Chapter 8

3 1 0
                                    

Chapter 8

Iyak ng iyak si Jia dahil naaalala pa rin nito ang pambababoy na ginawa sakanya ni Crix,nasa tabi niya lamang ito na mahimbing ang tulog kaya kinuha niya ang pagkakataong tumakas.Mabilis na nag bihis si Jia kahit hinang hina pa rin ito,dahan dahan niyang kinuha ang cellphone ni Jia na nasa tabi ng binata,laking tuwa naman nito dahil nakuha niya ito ng hindi nagigising si Crix.

Mabilis na lumabas siya sa pamamahay ni Crix,naiiyak na napatingin siya sa bahay.

"Marami tayong memories dito Crix pero hindi ko pa din matatanggap ang panloloko at pambababoy na ginawa mo sa akin,mahal kita e pero hindi pa rin matutumbasan ang ginawa mo sakin" galit na sabi nito habang nakatingin sa bahay ni Crix.

Mabilis na tumakbo si Jia saka niya kinuha ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa,agad naman niyang tinawagan si Kriston laking tuwa ng dalaga dahil agad namang sumagot si Kriston kahit alas dose na ng gabi.

"Hello Jia? Bat napatawag ka? Gabi na ah" sabi ni Kriston na halatang nag aalala ito sa dalaga.

"Kris sunduin moko dun sa malapit na tulay sa bahay ni Crix"

"Wait umiiyak ka ba Jia? Ayos ka lang?"

"Kris please sunduin mo na ako ngayon din" naiiyak na sabi ni Jia.

"Sige pupunta nako jan just give me 10minutes nanjan nako" sabi ni Kriston saka na pinatay ni Jia ang kanyang telepono.

Palinga linga si Jia dahil kinakabahan ito baka biglang dumating si Crix,natatakot ito na baka kunin ito ni Crix.

Wala pang sampong minuto ay dumating na si Kriston,mabuti nalang ay malapit lang ang bahay nina Kris sa bahay ni Crix.

"Jia! Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" Pag aalalang tanong ni Kris habang tinitignan niya si Jia.

"Itago moko Kris please?" Saka niya niyakap si Kris,niyakap naman pabalik ni Kris si Jia.

"Jia! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Crix.

Nabalisa si Jia at Kris dahil sa pag sigaw ni Crix mula sa kanto.

Mabilis naman na pumasok ang dalawa sa kotse saka binarurot ng mabilis ni Kris ang kanyang sasakyan kaya hindi na sila naabutan ni Crix.

"Bakit mo pinag tataguan si Crix,dahil ba niloko ka niya?" Tanong ng binata habang nakatingin pa rin sa daan.

"Isa na yun ang dahilan,pero Kris binaboy ako ni Crix" naiiyak na sabi ni Jia.

Biglang pinreno ni Kris ang kanyang sasakyan dahil sa pagkabigla nito.

"Anong sabi mo? Binaboy ka ni Crix?" Gulat na sabi ni Kris.

"Oo Kris binaboy ako ng hayop na yon,matapos niya akong lokohin nagawa pa niya akong babuyin."

"Sakanya ba galing yang mga pasa mo sa mukha?" tanong ni Krix habang hinahawakan nito ang mga pasa ni Jia.

"Oo sakanya,ayoko na siyang makita pinatay niya magulang ko! Saka pa niya ako binaboy!"

Niyakap naman ni Kris si Jia dahil naiiyak na talaga ang dalaga sa sobrang sakit na nararamdaman nito.

Napag pasyahan ni Kris na patuluyin muna si Jia sa bahay nina Kris.

"Sige iha mag pahinga ka muna jan sa guess room,kami na ang bahala mag file ng case kina Crix hindi natin pwedeng palagpasin ang pambababoy na ginawa sayo ni Crix" sabi ng ina ni Kriston.

Isa din sa mayayaman ang pamilya ni Kriston,sila ang nagmamay ari ng tatlong sikat na food chain sa lungsod nila.

"Salamat po tita,sana po ay makulong sila hindi ko po mapapatawad ang ginawa nila sakin" naluluhang sabi ni Jia.

This Can't Be. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon