Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

Napagdisisyunan nina Crix na umuwi na kaagad,ayaw na din nila mag tambay pa sa Tagaytay dahil iniisip pa nila ang mangyayari kay Jia.

Mabagal na nag dadrive si Crix dahil gabi na ng may biglang mag busina kay Crix sa likod saka bumarurot ng mabilis paalis ang sasakyan na nag busina sakanya,inis na nagbusina din si Crix saka nalang niya hinayaan.

Huminto si Crix sa isang store na nakabukas saka siya bumili ng kape para mabawas kahit papaano ang antok niya.

Binuksan niya ang kanyang phone para sabihin kay Jia na pauwi na siya.

To:Jiyangyang

Jia? Pauwi nako wag mo nalang ilock yung gate basta yung front door lang yung ilock mo may susi naman ako sa front door.

Wala pang isang minuto ay nagreply agad ang dalaga.

From:Jiyangyang <3

Okay! Mag iingat ka :'›

Ngumiti si Crix saka na niya ibinalik ang kanyang phone sa bulsa niya saka na nag umpisang bumyahe ulit pauwi.

Mag aalasdose na ng gabi ng makarating si Crix sa bahay.Tulad ng ihinabilin niya kay Jia ay ginawa naman talaga ito ng dalaga.

Dahan dahan itong pumunta sa kwarto ni Jia.Nakita niyang mahimbing ang tulog nito kaya napag isipan na niyang hindi na niya gigisingin si Jia.

Kinabukasan maagang nagising si Crix para mag luto ng agahan nila ng dalaga, nakasanayan na ni Crix na ipagluto ng agahan si Jia.

Nakita niyang papasok si Jia sa kusina na halatang bagong ligo dahil sa basa nitong buhok.

"Hey dear! Goodmorning!" masiglang sabi ni Crix.

"Goodmorning" tipid na ngumiti ang dalaga.

"May sakit ka ba?" tanong ni Crix kay Jia dahil parang matamlay ito.

"Wala,dina pala ako mag aalmusal kaylangan kong pumasok ng maaga marami kasi kaming gagawin." nagmamadaling sabi ni Jia.

May biglang nagbusina mula sa labas ng bahay kaya lalong nataranta ang dalaga.

"Si-sige na una nako andito na si Kriston" paalam ng dalaga saka na umalis.

Hindi na nakapagsalita si Crix dahil agad na lumabas si Jia mula sa kusina.

NAGMAMADALING lumabas si Jia dahil ayaw na ayaw ni Jia ang may nag hihintay sakanya, ayaw niya ng may naiistorbo siyang tao.

Mabilis na pumasok si Jia sa frontseat saka nag seatbelt.

"Excited ka ba? Halatang nag mamadali ka e" natatawang sabi ni Kriston.

"Gusto ko lang maka alis agad" sabi ni Jia sa binata.

"Okay sige tara na" pag aaya ni Kris saka na niya pinaandar ang kanyang sasakyan.

Mabilis silang naka dating sa skwela nina Jia kaya pinatay na ni Kris ang makina ng sasakyan niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Kris na may halong pag aalala.

"Oo ayos lang ako,maaga pa mag almusal muna tayo." Pag aaya ni Jia kay Kriston.

Tumango nalang si Kriston saka sumunod kay Jia.

Pumunta sila sa malapit na karindirya ng skwelahan na pinapasukan nina Jia.

"Anong sayo Jia?" tanong ni Kris.

"Lugaw nalang" matamlay nitong tugon sa binata.

Tumango naman si Kriston saka na ito nag order,habang nag hihintay sila na dumating sa order nila ay may umorder na lalaki.

This Can't Be. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon