Chapter 6

62 3 2
                                    

Chapter 6

Shanel POV

*Knock Knock*

*Knock Knock*

*Knock Knock*

Sino ba yun?! Nakakainis ang sarap pa ng tulog ko. Ang aga mambulabog. -_-#

"Beh! Malelate ka na!" Si ate Liz pala. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang side table ko at sa orasan.

O_o

6:55 na! Sh*t naman oh! Nagmadali akong pumasok sa cr ko.

"Beh! Gising na!" Si ate Liz talaga. Sumigaw na lang ako para malaman niya na gising na ko.

"Ate Liz gising na ko!!! "

"Ay sige. Nakahanda na yung almusal sa baba." Di na ko sumagot at nagmadali na kong maligo.

After 543657864959645 years. Natapos na rin akong maligo.

Hulaan ko di niyo binasa yung mga number. -_- Haha. :3

Bumaba na lang ako ako at nag almusal na. Kahit gusto ko na umalis kasi late na ko kumain muna ako kasi naappreciate ko naman yung effort niya sa pagluluto ng breakfast ko. Kaya labs na labs ko si Ate Liz e! ;) Tinapos ko na lang yung kinakain ko para makapasok na. Huhu. Late na ko. -_-

Lumabas na ko at sumakay na sa kotse. "Manong pakibilisan na lang po yung pagdadrive kasi late na po ako." Sabi ko.

"Sige po ma'am."

Ilang minutes lang nakarating na ako sa school. Gawd! This is so not me. Maaga naman ako napasok. -_-! What's happening to me?! Ugh. Late na talaga ako, tumakbo na ko papunta sa room since wala ng tao kasi nagbell na. Kung may nakakita sa akin na natakbo sa hallway tsismis na agad yun. Tsk. Akala nila perfect na ko dahil sa mayaman, matalino, maganda, matangkad at popular. Di lang nila alam...

Nang pumasok ako sa room naglelecture na si ma'am at natigil lang sila nang nakita ako ni ma'am.

"Why are you late Ms. Alvarez?" Mataray na tanong ng aking guro. Terror pa man din to. Tss.

"Uhmm. Ma'am I'm sorry I'm late but I have my reason and it's confidential." Palusot ko na lang. Ayokong sabihin na nalate ako ng gising kasi ang lame ng excuse ko. Tsk. Pakielam ba nila?! Pinapasok na lang ako ni ma'am at di na nagtanong. Buti na lang. Naglecture na lang ulit siya at nakinig na lang ako.

*Kring*

Recess na! Ang sakit sa ulo ng pinag-aralan namin pero keri ko naman. Dumiretso na lang ako sa canteen at bumili ng sandwich and pineapple juice. Wait, parang may kulang??

*Think*

*Think*

*Think*

Kinuha ko ang phone ko at nagdial. Agad din naman niyang sinagot.

"Bakit di ka pumasok?" Bungad kong tanong pagkasagot niya.

(Ah-eh---... Bessy.. Ugh. May sakit ako... pero wag kang mag-alala makakapasok din ako bukas.) Ano?! May sakit siya?! Di man lang sinabi sa akin!

"MAY SAKIT KA?! DI MO MAN LANG SINABI SA AKIN. BESTFRIEND MO KO TAPOS WALA AKONG ALAM NA MAY SAKIT KA NA PALA! " Okay... Masyado na kong hysterical.

(Di pa naman ako mamamatay bessy!!! Makareact ka naman bessy! I'm still alive! Duh!) Sorry naman. Concern lang ako.

"Sorry naman. Concern lang ako. Pumasok ka bukas ha?" Sabi ko naman sa kanya. Masyado siyang busy kaya di na kami nagkikita.

(Haha. Thanks sa concern bessy. And yeah, papasok na ko tomorrow.) 

"Ok ok. I'll see you tomorrow. Bye."

(Ok. See ya'! Bye.) Then I hang up.

I miss my bestfriend. T^T Kumain na lang ako dahil malapit nang magbell. Nang matapos na akong kumain bumalik na ko sa room.

