Senternum Island
Written by: NiteCavilein
Namishka
Nakanguso kong tiningnan ang suot kong plain na bistida at may sinturon pang malaki sa may baywang. Mag-aalas seis y medià na ng gabi at tingin ko ay marami nang tao sa bahay ng taga-pamuno na si Don Zeremiah.
"Napakaganda mo, Namishka!" Bulalas ni Catalina habang nakatingin sa 'kin. Nakasuot naman siya ngayon ng saya at kimona na medyo moderno ang pagkakaburda. Feel na feel ko 'yung pagiging 90's dahil sa mga suot namin.
"Salamat," sinsero kong tugon kay Catalina. Ngumiti lang ito at saka pinuri din sina Ari at Lot. Gaya ng akin ay nakabistida din sila na parang kimona't saya. Basta! Hindi ko ma-explain 'yung mga design.
Maya-maya pa ay nagyaya na din si Catalina na lumakad na. Kasama namin si lola Saturnina nang lumabas kami ng bahay. Nagulat pa nga ako nang makita ang nakaabang na kalesa sa labas ng bahay. May kulay brown na kabayo doon at kutsero.
"Wow.." manghang bulalas ni Ariella bago sumampa sa kalesa. Naroon na din sa loob sina Lola Saturnina at Catalina.
Napalingon naman ako kay Charlotte nang maramdaman kong mahigpit ang kapit nito sa braso ko.
Kinunutan ko ito ng noo, "bakit?"
"Natatakot akong sumakay." Natawa ako dahil sa iniasta niya.
"Sasakay ka lang naman. Safe 'yan." Pagkukumbinsi ko pero umiling siya.
"M-Maglakad na lang tayo papunta do'n. Takot talaga ako sa kalesa." Nanginginig na sabi niya at akmang hihilahin ako.
"Maglalakad tayo? Sure ka ba d'yan sa sinasabi mo? Baka may makasalubong pa tayong kung ano-ano d'yan sa daan." Pananakot ko dahilan upang manlaki ang mga mata niya.
"H-Ha? S-Sige! Sakay na lang tayo d'yan sa kalesa. Tama.. baka kung ano-ano pang maligno ang makasalubong natin." Napakunot ang noo ko. Ba't parang takot na takot siya?
Hindi ko na lang iyon pinansin at pina-una na siya sa pagsampa sa kalesa. Bago ako sumakay ay sumulyap pa muna ako sa harapan ng bahay ni Lola Saturnina. Hindi sinasadyang naitaas ko ang aking paningin sa malaking puno ng Acacia. Napakunot ang noo ko nang maaninag na parang may maliit na baga ng apoy sa taas ng sanga. Umuusok iyon. Pinaliit ko ang mga mata ko at kumurap-kurap.
Baga ba talaga 'yon?
Halos panindigan ako ng balahibo sa batok dahil pakiramdam ko ay parang may nanonood sa 'kin.
"Namishka!" Napapitlag ako ng marinig ang malakas na pagtawag ni Ariella. Agad akong napalingon at nakitang naghihintay na sila.
"May balak ka bang sumama o ano?" Saad ni Charlotte na halatang naiinip.
"Ah, sorry." Hingi ko ng paumanhin at dali-daling sumampa sa kalesa. Nang makaupo sa tabi ni Charlotte ay ikinumpas na ng kutsero ang tali dahilan upang maglakad ang kabayo.
Lihim akong sumulyap sa puno ng acacia. Bigla na'ng nawala doon 'yong maliit na baga ng apoy na nakita ko kanina. Naninindig pa din ang balahibo ko pero hindi na katulad noong kanina. Pakiramdam ko ay may naka eye-to-eye ako sa dilim. O baka, guni-guni ko lang ang lahat?
BINABASA MO ANG
Santernum Island [ON-GOING]
AdventureIs it an enchanted island - or - a ghost island?
![Santernum Island [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/281305070-64-k314712.jpg)