EUPHEMIA QUERESHA HAISLEY POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakahiga. Dinaramdam ko pa rin hanggang ngayon ang takot na nadarama ko nung binalak niya akong kagatin.
Its been 2 days simula nangyari yun kaya sabado at linggo ko siya hindi nakita. At ngayon ay Lunes na, Kailangan ko pang ipasa yung mga pinapahabol sa akin ng mga teachers na gawain na hindi ko nagawa nung absent ako. Buti na lang talaga tinulungan ako ni Sayuri kung hindi baka uulit ako sa grade ko ngayon
Agad akong tumayo at ginawa na ang morning routine ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa school at nadatnan ko si Zcey na naghihintay sa labas ng school gate.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kaniya
"Buti dumating ka, pinapatawag tayo nina Coach eh lalo na ikaw, ilang araw ka daw hindi sumasali sa pag practice" sagot nito sa akin
"Sorry naman alam mo naman nahulog ako sa building kaya hindi ako makasayaw ng maayos" sabi ko sabahy hila sa kaniya papunta sa gym. Pag pasok namin sa gym ay nakita ko sila nakapila
"Anong meron?" Tanong ko kay Dana na isa rin sa mga kasama ko sa squad
"Ngayon na daw ibibigay yung bago nating uniform Captain" sabi nya kaya napatango ako
"Sabi ko sayo wag mo akong tawaging captain eh, mukha ako nagmamataas" patawang sabi ko at tumawa din siya sa sinabi ko
Naghintay kami ni Zcey ng ilang minuto bago pumunta kay Coach
"Buti naman at nandito ka na, akala ko forever ka ng wala" sabi ni Coach at tumawa ako
"Kapag nawala ako Coach sa squad na ito paniguradong maglalasing ka" patawang sambit ko
"Oo na oo na, heto na damit mo" sabi niya sabay bigay sa akin ng uniform
Agad akong pumunta sa CR at nag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay napatingin ako sa salamin. Ngayon ko lang napansin na mas lalong umikli ang palda at hapit na hapit sa katawan ko ang crop top kaya bakat na bakat ang hinaharap ko. Hayst palibhasa bakla ang coach namin kaya pag dating sa mga damit ay kailangan na perfect at sexy kami sa uniform. Nang lumabas ako ng banyo ay nadatnan ko si Sayuri.
"Girl pumunta ka daw sa classroom ipasa mo na daw ang ipinapagawa sayo" sabi niya at doon ko lang naalala yung mga pinagawa sa akin
"Sige salamat buti pinaalala mo" sabi ko at tumakbo papunta sa bench kung saan naroon ang bag ko
"SIGE TAKBO PA, MAKIKITA NA PANTY MO" sigaw niya
"SHUT UP!" sigaw ko rin sa kanya at napatingin pala sa amin ang ibang varsity player ng school namin
Shit! masyado yata malakas ang sigawan namin
Agad kong kinuha ang bag ko at dali daling pumunta sa classroom. Pag pasok ko ay nadatnan ko kaagad si Maam Relias na nagtuturo
"Maam sorry I'm late" sabi ko at naagaw ko ang atensyon nila lalo na ang mga lalaking nag sisipol tsk dapat pala ng jacket muna ako
"Oh Euphemia nasaan na ang pinapagawa ko sayo?" Tanong nito kaya dali dali kong binuksan ang bag ko at binigay sa kanya ang mga ipapasa ko
"Yan kumpleto na po yan" sabi ko at nakita kong chinecheck niya yung pinasa ko.
Agad kong nilibot ang mata ko sa mga classmates ko hanggang sa napatingin ako kay Lelouch na nakangisi sa akin. Shit nandito nga pala siya, bakit ko ba nakalimutan, tapos ganto ang suot ko baka mamaya kung ano ang gawin niya sa akin
"Complete na, you may now go alam kong may practice kayo ngayon for upcoming competition niyo" sabi nito at ngumiti siya
"Thanks po" mabilis kong saad at dali daling umalis ng classroom. Alam ko ang ganong klaseng titig niya, paano ko ba siya maiiwasan?
BINABASA MO ANG
Vampires Surround Me [UNDER REVISION AND ADDING NEW CHAPTERS]
VampireVampires Surround Her She's not aware of it Can she withstand what vampires treats her? Will she fall in love or not? ----------------------------- WARNING: MATURE CONTENT || R18 KUNG HINDI NIYO GUSTO ANG GANITONG GENRE, PWEDE NIYO NAMANG WAG NA LAN...