Kurt's POV

Nandito ako ngayon sa office kasama si Pierre. Kakausapin daw kami ni Mrs. Valdez. 

"Kurt, nakausap ko ang parent's mo at gusto nila na ilipat kita sa section 1." Damn. Napag-usapan na namin to nina mommy at daddy ah?

"You don't have to ma'am." Ayaw ko talaga sa section 1, kahit matalino ako.

"Kurt ang arte mo. Matalino ka naman ah? Tss." Pakielamero talaga to. "Ma'am bakit niyo rin po ako pinatawag?" Tanong niya kay Mrs. Valdez, pinatawag din kasi siya.

"Dahil family friend ka ni Kurt, pinalilipat ka rin ng parent's ni Kurt sa section 1."

O_o

Damn. Makakasama ko talaga tong ugok na to?!

"Now, go to your room." Wala na talaga akong magagawa. Tsk. Nakakainis sina mommy at daddy.

Dumiretso na kami sa room namin. Habang naglalakad kami biglang nagsalita si Pierre.

"Pre classmate kaya natin si Miss Beautiful?" Yan na naman siya about kay Miss Beautiful na yan. Magkikita naman sila.

Nasa tapat na kami ng pinto nang may maalala ako. Teka, dito yung pinto na muntik ko nang pasukan at dito ko rin nabunggo si Shanel. Classmate kaya namin siya?

"Pre! May balak ka bang pumasok o wala?! Tulala ka na naman. -_-!" di ko siya pinansin at binuksan ko na lang ang pinto. Pang third subject na naman at may excuse naman kami kaya ayos lang malate.

"Mr. Smith?" Tanong ng teacher sa unahan.

"Yes ma'am. And also Mr. Santos." Pagpapakilala ko kay Pierre.

"Okay. Since kilala na naman kayo, you may sit down." Nakita ko si Pierre na may kausap na babae na nakaupo malapit sa unahan. Teka... Si Shanel ba yun? At bigla na lang tumayo yung dalawang babaeng nasa right side ni Shanel. Ano kaya ang sinabi ni Pierre? Umupo si Pierre at nilingon ako. Sinenyasan na lang niya ako na umupo sa tabi niya kaya umupo na rin ako dahil wala nang bakanteng upuan.

"What a coincidence Miss Beautiful. " narinig kong sinabi ni Pierre.

"Pierre?" Natigil si Shanel sa ginagawa niya. Nagsusulat siya ng notes.

"Ang nag-iisang Pierre na gwapo sa mundo." Ang hangin..

"Eh?" 

Hahaha. P*cha! First time na may magreact ng ganyan kapag sinasabi ni Pierre na gwapo siya. Nilingon ko si Pierre at nginitian ko ng pang-asar. Hahaha. Tinignan ako ni Pierre ng masama.

"Ang sama mo naman Miss Beautiful. Bakit, hindi ba ako gwapo?" Tanong ni Pierre habang naka pout. Takte, bakit ba ang hilig niya magpacute?

"Ang hangin kasi." Sabay irap. Hahaha. Mukhang pms si Shanel ah?

"Ang sungit mo naman Miss Beautiful. "

"Ang hangin mo kasi."

"Sorry na. Natuwa lang ako kasi classmate ka namin." Mukhang naguluhan si Miss Beau--- este Shanel. Nagagaya na ko kay Pierre. "Kasama ko si Kurt." Sabay lingon naman ni Shanel sa akin.

"Ahh. Pasensya na rin kasi I used to hate man." Huh.? Hate niya ang mga lalaki? Bakit? "Kaya sana hindi kayo katulad ng iba na they just break woman hearts and then leave." Ohh.

"Seriously? Tingin mo ganun kami? Yes, we know that were handsome but we are not a Casanova." Pagtatanggol ni Pierre sa amin. Haha.

"Sinasabi ko lang. -_- Makinig nalang kayo sa teacher."

"Yes, ma'am.!" At nakinig na si Pierre. Mukhang GI si Shanel kay kay Pierre? Nakinig na lang din ako.


To be continue...

Her BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon