Reminders:
Friendly Shipping Only.
Kilig responsibly.SAMANTHA POV
It's now 4 o'clock in the afternoon. And here I am preparing for a surprise. I wanted to surprise her not because we have something to celebrate but to show my love for her. We were together for almost 4 years. I love her more than what this world can offer. I know she's the one I wanted to be with until the rest of my life. I set up everything from the beautiful place, food, romantic music and everything. Nagpalagay ako ng mga red rose petals na tinipon upang makabuo ng isang hugis puso. Nagpalagay din ako ng mga kandila na magsisilbing liwanag niya sa paglalakad papalapit sa table na sinet-up ko din. Mga dekorasyon at iba pa na magpapa-alala sa kanya kung gaano ko siya kamahal at handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Hindi ko ininda ang pagod at gastos dahil para sa kanya naman lahat ng ito. Tinulungan din ako ng mga kaibigan namin.
"Good luck, dude." Sabi ni Albie kasabay nito ang pagtapik sa balikat ko.
"Thanks, dude." Masayang tugon ko sa kanya.
"Sana all. Ang sweet mo talaga sa kaibigan namin, Sam." Singit ni Alexa.
"Sus, nagpapaparinig lang yan diyan sa isa." Banat ng kapatid kong si Anji.
"E, ligawan mo na kasi." Tukso ko sa kaibigan ko.
"Siraulo mo, pare. Pag ikaw hindi sinipot, tatawanan kita." Inis na tugon niya.
"Gusto mo mahampas ng kamay ko?" Taas-kilay kong tanong at akmang hahampasin siya.
"Joke lang, pre. Peace." Takbo niya sabay peace sign. "Una na ko ha, good luck, sizzy." Pahabol na sigaw niya.
Siraulo 'to! Kinabahan tuloy ako.
"Oh, pano ba yan? Balitaan mo na lang kami ha." Bilin nina Chie.
"Sige sige. Salamat sa tulong niyo." Sagot ko sa kanila.
"Wala ng libre ngayon, imbitahin mo kami sa kasal niyo kahit sa reception lang." Sabi nila at nagtawanan.
"Una na kami, alas kwatro na. Gala muna kami sa mall at magrerelax, kapagod hahahahaha." Reklamo ni Kyle.
"Ingat kayo, ako na bahala dito." Sabi ko.
"Hoy, umayos ka dude! Wag mo sayangin effort natin." Pagsisigurado ni Albie.
"Oo, sumakay ka na at naiinip na sila kakahintay sayo. Driver ka ba nila? Kawawa ka naman." Biro ko habang sinisilip siya sa bintana ng kotse.
"Pag ikaw, hindi sinipot. Tara shot puno." Tawa niya at in-start ang kotse.
Wow ha, nakakatawa ba yun? Tatawa na ba ako? Mga gagong kaibigan 'to!
YOU ARE READING
Maybe, If The World Is No Longer Against Us (SL)
FanfictionDisclaimer: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actua...