Chapter 20

465 9 0
                                        

EUPHEMIA QUERESHA HAISLEY POV

Its already 12 in the noon at nandito na agad ako sa Zaphyr, sabi kasi nung teacher namin ay maaga daw kaming pumunta at hindi ko alam kung bakit.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay maraming babae ang nakatingin sa akin ng masasama, are they angry? I didnt do anything diba

The way they look at me ay parang gusto nila akong patayin pero dahil sa hindi pwede ay pinapatay na lang nila ako sa kanilang isipan.

What's going on?

Nang makarating ako sa classroom namin ay isang malakas na sampal ang natanggap ko at kita kong si Trisha ang gumawa nun. Muntik na akong mapatilapon pero buti na lang ay nakaya ko yung sobrang lakas nyang sampal

"Ano na naman ba Trisha problema mo?" Sigaw ko

"Problema ko? Ikaw, Ikaw problema kong malandi ka" sabi nya sabay turo sa akin kaya napakunot ang noo ko

"Ano ba pinagsasabi mo? Di kita maintindihan" sabi ko at humalakhak sya na parang baliw

"Tignan mo ito" sabi nya at biglang lumiwanag ang classroom at may malaking hologram akong nakita at biglang nag play ang nangyaring paghalik sa akin ni Lelouch sa hologram

What the heck, someone took a video of us? Sabi ko na nga ba't mahuhuli kami eh

"See ang lakas ng loob mo na halikan si Prince Kyster you fucking bitch" nanggigigil na saad nya and she was about to slap me but I stop her with my left hand at hinawakan ng mahigpit habang sya ay nagpupumiglas

"Ang lakas mo rin namang sampalin ako ng malakas, didn't you see it? He's the one who kissed me and nakita mo rin naman siguro na nag pupumiglas ako diba? Kung may problema ka sa halik na yan sa Prince Kyster mo ikaw mag reklamo at hindi sa akin" pasigaw kong saad at marahas kong binitawan ang kamay nya at inactivate ang left earing ko at kinotrol ko ang isip nya kaya naging steady sya at bumulong ako sa kanya

"Slap your self multiple times" sabi ko at bigla syang tumango na parang robot at naging sirang plaka na ulit ulit na sinasampal ang sarili

"Wow!!!!!" Sigaw ng mga kaibigan kong lalaki

"Aba Euphemia lumalaban ka na ahh"

"She's so cool I almost fall for her"

"Kita mo yang nasa hologram na yan? Wala ka ng pag asa dyan mukhang magiging consort na sya ni Prince Kyster hahahaha"

Kwentuhan nung mga lalaki habang yung mga babae ay nakanganga at halatang papasukan na ng langaw

Tsk bagay lang sa inyo yan

Agad akong nag imagine ng mga langaw sa loob ng bibig nila at bigla itong nagkatotoo at napuno ng tawanan ang mga lalaki

"Hahahaha Jarah yung bunganga nyo hahahaha"

"Gago paano nag karoon ng langaw sa bibig nyo hahaha"

Kaliwa't kanan na tawanan nila at doon na realize ng mga babae ang nasa loob ng bunganga nila at lahat sila nag panic

"Kyaaaahhhhhh what is this? Yuck!!!"

"Eww how? Oh my god oh my god nakakadiri" sigawan nila kaya napatawa na rin ako

Ngunit napatahimik kami ng pumasok yung Teacher namin kaya itinigil ko ang pag kontrol kay Trisha at pinawala ko yung mga langaw at umupo ng maayos na parang walang nangyari

"Bakit naka tayo ka pa dyan Lady Trisha? Balik ka sa upuan mo at isa pa bakit namumula ang pisngi mo?" Tanong nung teacher namin kaya yumuko ako para kunyare inosente

Vampires Surround Me [UNDER REVISION AND ADDING NEW CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon