EUPHEMIA QUERESHA HAISLEY POV
Nakaupo kami ni Zcey sa isang table habang lumilinga sa paligid, ang sosyal kasi dito may mga waiter na lang ang lalapit sa amin para ibigay ang mga pagkain na handa nila kaya feeling ko tuloy ay nasa mamahaling restaurant ako.
"Euphemia tara swimming tayo" sabi ni Zcey
"Hindi pa nga tayo nakapaghuhubad tapos maliligo ka na agad" reklamo ko
"Sabi nina Tasha malamig na may halong init daw ang tubig parang Spa" tugon ni Sayuri na kababalik lang galing sa chismisan sa kabilang table
"Oo nga kanina ko pa yan naririnig na bulungan kaya wala namang masama mag try" sabi ni Zcey
"And may extra clothes pa naman tayo kaya pwedeng pwede maligo" tugon ni Sayuri
"Ayaw ko wala ako sa mood ngayon" sabi ko at laking gulat ko na hilahin ako nina Zcey papunta sa pool at sumigaw si Sayuri
"Guys sinong gusto makita ang ating Cheerleader na naka swimsuit?" Sigaw niya kaya napa nganga ako
"Sayuri ako gusto ko!"
"Shit si Ms. Euphemia makikita na nating naka two piece"
"Yuhoooo game ako dyan"
Kaliwa't kanan na sigaw ng lahat kaya ako na ang nahihiya sa pinag gagawa nila
"Oh 150 lang per head bilis" sabi ni Zcey kaya kokotongan ko sana siya dahil ginawa niya akong tinda sa palengke pero nung kumawala ako sa kanya ay bigla akong nadulas at sa kasamaang palad ay nahulog ako sa pool
"Woaaahhhhh"
"EUPHEMIA!!!!"
It's a good thing because I know how to swim otherwise I might die early. Agad ako umahon pero I think wrong timing yun dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin at tinitigan ko ang sarili ko at doon ko nakita na bakat na bakat ang itim na bra ko kaya namula ako sa nasaksihan ko.
"Euphemia Take It Off" paninimula ni Zcey at sinabayan siya ng mga kaklase ko
"Take it Off"
"Take it Off" this time halos lahat ng nandito ay isinisigaw yan
"WAG NA MAHIYA!" sigaw ng iba sa kanila kaya di ko na alam ang gagawin ko
"EUPHEMIA PLEASE" pasigaw na sabi ni Sayuri kaya napayuko ako
Tsk kung hindi ko lang siya kaibigan at hindi rin naman masama kung mag sasaya ako ngayon diba?
Mabilisan kong hinubad ang tshirt ko at binigay kay Zcey
"Oh yan happy ka na?" Sabi ko
"Yung short mo din" sigaw ni Zcey
"TAKE IT OFF"
"TAKE IT OFF"
"TAKE IT OFF"
Ayan na naman sila sa take it off na yan eh
Hinubad ko ang short ko kaya naka two piece na lang ako at nagsigawan sila
Nakita kong nag hubad na rin sina Sayuri at naka two piece na din sila at tumalon sa pool
"OMG mukhang spa nga" comment ni Sayuri
"Sa una ay malamig pero pag tumatagal ay biglang nagiging mainit na may halong lamig" sabi ni Zcey
"Hayst, bakit niyo ako hinayaang mahulog kanina" inis kong sambit
"Aba malay ko ba na mahuhulog ka, hindi pa nga ako tapos sa 150 pesos eh" reklamo ni Zcey at doon ko na natuloy ang pagkotong sa kanya

BINABASA MO ANG
Vampires Surround Me [UNDER REVISION AND ADDING NEW CHAPTERS]
VampirVampires Surround Her She's not aware of it Can she withstand what vampires treats her? Will she fall in love or not? ----------------------------- WARNING: MATURE CONTENT || R18 KUNG HINDI NIYO GUSTO ANG GANITONG GENRE, PWEDE NIYO NAMANG WAG NA LAN...