Lagi't Lagi

244 17 1
                                    


THIRD PERSON'S POV

Naglalaro si Alyssa ng games sa iPad niya. Samantala, si Samantha ay kinukulit naman siya sa tabi at inaasar.

"Ay. Hindi ka naman marunong maglaro. Delete mo na yan." Pang-aalaska dito ni Sam.

"Huwag kang magulo, sizzy. Kapag ako natalo----" Banta niya sa isa.

"Temple Run ka pa dyan. Tara sa labas, hahabulin kita." Aya ni Sam at niyugyog ito sa braso para ma-distract.

"Ako na ang nahiya para dito sa monster. Ang ganda mo naman para maging ganito." Sabi niya na naka-focus pa din sa nilalaro.

"Sam, wait lang po kasi." Pigil niya habang natataranta na sa kakapindot ng screen para patalunin sa rope ang player at iwasan yung monster. "Ayan nahulog tuloy. Kawawa naman. Pasensya na po." Dismayang sabi niya, nilapag nito sa mini table ang iPad at ni-off.

"Hoy, saan ka pupunta?" Tarantang tanong niya at napatayo pa ng mawala si Sam sa tabi niya at naglakad na pala ito paalis.

"Uuwi na. Nakakaistorbo yata ako sayo." Seryosong sagot nito.

"Wala akong sinabi na umuwi ka. Sizzy naman. Eto na nga hindi na ako maglalaro." Paliwanag niya, dinampot niya ang iPad sa table para ipinakita na naka-off na ito at hindi na talaga siya maglalaro.

"Tamang behavior, Ly." Ngiti agad nito at bumalik sa inuupuan nila kanina-kanina.

"Sus. Marupok." Asar niya at sinundan si Sam.

"Nakakainis ka kase. Isang oras ka na dyan kaka-games. Kanina pa ako dito. Samantha pa pangalan ng player mo dyan. Oh bakit ka tumatawa?!" Reklamo nito at sinamaan siya ng tingin.

"Uwi ka na pala. Laro na lang ako ulit." Biro niya at pinipigilan ang sariling ngumiti lalo.

"ANO?!" Naiiritang tanong nito at naka-taas pa ang isang kilay.

"Ang cute mo. HAHAHAHA."
Hindi na niya naitago ang ngiti at natawa sa reaksyon ni Sam tungkol sa pangalan ng player niya sa Temple Run. Lingid sa kaalaman ni Sam na kaya Samantha ang name ng Player ni Alyssa ay sa kadahilanang.....

"Sizzy Sam, alam mo ba kung bakit Samantha yung name ng player ko sa game na yun?" Mahinang tanong niya ngunit rinig pa din ni Sam.

"Hindi. At bukod sa hindi, mukha ba akong lalaki para sayo, Sizzy?" Sarkastikong sagot nito sa kanya.

"Lalaki ba yon? Hala. Nakalimutan ko yata I-customize. Hehe." Sagot niya at napayuko sa hiya.

"Oh.. Bakit nga Samantha yun?" Balik nito sa kanya. At umayos ng upo.

"Kase.. uhmm... Yun." Sulyap niya dito.

"Hoy, wala ka pa nga sinasabi eh. Anong 'yun' ha?" Naiinip nang paghihintay nito habang nakatingin lang kay Alyssa.
 

Maybe, If The World Is No Longer Against Us (SL)Where stories live. Discover now