Bella's POV
Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Nasinag ako konti sa puting ilaw dito sa kwarto kung nasaan ako. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko.
Nanunuyo ang lalamunan ko. Dahil nanghihina yung katawan ko, hindi ko magawa na bumangon. May naka-kabit na dextrose sa likod ng kamay ko. Nasa loob ako ng hospital.
"I thought you'll never wake up."
Napalingon ako sa nagsalita. Naka-tayo si Caden sa may bintana at nakatulala rito. Nasa loob ng bulsa niya ang magkabila niyang kamay.
"C-Caden....anong nangyari." Nanghihina kong sabi.
Sinubukan kong bumangon pero hindi ko pa rin magawa. Parang sumakit yung sa maselang parte ko. Dahil ba ito sa ginawa ni Francis?
Napahawak nalang ako sa tyan ko----teka.
Bumilis yung tibok ng puso ko. Kinabahan ako nang maramdaman ko na lumiit yung belly bump ko.
"C-Caden bakit lumiit yung tyan ko? Anong nangyari?" Hindi ko maiwasan na maluha habang sinasabi ito. Gusto ko mang bumangon para tignan ang tyan ko pero hindi ko magawa. Masyadong nanghihina yung katawan ko.
"It's all your fault."
Nilingon ko uli ito habang nakakapit pa rin sa tyan ko. Humarap si Caden sakin. Bakas sa mata nito na namamaga at namumula.
"We lost our baby because of you."
Mas lalong tumulo yung luha ko dahil sa sinabi niya.
"H-Hindi. Hindi totoo yan! " Naiiyak kong sabi.
Lumapit ito sa lamesa na nasa harapan niya at tinulak lahat ng gamit rito. Nabasag yung flower vase at yung malaking basket na puro pagkain at bulaklak.
Naglakad ito palapit sa kama ko at hinawakan ng mahigpit yung magkabila kong balikat.
"Nasasaktan ako." Pagmamakaawa ko sakanya. Gusto ko man labanan ito pero hindi ko magawa. Ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Caden ngayon.
"If you didn't went to that bastard's house they we wouldn't lost our baby!"
"Why the hell did you go to him!? Huh!? Did you miss fucking him!?"
Asshole! I was raped. I never wanted it to happen!
Gustong gusto kong sampalin at sigawan si Caden. Pero hindi ko magawa. Mas lalo lang akong humagulgol sa iyak.
Akala ko ko ba ayos na kami? Bakit siya nagkakaganito? Bakit hindi niya ako hayaang magpaliwanag? Alam kong nasasaktan siya ngayon pero mas nasasaktan ako. Kailangan ko siya ngayon.
"You almost had me there, Bella. I was so close to thinking that you moved on from him. I even thought that you're choosing me over him!"
I did. I don't love him anymore. I-I love you, Caden. I should've told you that a long time ago.
"It's over. We lost our baby. And it's all your fault!" Galit nitong sabi habang hinihigpitan lalo ang pagkapit sa balikat ko.
Please Caden, nasasaktan ako.
Dahan dahang lumuwag ang kapit nito sa balikat ko. Tumayo ito ng maayos at iniwasan na tignan ako.