Epilogue

813 14 4
                                        

EUPHEMIA QUERESHA HAISLEY POV

Nandito ako ngayon sa isang room kung saan inaayusan ako nina Zcey at Sayuri para sa on going Grand Ball of Vamphire Kingdom. Ayaw ko man o sa hindi, nangyari na lang ito dahil lumabas na ang katotohanan sa buong bampira na nasasakupan ng Vamphire na I became half blood because of Lelouch. At alam nyo ba kung para saan ang event na ito? Its for me and Lelouch, The King and Queen will officially announce na I will be a consort of Lelouch in short magiging mag asawa kami dahil lang sa pagiging half blood ko. 

Sinabi pa nga ni Tita Naomi na pwede rin isama sa celebration na pati sina Ludwik at Louie ay magiging asawa ko ngunit tumangi ako. Una sa lahat mukha akong lalakero, pangalawa napaka uncomfortable sa feeling at pangatlo kahit pumayag pa si Lelouch na ayos sa kanya na may kahati sa asawa ay a big NO pa rin.

"Queresha ang ganda mo talaga sobra" pangpupuri ni Zcey sa akin at sinamaan ko sya ng tingin

"Quit that Queresha, I said call me Euphemia" pagalit kong tugon sa kanya at napasimangot sya

"In fairness mas lalo kang pumuti dito sa kingdom, may skin care ka ba dito? pabirong tanong ni Sayuri kaya binatukan ko sya

"Oo nga pala, kamusta na yung cheersquad natin?" tanong ko dahil halos 5 buwan akong wala sa Zolverockish University dahil saborang busy ako dito.

"Ang sabi namin ay maquit ka na sa school dahil lilipat ka na sa ibang bansa" sagot ni Sayuri kaya napatawa ako

"Anong reaction nila?" tanong ko muli

"Ayon umiyak sila haha, kung nakita mo lang ang mukha nila sobrang pangit nila umiyak" natatawang tugon ni Zcey

"Babalik rin naman kasi ako sa school eh bakit nyo pa sinabi yan" 

"For entertainment yan Euphemia" sagot ni Sayuri at nag tawanan kami

"The problem is, kung babalik ka sa school, uulit ka ng year mo" sabi ni Zcey at napatahimik ako

Oh shit ngayon ko lang yan narealize 

"Dont worry, Lelouch is your husband right? sya ang may ari ng school so malakas ang kapit mo" sabi ni Zcey, ay teka oo nga pala, sya ang may ari nun so wala akong problema pag dating dyan.

"Oh Tita Ember" narinig kong tawag ni Sayuri kaya napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang nanay ko na may kasamang lalaki na nakaakbay sa balikat nya at isang batang babae na sa tingin ko ay 13 years old at may isa pang lalaki na mukhang nasa 20s at may mapupungay na mata.

"Sayuri at Zcey, mga girls, pwede ba muna kayo umalis? maguusap lang sana kami" sabi ni mom 

"Sure, Go ahead" sabi ni Sayuri at nag laho sila sa harapan ko

"My daughter, this is my kids, this is Alyara Dahlian Honey Grinberryal sya yung bunso so basically half sister mo sya, next your older brother I mean, hindi ko sya tunay na anak unlike Alyara kasi anak sya ng ibang asawa ng step dad mo."

"He is Dryzen Morgan Fabian Grinberryal and lastly your step dad Alexandrei Apollo Warren Grinberryal the Grand Duke of the House of Grinberryal" mahabang pag papakilala ni mom sa kanilang lahat kaya agad akong tumayo at yuyuko sana bilang paggalang 

"No you dont have to do that Euphemia dear, You're part of the Royal Families, we should be the one who will bow on you." sabi ng Step Dad ko pero napangiti ako sa sinabi nya. Mukha syang mabait at hindi loko loko pero bigla kong naalala na may iba pa pala syang asawa bukod sa mother ko.

"Kailangan ko pa rin pong gumalang dahil step dad ko po kayo" saad ko at ngumiti sya ng bahagya

"Mabait yata ang anak mo Ember, manang mana sayo" pang bobola ng step dad ko sa mother ko at nag simula na yung harutan nila sa harapan ko na kala mo'y sila lang ang nandirito sa kwarto

Vampires Surround Me [UNDER REVISION AND ADDING NEW CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon