Chapter 3

7 1 0
                                    

Santernum Island
Written by: NiteCavilein

Namishka

"Mag-iingat kayo!" Sigaw ni Makino na nangunguna sa pag-akyat at baba sa malalaking bato na nasa ilog. Lahat kami ay nakasunod lang sa kaniya.

Nasa huling linya ako sa kadahilanang napakabagal kong maglakad. Nasa una ko naman si Charlotte at nasa unahan nito si Vrandon na inaalalayan si Belinda. Halata naman sa maarte kong kaibigan na naiinis ito pero s'yempre dahil dakila s'yang plastik ay nagkunwari na lang siyang hindi apektado.

Isa pang dahilan kung bakit nasa huli ako ay dahil nahihiya ako kay Pandesal Guy na ang pangalan pala ay Zernikel. Ayoko lang naman na medyo mapalapit sa kan'ya dahil tila mawawalan ako ng lakas oras na nasa unahan o gilid ko lang ang presensya niya.

Napakadelikado ng lugar lalo na dahil sa pinaka-itaas pa kami ng ilog pupunta kung nasaan ang sinasabi nilang Talon ng ilog Balaraw. Ang k'wento pa ni Catalina ay napakaganda daw ng view ng talon na iyon. Sikat daw itong paliguan ng mga kabataan sa buong baryo at gusto nilang makarating kaming lima doon.

Kahit sobrang hirap umakyat sa matataas na bato ay hindi na ako nag-inarte. Gusto ko din namang mapuntahan 'yung sinasabi nilang talon dahil never in my entire life pa na nakarating ako sa mga ganoong lugar. Hindi naman siguro masama kung i-enjoy at sulitin namin ang isla habang wala pang nahahanap na paraan kung pa'no kami makakaalis dito.

Madulas at malumot ang mga tinatapakan namin. Once na magkamali ka sa pag-'apak o mapadulas ang paa at kamay mo, don't worry, dahil sasaluhin ka naman ng malalim at kulay berdeng ilog. Medyo nakakatakot tingnan 'yung ibang parte ng ilog dahil feeling ko, may mga monster na nagtatago sa malalalim na parte ng tubig at kapag nahulog kami ay posibleng kainin kami ng mga 'yon.

Here goes my scarry imagination again.

Kahit kailan talaga ay hindi ko maiwasang mag-isip ng mga gano'n. Masyado akong paranoid at akala mo, laging nasa panganib ang buhay.

Ang medyo nakakatakot din ay iyong mga puno na nakalitaw ang mga ugat, malalaki iyon at mahahaba. Nai-imagine ko tuloy na gagalaw ang mga galamay nito at pupulupot sa'min.

Halos manginig ako sa takot. Epekto na siguro 'to ng mga horror movie na napapanood ko.

"Ayos ka lang ba, binibining Nami?" Napapitlag ako ng may magsalita sa unahan ko. Nang tignan ko kung sino 'yon ay halos himatayin ako sa gulat. Si Zernikel!

"H-Ha?"

Hindi ko napansin na tumigil na pala ako sa paglalakad at napatunganga sa nakikita kong nakakatakot na tanawin.

Nilingon ko ang mga kasamahan namin at medyo malayo-layo na din ang agwat ko sa kanila. Hindi ko napansin na naiwanan na pala nila ako.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatunganga riyan sa malaking puno ng balete." Ani ni Zernikel at sandaling sinulyapan ang puno na nasa harapan namin.

Awkward akong tumawa, "Ah.. Tinitingnan ko lang. Namamangha kasi ako."

Hindi ako sanay na purong tagalog ang pananalita kaya sobrang challenging talaga kapag isa sa taga-dito sa isla ang kausap ko. Kailangan ko pang mag-isip ng tagalog na term bago magsalita. Feeling ko ay dito pa 'ata ako mano-nosebleed kaysa sa pagsasalita ng english.

Santernum Island [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon