EUPHEMIA QUERESHA HAISLEY POV
Nandito ako ngayon sa condo ko kasama sina Sayuri at mamaya may pasok na kami. Ewan ko ba sa mga ito, akala ko aalis na sila, yun pala mastay sila ng sabado at linggo kaya ayun mabilis maubos ang mga pagkain na naka stock ko sa ref
"Alam niyo b,a may mga hot na transfree sa atin, ngayon daw papasok" sabi ni Zcey kaya napatingin ako sa kanya habang nag aayos ng uniform
"Oo nga four new students daw sila galing United Kingdom" tugon ni Sayuri
"Grabe naman yan nakachismis kayo agad eh di ko pa nga alam yan" saad ko sa kanila
"Nagpunta kasi sa birthday ni Lelouch yung adviser natin so naikwento niya yun sa atin di ka lang nakikinig" sabi ni Zcey
"Pero nasa kalagitnaan tayo ng Semester pwede pa ba yan?" Takang tanong ko
"Pwede yan as long as may money" sabi ni Sayuri, tama nga naman siya sa mundong ito dapat marami kang pera para mabilis lang transactions
Agad na kaming nag lakad papuntang school. Pag karating namin doon ay mga bulungan na naririnig namin at iisa lang ang topic.
"Girl nakita mo na ba yung transfree sa Alphires Section?"
Teka section namin yan ah, pati ibang section may alam na rin sa mga bagong students
"Grabe bes sobrang hot at gwapo nainlove yata ako kyah!"
"True pero mas bet ko yung naka black ang buhok shit ang hot"
"Oy akin lang yung blond ang buhok, sasapakin ko ang mang aagaw"
Hayst chismis ng chismis mga wala na namang magawa sa buhay
"Guys punta muna ako ng Cafeteria mabili lang ako juice" saad ko
"Sige basta dalian mo ah baka malate tayo sa klase" sabi ni Sayuri kaya dali dali akong tumakbo papunta sa cafeteria at agad bumili ng 2 orange juice.
Habang naglalakad papunta sa classroom ay umiinom ako ng juice pero laking gulat ko na matumba ako kaya nabitawan ko ang bukas at iniinom kong juice.
Ouch! anong katangahan na naman 'to Euphemia.
"Are you okay?" Tanong ng nabanggaan ko kaya tinignan ko sya at ako ay nagulat sa anghel na nakita ko
He has blue eyes at blond hair at bagay na bagay ito sa kanya. He's so hot kaya napalunok ako sa nakikita kong mukha.
"Miss are you okay? Bakit ka nakatulala?" Sabi nito. OH my goodness even his voice is so manly
"Miss?" Tanong nIya muli kaya nagising ako sa ulirat
"I-I'm s-sorry hindi kita napansin" I said and looked at him, his uniform was stained with my juice so I immediately stood up and touch his polo shirt
"Wait, may mantsa ang damit mo. Sorry talaga" I said habang nag aalala
"Its okay, may extra akong damit magpapalit na lang ako"
"Sige magpalit ka na pero itong damit na ito ay ipahiram mo sa akin dahil lalabhan ko yan"
"Wag ka na mag abala but good thing na nasa maayos kang kalagayan"he said at ngumiti sa akin
Linayasan niya ako habang ako ay na star stuck sa gwapong ngiti niya shit lumalabas na ang kalandian ako
Agad kong kinuha ang juice at pumunta na sa classroom ko kaso hindi ako makapasok dahil maraming students ang nakabantay sa pintuan namin
Ano na namang meron at kung magsiksikan sila dyan akala mo naman may artista
Mabilisan ako nakipag siksikan at nadatnan ko ang tatlong students sa harapan namin kaya dali dali akong umupo sa upuan ko dahil pag nahuli ako ng teacher paniguradong late ang ilalaga sa attendance ko ako
![](https://img.wattpad.com/cover/281225751-288-k302178.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampires Surround Me [UNDER REVISION AND ADDING NEW CHAPTERS]
VampireVampires Surround Her She's not aware of it Can she withstand what vampires treats her? Will she fall in love or not? ----------------------------- WARNING: MATURE CONTENT || R18 KUNG HINDI NIYO GUSTO ANG GANITONG GENRE, PWEDE NIYO NAMANG WAG NA LAN...