CHAPTER 9

6 0 0
                                    

I waited.

But in the end it was a mere once upon a time.

I hit my forehead to his and we both woke up from that moment.

Darn! I was so embarrassed that I immediately stand up and I was about to run when he talked.

"I'm sorry"

Napatitig na lamang ako sa kaniya at ilang sandali pa ay tumango na lamang at iniwan sya roon.

Tumakbo ako papasok sa aking silid at napasandal sa nakasarang pinto.

Napasapo ako sa puso ko na hanggang ngayon ay malakas parin ang kalabog.

Napapikit ako ng mariin at dahil sa ginawa ay naalala ko lamang ang nangyari kani-kanina lamang!

Pinilig ko ang aking ulo at hindi iyon mawala sa aking isipan na kahit inalog-alog ko ang aking ulo habang bahagyang pinapalo ang aking tenga ay walang nangyari, tanda ko parin ang naging reaksyon ko at ang basta-basta kong pag pikit!

"What's wrong with me?" tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin.

Habang nanunumbalik sa akin ang lahat na pagtanto kong hindi nagkaroon ng bayolenteng reaksyon ang aking katawan at hindi rin ako natakot sa kaniya.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko itatanggi na dahil doon ay nagkaroon ako ng pag-asa. Baka ito na yun, gagaling na ako at makakauwi na ako sa amin.

Dahil sa ka isipang iyon ay napangisi ako at agad na tumakbo papunta sa banyo para makaligo na at makababa para sa tanghalian.

Wala sa may dinning area si Shawn kaya naman nag taka ako at hinanap na sya. Sa gitna ng paghahanap ko ay narinig ko ang tinig ng mga aso ni Shawn kaya naman sinundan ko yun at inihatid ako noon sa labas at sa may garden iyon ng bahay.

Natigilan ako ng makita ang ayos ni Shawn doon.

He's sitting in one of his design wicker dinning set in his garden. There's a lot of food in there too.

And what makes the scenes perfect is the way the sun rays beams at his face. The sun illuminate his dare devil yet angelic face.

I gulp when I saw how his head turned to where I am exactly standing right now. And the way his thick brows rose up as he cock his head side wards, I heard my heart boom.

Hindi ko alam pero tila ako ay na hypnotized ng kaniyang mga mata at ngayon ay wala sa sarili akong humahakbang patungo sa gawi nya at habang naglalakad ako ay hindi ko maggawang iiwas ang mga mata ko sa kaniya at ganoon din sya.

Hinintay nya akong makalapit sa gawi nya at ng malapit na ako ay bigla syang tumayo at pinanghila ako ng upuan na katapat lamang ng sa kaniya, doon na lamang ako dumiretso at dinig na dinig ko parin ang bawat lakas ng pintig ng puso ko at bago ako tuluyang ma upo ay nag pasalamat pa muna ako sa kaniya.

Nasa may harapan ko na sya ngayon at hindi ko maggawang titigan sya lalo na at ganito na lamang ang tindi ng kalabog ng puso ko.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging ang ihip ng hangin ang tanging naging ingay sa pagitan naming dalawa.

Tumingin ako sa mga pagkain na inihanda nya para sa tanghalian namin ngayon.

May caldereta, may adobo, may pritong galunggong at kare-kare.

I unconsciously lick my lower lip dahil sa mga pagkain at sa tanawing iyon ay lalo akong nakaramdam ng gutom.

Napa-angat ako ng tingin kay Shawn na hanggang ngayon yata ay nakatitig sa akin mag mula kanina, napakunot na ang noo ko dahil sa pagtataka at ng mapansin nya iyon ay agad syang umayos sa pagkaka-upo at sya pa ang nag lagay ng pagkain sa pinggan ko.

Crazy ComplicatedWhere stories live. Discover now