Chapter 1

12 1 0
                                        

Santernum Island
Written by: NiteCavilein

Namishka

"Mayroon ka bang ideya kung sino-sino ang mga batang ito?"

"Paumanhin ngunit wala po. Nasagip lamang namin sila hanggang sa hangganan ng dagat ng ating isla. Sakay sila ng makabagong bangka ngunit nilamon na ito ng dagat."

"Hesus,Maria,Josef! Paano nakarating ang mga batang ito rito!?"

"Wala pong nakakaalam."

Naririndi ako sa mga boses na 'yon. Kahit nakapikit ay alam kong may mga tao sa paligid ko. Hindi ako p'wedeng magkamali.

"Maiwan niyo na muna kami. Maraming salamat sa pagliligtas sa kanila."

Pagliligtas?

"Sige po. Kami po'y mauuna na."

Nakarinig ako ng mga yabag palayo.

Agad na pumasok sa isip ko ang nangyari ng bumiyahe kami sa dagat. Ang paglamon ng malaking alon sa bangkang sinasakyan namin at ang mga kaibigan— Nasa'n na ang mga kaibigan ko!?

Mabilis akong dumilat at bumangon. I could feel my own fear. Patay na ba ako? Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa isang kwarto ako, makalumang kwarto. My forehead creased. Where am I?

"Gising ka na pala,Ija." Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa taong nagsalita, then I saw an old woman standing in front of me. Hindi pamilyar ang kaniyang muka.

"N-nasaan po ako?"

Ngumiti siya ng maliit, "Narito kayo sa bahay ko matapos kayong makita ng mga mangingisda sa laot, balita ko'y inabutan kayo ng bagyo roon."

Nanlaki ang mga mata ko. Kayo? Meaning, 'andito din ang iba ko pang kaibigan? Lumingon ako sa gilid ko at agad akong nabuhayan ng pag-asa ng makita si Ari at Lot na natutulog sa tabi ko. Agad din akong nagtaka ng hindi mahagilap ng paningin ko si Vrandon at Damien.

"Hinahanap mo ba ang dalawang binatang kasama ninyo? Huwag kang mag-alala dahil nasa kabilang kwarto sila at nagpapahinga. Paumanhin sapagkat hindi ko hinahayaan na magsama ang lalaki't babae sa iisang kwarto." I almost drop my jaw. What an old fashion! Hindi ko alam na meron pa palang gan'to sa panahon ngayon.

"Ah,lola.." napakamot ako sa batok,"N-nasa Isla na po ba kami ng Carindollà?"

Nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan iyon ng pagtataka,"Isla ng Carindollà? Wala kaming alam na ganoong isla,Ija."

Ako naman ang nagtaka.

"What!? Ano pong ibig n'yong sabihin?" Muli nanaman akong nakaramdam ng kaba. So ibig sabihin ay sa ibang Isla kami nakarating?

"Nami.." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Lot. Gising na ang dalawa at nagkukusot na ng mga mata. Bumangon sila at gulat na tumingin sa paligid.

"Where are we?" naguguluhang tanong ni Lot.

"Salamat sa diyos at gising na din kayong dalawa." Napalingon kaming lahat sa matandang babae na kausap ko lang kanina,"Paano kayo nakarating dito sa Isla ng Santernum?"

Santernum Island [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon