Chapter 1

579 27 2
                                    

CHAPTER 1

KayCeelyn's POV

7:00 am.

*Kriiiiiiiinnnnnnngggggggg*

Minulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang isang kwartong pinagsamang itim at puti lamang ang kulay maliban sa kulay asul na cabinet which is mine. Tumayo ako, binuksan ang kurtina at dinama ang bagong sikat ng araw na dumadampi sa mga balat ko. Lumabas ako sa terrace ng kwarto at nilibot ko ng tingin ang kabuuhan nito.

Ibang-iba parin ang probinsya namin dito kasi puro semintadong daanan ang nakikita mo pero duon sa hacienda namin puro green grass at farms. Bumaba ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, nag iwan nanaman sya ng sticker note. "Good morning Ga♡"

Simula ng dumating ako dito ganito nalang palagi ang set-up ng breakfast ko pero di kasi kami pwede magsabay pumasok for some reasons.

"Hello ma'am, Good morning."

Pumasok sa pintuan ang hindi masyadong katandaang babae nasa 50 plus na nakasuot ng pang maid ng damit. "Good morning Manang rosa, kamusta po bakasyon?"

"Eto po masaya kasama ang pamilya. Si arkay ba gising na?"

"Nasa kwarto po tulog pa."

"Namiss ko yung batang yon eh!"

At umakyat na sa taas si manang rosa. I sighed as I took a sip on my coffee, kinain ko na rin yung breakfast ko at naligo. 1st day ko ngayon sa papasukan kong university, ang cute nga ng uniform eh longsleeve sa top and a knee-long skirt. Nung nakapaghanda na ako lahat-lahat e humalik muna ako kay arkay bago tuluyang umalis ng bahay.

Si Arkay? He's my son. Yeah, I'm already a mother of 11 months old baby. Ang aga no?

20 year old palang ako at mahabang kwento kung bakit. Nung nakapara ako ng Taxi, sumakay na ako dito, wala naman kasing kotse ang isang tulad ko. Kahit may pambili hindi naman ako marunong kung paano paandarin. So, its useless.

Nagtataka na ba kayo sa mga pinagsasabi ko? Ako rin eh, Ang seryoso ko masyado. Okay i'll tell you the whole story kung bakit ako maagang nabuntis.

2 years ago.

I was a 2nd year college student. Nakatira pa ako noon sa Cebu kung saan ang hacienda namin and my parents decided na ipakasal ako sa anak ng kaibigan nila.

Di naman ako sumuway kasi, ewan ko? Natamaan ako sa charms nya, maybe? I don't even know why. Basta nalaman ko nalang na I fell for him. Si Ran kasi yung tipo ng tao na despite of his attitude eh may part rin na busilak sa puso nya kahit napaka suplado. Dito sa manila ang permanent place nya, malayo samin. So, minsanan lang sila bumisita samin. Ayoko namang mag transfer ng ibang school dati kasi marami akong iiwan kaya nag promise ako sakanya na pagka-graduate ko nalang ako lilipat kung saan nakatira si Ran.

Naging normal naman ang lahat until the unxpected things happened, nangyare yung di dapat mangyare.

May nangyare samin ni Ran. Alam nyo na yun.

That was during my birthday bumisita sila sa bahay at nagkayayaang uminom, katuwaan lang and actually mom ko pa ang nag lead, botong boto kasi sya kay Ran kaya nung nabuo yung baby sa tyan ko hindi sila nagalit gusto na daw kasi nilang magkaroon ng apo bago mawala sa mundo.-,-

Ayon, nabuo si arkay and by the way I named Arkay after me and Ran's name. R and K.

And then, after I gave birth to arkay nagpatuloy ako sa 2nd year ko with my course.

Pero iba na e. T'was different from before.

Maraming umiiwas, nanglalait at iba pa. Ang tingin nila sakin isang MADUMI. Pati mga kaibigan ko mismo and I can't believe na makakaya nila akong iwan ng ganoon-ganoon nalang. Sabagay, hindi ko naman sila masisisi, MADUMI talaga ako eh. Hindi ako bagay sa kanila kasi sila malilinis at kagalang-galang kesa naman ako, wala na akong panama sa mga standards nila.

The Art of Love [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon