Chapter 18

175 5 0
                                    

EUPHEMIA QUERESHA HAISLEY POV

"EUPHEMIA!!!!"

"HOY GISING KA NA 7:30 AM NA OH MA SHOPPING PA TAYO"

"Hmmm??" Patanong kong tugon habang nag uunat ng katawan dahil nakahiga pa rin ako sa kama

"Anong hmm ka dyan bilisan mo na kung hindi si Kyster mo ang papupuntahin ko dito" sabi ni Zcey kaya napabangon ako ng wala sa oras

"Ano ba puro ka Kyster mo dyan kitang natutulog pa ako tapos aabalahin mo ako, wala namang pasok ngayon ah" reklamo ko habang nagkakamot ng ulo

"Eh di ka naman gigising kung hindi ko babanggitin yung pangalan nya" sabi ni Zcey kaya tinulak ko sya sa kama

"Sige na sige na umalis ka na, matutulog pa ako" sabi ko at muling humiga at nagtaklob ng kumot

"KYSTER!!!" sigaw ni Zcey kaya napabangon ako sabay takip sa bibig nya

"Oo na oo na tatayo na ako dito, no need na mag sigaw" sabi ko umirap sa kanya

"Bilisan mo ahh alam mo naman yung event bukas ng gabi sa Zaphyr" sabi nito kaya napakunot ang noo ko

"Anong event? Di ko alam yun" takang tanong ko

"Gago di ka yata nakikinig sa adviser nyo" sabi nito kaya napangiti ako ng pilit. Oo na ako na yung tipong hindi nakikinig sa teacher eh sa hindi naman pamilyar sa akin ang tinuturo nila nung nakaraan at isa pa kapapasok ko lang dun malay ko ba dun

"Ano nga meron sabihin mo na lang" sabi ko

"May Combat Training daw kaya dapat maturuan ka namin bukas para magamit mo sa Full Moon yung mga jewelry na binigay namin sayo" sabi nito kaya mas lalo akong nawindang sa sinasabi nya

"What do you mean? Wala akong alam" inosente kong tugon at napahinga sya ng malalim bago pa nag salita

"Remember yung pinasuot namin sayo na 1 pair of earings at ring? Wala ka bang napapansin dun?" Tanong nya at dun ako napaisip

"Ahm meron yata? Yung 1 time na may mga bumalusok sa akin na mga patusok na may ibat ibang kulay tapos akala ko tatama na sa akin pero umilaw yung singsing ko then may barrier bigla na lumabas ewan ko lang kung barrier yun" paliwanag ko at napatango sya

"Listen the ring that we gave you is a protection equipment that can protect you outside and inside meaning maproprotektahan ka nyan physical man o mental" sabi nya kaya napatango ako since di ko rin naman alam ang sinasabi nya

"That ring is your defense while the earings are attact tools. I dont know much about that since lahat yan ay Treasures ng Verockish Family which means Kingdom's Tools yan. Ask Kyster about that earing" dagdag pa nya

"Why Lelouch giving me this treasures? This is from their family right?" Tanong ko at nag kibit balikat sya

"So anong gagawin sa Combat Training?" Tanong ko muli

"Walang klase ang mangyayari, naka focus ang lahat sa pag gagamit ng kanilang abilities, sa pag kaka alam ko ay training lang mamaya at sabi ni Kyster sya daw ang magtuturo sayo then bukas ng gabi may Combat Match na magaganap kung saan may 2 students na mag lalaban at kung sino ang panalo ay mataas ang grades. Consider it as Fielding Subject kung saan magagamit ang talino at lakas mo" mahabang paliwanag nya kaya napatango ako

"Teka paano ako makakasurvive dyan? I dont know how to fight" saad ko at bigla syang nawala sa harapan ko habang ako ay naka nganga

What should I do? Hindi naman pwedeng umasa ako kay Lelouch sa pag tuturo. Shit I didnt see this coming

Agad ako naligo at nag bihis ng pang alis dahil sabi nga ni Zcey ma shopping daw tsk kailangan pa bang mag shopping?

After kong gawin ang lahat ay pumunta na ako sa sala at nandoon na nag hihintay sa akin sina Sayuri

Vampires Surround Me [UNDER REVISION AND ADDING NEW CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon