Chapter 2

10 1 0
                                        

Santernum Island
Written by: NiteCavilein

Namishka

Maaga akong nagising at agad na tumayo sa higaan. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa bintana. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko, 'andito pa din 'yung kaba na naramdaman ko kagabi. Kung hindi lang tumigil 'yung kaluskos o should I say kumukutkot sa bubong ay talagang magkakaroon ako ng heart attack.

I had no idea what was it. First time kong makaranas ng gano'n, 'yung parang may matatalas na kuko na kumukutkot sa bubong. Was it a cat? Maybe.

Binuksan ko ang bintana at agad na bumungad sa paningin ko ang malawak na luntiang palayan. Halos magningning ang mga mata ko. The view is perfect! Kay sarap na bungad nito sa umaga.

Hindi pa sumisikat ang haring araw at nababalot pa ng makapal na hamog ang buong paligid. Malamig ang simoy ng hangin at tila mamasa-masa. Medyo may kadiliman pa ang paligid at nakikita ko ding bukas pa ang mga ilaw ng bawat bahay, malayo man o malapit. Dinig na dinig ang pag- tiktilaok ng mga manok at ang huni ng mga kulisap.

Napapikit ako at lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko alam na ganito pala talaga kapresko ang ambience ng isla. 'Yung mafefeel mo na lang na sobrang payapa.

Isinara ko din agad ang bintana at tinahak ang daan pababa sa kusina. Hindi na ako nag-abala pang gisingin sina Charlotte at Ariella. Mga tulog mantika ang mga 'yon.

Agad ko nang inihanda ang maganda kong ngiti ng makita si Lola Saturnina sa loob ng kusina. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad n'ya akong nakita.

"Gising ka na pala.." Kasalukuyan itong naghahalo ng kape sa kaniyang tasa, "Halika't magkape ka muna para mainitan ang sikmura mo."

Tumango ako at lumapit sa kan'ya, "Magandang umaga po." Bati ko.

"Magandang umaga din. Hindi pa ba gising ang mga kaibigan mo, Ija?"

Umiling ako at kumuha ng isa sa mga nakataob na tasa sa gitnang bahagi ng mesa.

"Mamaya pa po ang gising ng mga 'yon." Natawa siya at inilapag ang kutsarita sa gilid ng kaniyang tasa.

"Mga kabataan nga naman ngayon. Mga mu-ok." Napakunot ang noo ko. Mu-ok? Hindi pamilyar sa'kin ang salita pero base sa pagkakaintindi ko, baka tinutukoy n'ya na ang kabataan ngayon ay mga tamad bumangon. Sana tama ako. hehe.

Medyo napakamot pa ako sa batok ng makitang garapon lang ng asukal ang katabi ng lumang thermos bottle.

"Ah,Lola 'asan po 'yung kape?" medyo nahihiya kong tanong. Malay ko bang baka gumulong 'yung garapon at napunta sa ilalim ng mesa.

"Ang kape ay nakahalo na sa mainit na tubig, Ija. Barakong kape ang tawag namin riyan." Muntik nang malaglag ang panga ko. Seryoso?

Hindi na lang ako nag-usisa kahit pa sobrang curious ako kung bakit kailangan pang ihalo 'yung kape at mainit na tubig sa loob ng thermos bottle.

Tama nga si Lola. Kulay itim na tubig ang lumabas sa lumang thermos bottle ng magsalin ako sa tasa ko. Umuusok pa 'yon dahil sa init. Nilagyan ko lang ng kaunting asukal at saka humigop. Kung ako ang tatanungin, masarap naman ang tinatawag nilang kapeng barako kung ikukumpara sa tipikal na kape. Parehas silang matapang pero may pagkakaiba pa din at hindi ko 'yon maexplain.

"Nasaan na ba si Catalina? Naku, ang batang iyon talaga! Baka nanguha nanaman ng mga bulaklak iyon sa gilid ng ilog." Tumingin ako kay lola Saturnina.

Hindi ko alam na may hilig pala ang Catalina na 'yon sa mga bulaklak. Sabagay, para nga siyang maria clara, eh. Ano naman kaya ang gagawin n'ya sa mga bulaklak na makukuha n'ya? Umagang-umaga ay nananalanta s'ya ng mga tanim.

Santernum Island [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon