Santernum Island
Written by: NiteCavilein
Namishka
Ngayong araw daw ang kaarawan ng sinasabi ni Catalina na taga-pamuno ng isla. Lahat ng mamamayan ay imbitado sa kaarawan at s'yempre, sinabi pa sa chismis—este balita ay dapat daw hindi kami mawawala do'n.
"Tiyak na matutuwa si Don Zeremiah kapag nakita kayo roon. Noong araw nga na napadpad kayo rito ay siya ang unang nagsuhestiyon na sa amin kayo patuluyin." Kwento pa ni Catalina habang naglalakad kami patungo sa ilog.
Dala ang basket ay wala akong imik na nakasunod lang sa kanila. Wala naman akong balak magsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Talaga? Mabait siguro ang sinasabi mong Don Zeremiah." Saad ni Ariella. Tuwang-tuwa ito sa pagku-k'wento ni Catalina.
"Sinabi mo pa. Siya rin ang may-ari ng panaderya dito sa isla. Minsan ay kapag may mamamayang walang makain dito ay nagbibigay siya ng libreng tinapay."
"Wow.. so, p'wede din ba kaming humingi ng tinapay do'n mamaya?" Pabirong tanong ni Ari.
"Puwedeng-puwede! Siguradong maraming tinapay ang nakahain doon mamaya."
Napabuntong-hininga ako. So, they mean.. kailangan ko nanamang maging approachable sa ibang tao?
"Saan ba kasi tayo pupunta, Catalina?" Naiinip na tanong ni Charlotte. Agad ko siyang siniko dahil sa pagiging bastos ng pagtatanong niya. Nang lingunin niya ako ay pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Ah.. mangunguha tayo ng mga bulaklak sa gilid ng ilog." Napapahiyang tugon ni Catalina.
"Para sa'n?" Si Charlotte na hindi 'ata natinag sa pagsiko ko.
"Tutulong tayo sa pagdi-disenyo sa bahay ni Don Zeremiah. Mahilig ang asawa niya sa bulaklak kaya gusto nitong lagyan ng mga bulaklak ang lugar na paggaganapan ng salo-salo." Paliwanag ni Catalina. Napatango ako. Okay na rin 'yon kaysa naman ma-boring ako sa creepy-ing bahay ni Lola Saturnina.
Hindi na umalma pa si Charlotte. Mukang hindi niya nga gusto ang idea na magde-design kami ng bahay.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa gilid ng ilog kung saan laging pumupunta si Catalina tuwing umaga. Manghang-mangha nanaman ako sa paligid.
"Narito na tayo." Anunsyo ni Catalina na malawak ang ngiti.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Para akong nasa isang mamahaling hardin. Nakaka-relax ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Laganap ang maliliit na halaman sa paligid at maraming paro-paro na nagliliparan sa ibabaw ng mga ito.
Nagsimula na kaming mamitas ng mga bulaklak at ilagay ang mga 'yon sa basket. Karamihan sa mga ito ay sampaguita o tinatawag ng ibang flower of Jasmine. Mayroon ding puno ng ilang-ilang at iba pa.
"Hatching! " Natatawa kong tiningnan si Charlotte. Pangatlong beses na kasi ang pagbahin niya. Nakalimutan kong allergic nga pala siya sa bulaklak.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napuno na ang basket na hawak ko. Aliw na aliw 'kong pinagmamasdan ang magandang pagkakasalansan ng mga bulaklak sa basket. Wala sa sarili ko 'yong inamoy.
Hmm..
"Para kang addict d'yan!" Bulong ni Charlotte. Inirapan ko na lang siya.
"Palibhasa, may allergy ka kaya hindi ka maka-relate!" Asik ko dito at saka patalon-talon na lumapit kay Catalina na nilalaro ang kulay dilaw na paro-paro sa kan'yang kamay.
"Napuno niyo na ba?" Tanong ni Catalina at lumingon sa 'kin. Pinalipad niya na ang hawak na paro-paro.
Tumango ako at ipinakita sa kan'ya ang basket na hawak ko. Ngumiti siya ng malaki. Tinawag niya na sina Ariella at Charlotte upang umalis na sa ilog. Tinahak namin ang daan papunta sa bahay ng taga-pamuno ng isla. Dumaan kami sa hindi sementadong daan. Marami kaming nakakasalubong na mga kariton at mga kababaihang may dalang bilao. May ilang binabati kami at kinakawayan. Wala naman palang problema sa isla, mababait ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Santernum Island [ON-GOING]
AvventuraIs it an enchanted island - or - a ghost island?
![Santernum Island [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/281305070-64-k314712.jpg)