Prologue

21 2 0
                                        


|Santernum Island|
Written by: NiteCavilein

PROLOGUE

"Nami.."

Mabilis akong napaatras ng makarinig ng isang tinig. Kinikilabutan ako at tinataasan ng balahibo dahil sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan ko. Malamyos ngunit sapat na upang dambahin ng takot ang dibdib ko.

"S-sino ka!?" malakas na sigaw ko. Hindi pamilyar ang tinig nito para sa aking pandinig.

"Nami.."

Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Mas nakakatakot ang pangalawa niyang pagtawag sa pangalan ko.

Nasa madilim akong lugar at wala akong ibang makita kun'di ang dilim lamang. Gusto kong tumakbo upang makalayo sa tinig ng babaeng tumatawag sa akin ngunit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Halika.." Muli akong napaatras. Nagmamakaawa na ang boses nito, "Pumarito ka.."

"H-Hindi! Tigilan mo ako!" Hindi ko na namalayan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. "Tigilan mo na ako! P-Pakiusap!"

Sandaling nawala ang nakakakilabot na boses na iyon. Hindi ko napigilan ang paghagulgol dahil sa labis na takot. Gusto ko ng magising sa bangungot na ito.

"Anak.." Napatigil ako sa pag-iyak. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa paligid. Tama ba ang narinig ko? Tinawag akong 'anak' ng boses na iyon? "Tahan na, anak ko.."

Sandali akong nanigas at ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok. Ang tinig nito ay tila kumakanta, nai-imagine ko itong naghehele ng isang bata.

"Tahan na.."

Napaupo ako at agarang tinakpan ang dalawa kong tainga gamit ang aking mga kamay. Ayaw kong marinig ang nakakatakot na boses na iyon.

"Tahan na..."

"Tama na!" Malakas na sigaw ko. Para akong baliw na umiiyak sa gitna ng dilim at nagmamakaawa na sana ay may gumising sa akin.

"Hmmmm.. hmm.. hmmm.." Mas lalong lumakas ang hagulgol ko ng pumailanlang sa paligid ang himig nito.

Malakas akong sumigaw. Umaasang sa pagsigaw ko ay matakpan nito ang himig ng babaeng hindi ko kilala. Ngunit tila wala itong silbi dahil mas nangingibabaw pa din ang himig nito, para iyong nasa loob ng aking tainga.

"Sshhh.. Twinkle.. Twinkle.. Little star.." Mas lalo akong nanginig ng humimig ito ng kantang pang bata. Paborito ko ang kantang iyon noong bata pa ako at napakasarap sa pandinig ko kapag ito ay inaawit ng aking ina ngunit ngayon, para na itong isang bangungot na kanta para sa akin. Nakakakilabot ang paraan ng pagkakakanta dito. Napakabagal at tila napakalungkot. Walang kabuhay-buhay at napaka-creepy.

"How I wonder what you are.."

Mabilis ang aking naging paghinga ng tila papalapit ng papalapit ang tinig.

Santernum Island [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon