Chapter 10

4 0 0
                                    

Chapter 10

Lumipas ang ilang araw ay hindi pa rin mapakali si Jia,gumagawa na din ng paraan ang pamilya ni Kriston para mas mapabilis ang kaso nila kay Cris at sa kanyang ama.

Hapon na nung mapag isipan ni Jia na lumabas muna sa kanyang kwarto,nakita niya si Kris na nanonood ng t.v sa sala kaya nilapitan niya ang binata.

"Mahilig ka sa basketball?" Tanong ni Jia ng makitang basketball ang pinapanood ni Kris.

"Hindi naman, I'm not into sports." Paliwanag ni Kris.

"Ah kala ko isa ka din sa mga playboy na varsity player HAHAHA" biro ni Jia.

"No hindi ko hilig ang magloko" siryosong sabi ni Kris.

"Uyy siryoso HAHAHAH" dagdag pa ni Jia.

"Hindi kaya,pero i was once been inlove...so bad"

"Woah? Kanino?" Tanong ni Jia

"It's a secret" naka ngiting sabi ni Kris.

"Ang daya!" Padabog na sabi ni Jia.

"Pano naging madaya yon HAHAHAH" sabi ni Kris saka tumayo.

"Dahil hindi mo sinabi kung kanino ka nabaliw" tumayo din si Jia para maging pantay sila ni Kris.

"Ang chismosa mo tara na nga kain muna tayo nagugutom ako e" aya ni Kris.

Susundan sana ni Jia si Kris ng may narinig silang pagka basag ng salamin,napalingon si Jia kung saan nang galing ang pagka basag.Nakita niyang basag na ang bintana.

Pagkalingon ni Jia kay Kris para sabihin kung saan yung nabasag ay naka upo na ito at sapo sapo ang tiyan na may umaagos na dugo.

"Kr-kris!!!" Sigaw ni Jia kasabay ng pag dating ng mga kasambahay nila Kriston.

"Anong nangyare?" Tanong ng isang kasambahay.

"May narinig nalang po kaming pagkabasag ng salamin tap-" naputol ang pag sasalita ni Jia ng marinig nila ang biglang pag bukas ng pintuan ng bahay.

May mga lalaking naka armado at naka takip na itim ang kanilang mukha kaya hindi mo sila makikilala.

"Si-sino kayo?!" Natatarantang tanong ni Jia.

Nagsitawa lang ang mga naka armadong lalaki.Akmang tatakbo si Jia kay Kris ng damputing siya ng dalawang armadong lalake.

Nagpupumiglas si Jia dahil na rin sa takot,lalo na't nakita niyang binubugbog si nila si Kriston,saka naman hinila ng mga armadong lalake ang mga kasambahay papuntang kusina.

"Bitawan niyo ako!...Wag niyong saktan si Kriston!" Sigaw ni Jia habang umiiyak ito.

Lalong nag pumiglas si Jia ng maramdaman niyang tinakpan ng panyo ang kanyang ilong at bibig.Naiiyak na ito ng makitang patuloy pa ring binubugbog si Kriston at naririnig niya ang pag sigaw ng mga kasambahay at humihingi ng tulong.

Naiiyak na si Jia dahil wala man lang siyang magawa,hindi niya man lang matulungan ang mga taong nasa harapan niya.Hanggang sa nawalan na ng malay si Jia.

NALULUHA si Kriston sa sobrang sakit na dinadaing niya,sa bawat suntok padyak sakanya ay wala siyang magawa.Nanlalambot na ito dahil sa mga sakit na nararamdaman ng binata sabay pa ng tama niya ng baril.Pinipilit tumayo ni Kris ng makita niyang tinakpan ng isa sa mga armadong lalaki ang bibig ni Jia,nakita niyang lalong nag pumiglas si Jia pero kalaunan ay nawalan din ito ng malay.

Hinila na ng mga armadong lalaki ang katawan ni Jia palabas.

"Wag niyo siyang kukunin" mahinang sabi ni Kriston.

This Can't Be. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon