Bella's POV
Tatlong buwan na yung nakalipas simula nung tumuloy ako sa bahay ni Caden. I'm already five months pregnant.
Last week lang kami nagpa-check up ni Caden. Pwede na raw malaman yung gender ni baby, pero dahil masyadong magastos si Caden, nagplano ito ng gender reveal na gaganapin mamayang gabi. Wala akong alam kung sino ang mga bisita nito, basta hindi na ako nakielam pa.
Kasalukuyan akong nasa pool area, ineenjoy ko ngayon yung araw kahit tanghaling tapat. Naka-suot ako ng white square pants at white triangular bra. Naka-labas yung baby bump ko. Naka-high pony tail rin ako para medyo presko. Mabilis kasi akong naiirita kapag nasisikipan ako sa damit, kaya madalas ganito yung suot ko sa bahay.
"Bella...."
Napalingon ako kay Caden. Naka-all navy blue na tuxedo ang suot nito. Mukhang kakauwi lang galing trabaho.
"Aren't you going to get ready yet? Your stylists are here. We're going to be late." Paalala nito.
It's already 4pm at 6pm daw ang umpisa ng party. Balita ko sa isang venue ito gaganapin.
"Hindi ba pwedeng ganito nalang suot ko? Nakakatamad mag-bihis. Tinatamad nga akong tumuloy, inaantok pa ako." Reklamo ko.
Nakakaantok pala maging buntis. Tapos sinasabayan pa ng back ache.
"Come on Bella, it's our gender reveal party. "
Caden took a deep sigh.
"Evan and Sebby will be there. I invited them. It was supposed to be a surprise."
Biglang sumaya yung diwa ko nang marinig yung sinabi ni Caden. Gustong gusto ko nang makita sila Evan!
"Tulungan mo akong tumayo." Excited kong sabi.
Napangiti naman sakin si Caden nang bumalik yung sigla ko. Hinawakan niya yung kamay ko at dahan dahang hinila pataas.
"I'll take a quick shower. You should get ready now." Paalala nito.
-----
Nakasuot ng denim jeans at white long sleeves si Caden na naka-rolyo hanggang braso. Bukas ang dalawang butones nito sa itaas. Naka-suot naman ako ng plain white body con na mini dress. V-Cut ito sa dulo at low back lang design sa likod. Nag-away pa kami ni Caden sa bahay dahil ayaw niyang lumabas na ganito yung suot ko, pero hindi niya rin ako natiis.
"Careful, one more step."
Nakatakip ang kamay ni Caden sa mga mata ko at inaalalayan ako sa paghakbang.
"Open."
Dahan dahang tinanggal ni Caden yung pagkakatakip sa mata ko.
"SURPRISE!"
Napaka-ganda nitong venue. Isang garden na punong puno ng fairy lights at mga pink and blue flowers. May tatlong station na iba't ibang games. May malaking buffet rin sa gilid at long table kung saan kakain. Everyone is wearing baby blue and blush pink na color, na hula nilang gender. Kami lang ni Caden and naka-white.
Napangiti ako nang makita sina Evan at Sebby. Even is wearing a blue polo shirt habang si Sebby naman ay naka pink na polo shirt. Agad akong naglakad palapit sakanila at niyakap sila parehas. Gosh, I missed them both so much.
"Sis ang laki na ng tyan mo! I can't wait to be the ninang"-Sebby
"Kapag nanganak ka na, sisiguraduhin kong libre lagi si baby sa coffee shop ko. Kahit araw araw pa siyang pumunta, libre lahat ng gusto niyang orderin."- Evan