Santernum Island
Written by: NiteCavilein
Namishka
Gusto kong matawa ng malakas dahil sa nangyari kay Charlotte. Ngayon ay narito na kaming lahat sa tabi ng ilog. Nagi-ihaw ng isda si Simeon at Damien habang si Belinda at Catalina naman ay inilalatag ang malapad na dahon ng saging sa gitnang bahagi ng patag na lupa.
"A-Aw! It hurts! It really hurts!" Iyak ni Charlotte at maarteng pina-paypay-an ang sarili. Kaharap niya si Makino na ginagamot ang sugat niya.
I want to laugh hard but I still chose to close my mouth. It would surely annoys her. Pinapanood ko lang naman sila habang busy sa kani-kanilang ginagawa. I offered to help them lately but they refused. Kailangan ko daw magpahinga dahil sa nangyari kanina. Duh, as if naman may damage ako sa katawan.
Tiningnan ko ang dumudugong sugat ni Charlotte. Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kanina. Yuck! Ang laki talaga n'ong linta! At siguradong kumapit 'yon ng matagal sa balat niya. Sinisipsip nito ang sugat na ginawa mismo nito sa balat ng kaibigan ko. Pahirapan pa no'ng tanggalin iyon at todo iyak naman si Charlotte. Ewan ko ba kung nana-nantsing s'ya o ano dahil yakap na yakap siya kay Makino.
What a bitch!
"‘Wag kang mag-alala, hihilom din agad ang sugat mo." Dinig kong sabi ni Makino. Tumango naman si Charlotte with her most deceptive puppy eyes.
Napatingin naman ako kay Vrandon na lumapit sa dalawa. Seryoso na ang muka nito.
"P'wede bang iwan mo muna kami?" Pakiusap nito kay Makino. Napataas ang kilay ko. Tumango naman si Makino at saka nagpaalam. Nang makaalis ito ay saka umupo si Vrandon sa harap ni Charlotte, "Are you okay?"
Tumango lang si Charlotte. I heard Vrandon sighed and looked down to her wounded leg. Nag-aalalang tinitigan ito ni Vrandon.
"Tss. Even when you are really careless, Charlotte." Nanenermon ang tinig niya. Napayuko naman si Charlotte. Nanginginig ito. Bumuntong-hininga ulit si Vrandon. Nagulat na lang ako nang tumayo siya at hubadin ang suot niyang Kamiseta. Nag-angat ng tingin si Charlotte at nanlalaki ang mga matang nakatanga sa katawan ni Vrandon.
"W-What are you doing?"
Agad namang ibinato ni Vrandon ang hinubad niyang kamiseta kay Charlotte, "Use this! Nilalamig ka na."
Mabilis na naglakad palayo si Vrandon at pumunta kayna Simeon na nag-iihaw ng Isda. Napataas ang sulok ng labi ko nang makitang nakatunganga pa din si Charlotte. Halatang hindi makapaniwala.
Sumipol ako na ikinalingon niya sa 'kin. Natatawa ko siyang tiningnan.
"What it feels like to be a girl who was saved by two handsome guys, huh?" Mapang-asar kong tanong na ikinangiwi niya. Inirapan lang ako ng gaga at parang tangang ngumiti habang nakatingin sa kamiseta ni Vrandon.
Napailing na lang ako.
Ilang minuto ang dumaan hanggang sa i-anunsyo ni Makino na ready na ang pananghalian. Mabilis naman kaming lumapit at umupo nang pabilog sa mga malalapad na dahon ng saging. Natatakam kong tiningnan ang inihaw na isda at kanin na nakabalot sa dahon din ng saging. Mayroon ding mga hinog na mangga at buko.
"Sandali! Hintayin muna natin si Zernikel. Paparating na iyon dala ang tubig na galing sa bukal." Agad na sabi ni Simeon nang akmang dadampot na kami ng pagkain. Napasimangot ako, bakit ba laging pa-VIP ang lalaking 'yon! Lagi na lang kailangang antayin!
BINABASA MO ANG
Santernum Island [ON-GOING]
AdventureIs it an enchanted island - or - a ghost island?
![Santernum Island [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/281305070-64-k314712.jpg)