang ulo niya?" Tanong ni Crix.

"Oo dalawang beses,pero nung una hindi naman ganun kasakit e pero pina inom ko naman ng tubig pero nung pangalawa na ayun sobrang sakit na daw naiiyak na din siya sa sobrang sakit ng ulo niya" paliwanag ni Kriston kay Crix.

Biglang kinabahan si Crix sa tugon ng binata.

Hindi maaari, mukhang mali ata ang naging desisyon kong papag aralin muli si Jia,mukhang kaylangan na niya ulit pahintuin sa pag aaral si Jia. Sabi ni Crix sa sarili niya habang naglalakad pabalik balik na parang balisa.

Ilang minuto lang ay nagising na si Jia kaya agad nang inuwi ni Crix si Jia upang makapag pahinga ito ng maayos sa bahay.

Ng makarating sila sa bahay ay buhat buhat nitong dinala ng binata sa kwarto si Jia.Nanghihina daw kasi ito kaya kinarga na siya ni Crix.

"Jia? Pahinga ka na muna jan ha? Magluluto lang ako ng pagkain mo para makainom ka ng gamot" malambing na sabi ni Crix.

TUMANGO lamang si Jia sa sinabi ng binata.

Kinikilig ito habang naalalala niya ang pag buhat nito sakanya, hindi naman talaga siya nanghihina nag inarte lamang talaga siya upang mahawakan niya ang matitipunong muscle ni Crix.

Lumipas ang ilang minuto dumating na ang binata dala dala ang soup na niluto ni Crix.

"Thank you Crix" malambing na sabi ni Jia.

"You're welcome Jia" nakangiting sabi ng binata.

Mabilis na naubos ni Jia ang soup na niluto ni Crix saka na ito uminom ng gamot.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga na si Jia saka naman nag paalam si Crix na may gagawin pa daw importante.

Hindi na namalayan ni Jia na nakatulog na pala siya, umaga na ng magising si Jia.

Napatingin ang dalaga sa wall clock nito at bigla napatayo ng makita niyang 6:52 na.

Mabilis pa sa cheetah ang pag galaw ni Jia dahil ayaw niyang malate ito.

Bumaba si Jia at nagtungo sa kusina.

"Crix bat dimo ako ginising? Ayaw kong malate." nagtatampong sabi ni Jia kay Crix.

"Akala ko kasi dika papasok HAHAHAH" natatawang sabi ni Crix.

"Sa tingin mo mag aabsent na agad ako e kakaumpisa palang ng klase ko?" sarkastikong sabi ng dalaga na lalong ikinatawa ng binata.

"Sige na sugar baby kumain kana para makapasok na tayo okay?" pang aasar na sabi ni Crix na lalong ikinainis ng dalaga.

Padabog na kumain ang dalaga dahil sa pang aasar pa sakanya ni Crix.

Pag ito hinalikan ko makakatulog ka talaga ng 100 years kamukha ni aurora. Sabi ng dalaga sa sarili niya.

Tulad ng ginawa nila kahapon ay si Crix ang nag hugas at si Jia naman ang nag ayos ng mga gamit nila. At tulad ng napag usapan ay mag hihintayan sila sa gate kapag uwian na.

Ng makarating si Jia sa classroom niya ay kumaway ito kay Crix ng papaalis na ito.

Umupo na si Jia kung saan siya umupo kahapon at tulad ng nakita niya kahapon ay nakita niyang muli si Kriston na nakikinig muli sa music.

"Hey Kriston goodmorning!!" masiglang sabi ng dalaga.

"Oh hey miss headache a beautiful morning to you!" masigla ring tugon ng binata.

"Bakit naman head ache? " tanong ni Jia.

"E kasi naman bawat nakikita mo ako sumasakit yang ulo mo, kinakabahan nga ako ngayon baka kasi sumakit nanaman yang ulo mo" natatawang sambit ni Kris.

"Hindi ko nga alam kung anong dahilan bakit bigla nalang sumasakit yung ulo ko sa tuwing nakikita kita pero ngayon wala naman pero kahapon talaga bigla nalang may papasok sa utak ko na parang scenario pero sobrang labo? "

"Baka vision yan Jia, baka ikaw na ang papalit kay Rudy Baldwin." natatawang sabi ni Kris kay Jia.

"Bwisit ka sapakin kita jan e, pero siryoso kahapon nung unang sumakit ang ulo ko bigla nalang akong may nakitang scenario? May lalaki e batang lalaki tsaka batang babae? Umiiyak sila parang hirap na hirap pero malabo." sabi ni Jia.

"Baka epekto lang yan ng sakit ng ulo mo Jia wag ka nalang masyadong mag paka pagod okay?"

Tumango na lamang ang dalaga.

"Oo nga pala ano mo si Crixen?" tanong ni Kriston kay Jia.

Ano nga ba niya si Crixen?, tanong niya sa sarili niya.

"Ah ano... Ba-barkada,Bestfriend, ganern HAHAHA" pag aalangan na sagot ni Jia.

Akmang sasagot pa si Kriston ng dumating na ang first subject teacher nila.

Di tulad kahapon ay marami na silang ginawa ngayon, kaya ng makauwi si Jia ay pagod na pagod ito ni hindi na ito nakapag dinner sa sobrang pagod at agad na itong nakatulog.





A short update nalang muna sa Chapter 3 natin beez! Hope you like it.
Pambibeezz loves you!
Keep safe,mwuah!

Pambibeezz.

This Can't Be. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon