Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

Nagising si Jia ng 10:24 ng gabi sinilip ni Jia sa kwarto si Crix pero wala pa din ito sa kanyang kwarto,hindi pa rin ito nakakauwi.

Laging ganito si Crix minsan ay disoras na itong umuuwi, nag aalala ito sa binata sa pag uwi nitong disoras dahil baka mapano ito.Hindi niya naman matanong kung bakit disoras umuuwi si Crix dahil nahihiya at baka mapag awayan pa nilang dalawa.

Bumalik nalang muli si Jia sa kwarto niya at natulog.

Kinabukasan nagising si Jia na sobrang sakit nanaman ng ulo niya at bigla nanamang may pumasok na scenario sa utak niya.

May nakita siyang babae na umiiyak habang hawak hawak ang isang babae na may edad 30's na duguan at mukhang wala na itong buhay.Malabo ang mga ito kaya't hindi niya makilala kung sino ito.

Agad na tumayo si Jia dahil hindi na niya kaya ang sakit ng ulo niya at nakikita niya kaya naman napag pasyahan niyang bumaba na lamang siya at pumunta kusina.

"Oh bakit parang pinag sakluban ng langit at lupa yang mukha mo? " pang aasar na sabi ni Crix kay Jia.

"Wag ka ngang mang asar ka uma-umaga e, masakit ulo ko ikuha mo nga ako ng gamot!" sigang sabi ni Jia kay Crix.

Mabilis naman na sumunod si Crix sa utos ni Jia.Agad siyang kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo.

"Inumin mo na yan para mawala agad yang sakit ng ulo mo, sumakit lang ba bigla yang ulo mo?" kabang tanong ni Crix.

"Nung sumakit yung ulo ko may bigla akong nakitang scenario,malabo pero nakita ko babae tsaka babaeng duguan" sagot ni Jia habang hini- himas himas niya ang kanyang sentido.

"Ma-mag pahinga ka nalang muna kaya? Wag kana munang pumasok" natatarangtang sabi ni Crix.

"Wala naman tayong pasok ngayon e Saturday ngayon Crix tsaka ngayon ko palang napansin"

"A-anong napansin mo?" kinakabahan pa ding tanong ng binata. 

Kinakabahan si Crix ng sabihin ni Jia na may napansin siya, kinakabahan ito dahil baka magtaka ang dalaga sa inaasta nito ngayon.

"Bakit ka naka uniform? May pasok ka kahit Saturday? "

Napatingin naman si Crix sa suot niya at tama ang dalaga naka uniform nga ito.

"Shittt!!" sigaw ni Crix saka ito tumakbo sa kwarto.

"Bat naman kasi diko naisip na Saturday ngayon? Tangina." sabi ni Crix habang nag bibihis.

Natatawa si Jia ng biglang tumakbo si Crix papuntang kwarto.

"Ang tanga naman non HAHAHAHA"tawa pa din ng tawa si Jia.

Nakapag ligpit na ng pagkain si Jia pero hindi pa din lumalabas ang binata.

"Walangyang tae na yun dina lumabas" sabi ni Jia sa sarili niya habang nag huhugas ng pinggan.

Natapos na din si Jia mag hugas ng pinggan ay hindi pa rin lumalabas ang binata.

"Mapuntahan nga"

Ng papunta si Jia sa kwarto ni Crix ay naririnig ni Jia ang boses ni Crix na may kausap.

Binuksan ng kaunti ni Jia ang pintuan upang makita ang binata, nakita niyang may kausap ito sa laptop na lalake.

"Buti nga wala pang naaalala e, malaki ang problema natin bro pag bumalik na memorya niya, pati sa tatay ko malilintikan tayo." sabi ni Crix habang may kausap sa kanyang laptop.

"Eh bro naman sa gina-" naputol ang pag sasalita ng kausap ni Crix dahil biglang nabukas ni Jia ang pintuan saka ito natumba.

Sa sobrang kachismisan ng dalaga ay nakalimutan nyang binuksan niya ng bahagya ang pintuan kaya't sumandal ito saka natumba.

This Can't Be. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon